Why 2: Tripping Point

Beginne am Anfang
                                        

Lumipas ang kalahating oras at walang dumating na guro. Napabuntong hininga na lamang ako. Sayang ang ipinagpuyat ko kagabi at pagmamadali ngayong umaga.

Tumayo na ako sa upuan. Ilang oras pa bago ang sunod na klase kaya't minabuti kong pumunta ng clinic. Bukod sa classroom ay ito na ata ang sunod sa napakalimit kong puntahan.

The nurse is aware of my situation. Sya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa ganitong bagay dahil sya lang din ang tumutulong sa akin. Noong unang beses na pumunta ako dito ay nagdadalawang isip pa ako, pero wala din naman akong pera para magpacheck-up sa labas. Dahil ito sa kakaibang kirot na nararamdaman ko sa sikmura na hindi nagpatulog sa akin buong gabi ng araw na iyon.

"Harper, my favorite student." Bati nya sa akin at nginitian ako. She's an aspiring doctor, ngunit mahal ang pagtutuloy ng nais nyang kurso kaya't nag-iipon muna sya para dito. She treats me like her first patient gamit ang mga natutunan nya sa medisina.

"Hi Miss Jack." Tuluyan na akong pumasok sa loob at naupo sa kama.

"Gustong gusto kitang nakikita pero hindi sa ganitong kalagayan. Ano naman ang nangyari sayo na bata ka?" May pagsesermon na wika nito at lumapit sa akin.

Inalis ko ang suot na jacket at bahagya itong napangiwi ng makita ang ilan sa aking mga pasa. May bago ding pasa sa aking braso marahil ay dahil sa mahigpit na paghila sa akin ni Tyang kagabi. Maputi ang aking kutis at may pagkasensitibo kaya't madali itong magkapasa at kitang kita din ito. Ewan ko ba sa balat na ito, akala mo mayaman kung makapag-inarte.

"My gosh Harper, kailan ba mawawala ang mga iyan?" Marahan nyang binitawan ang aking braso. Kung ganoon ay dahil lamang sa dilim kagabi, kaya akala ko ay malabo na ang mga ito.

"Hindi talaga iyan ang ipinunta ko dito." Tinaasan niysako ng kilay, tila hindi makapaniwala na may mas malala pa dito.

Tinaggal ko ang pagkakabutones ng aking blouse at itinaas ang suot na sando. Napangiwi ito sa nakita. Kahit ako ay nabigla sa itsura nito. Para itong hinampas ng batuta ng ilang beses. Daig ko pa ata ang sumali sa fraternity.

"Harper! Magpapakamatay ka ba talagang bata ka?" Marahan nya itong hinawakan. Ngunit ramdam na ramdam ko agad ang sakit. Magaan ang kamay nya na kinapa ang aking pasa.

"Bruised ribs it can be caused by a fall. Saan ka ba nahulog?" Tanong nito matapos itong i-check.

"Tumama sa kanto ng lamesa." Mahinang tugon ko. Napailing na lamang ito at nagtungo sa cabinet.

May nais pa sana akong itanong ng biglang bumukas ang pintuan. Parehong nabaling ang atensyon namin sa bagong dating.

Nagkasalubong ang aming mga tingin at ilang sigundo akong nalunod sa light brown nyang mga mata bago bumaba ang kanyang tingin sa aking katawan. Huli na bago rumehistro sa akin na hindi ko suot ang jacket ko, nakabukas ang butones ng uniform ko at nakataas pa ang sando!

Kaagad kong hinila ang kumot sa aking tabi at itinalukbong sa sarili ko. Nagdulot ng kirot ang aking nagging aksyon dahil sa pagkabigla ng pwersa sa aking tagiliran.

"Trevor, don't you know how to knock?" Kaagad na wika ni Ms. Jack upang maalis sa akin ang atensyon nya. Nakita nya? Will he tell it to everyone? Report it to the police or guidance council?

"Sorry, old habits die hard." Simpleng wika nito. Narinig ko ang paghila nito ng upuan na nasa harap ng desk ni Ms Jack.

Lalo kong hinatak pauna ang kumot upang mas matakpan nito ang akin ulo at katawan. Mukha akong rebulto dito na tinakluban ng kumot. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ramdam na ramdam ko din ang hirap sa paghinga dulot ng sakit sa tagiliran.

"Anong kailangan mo at tigilan mo yang pa-cute mo dahil hindi yan gagagana. Bata pa lang kayo alam ko na yang mga taktika mo." Hinila ni Ms. Jack ang kurtina upang maharangan ang parteng ito ng silid kung saan naroroon ako. Hinila nya ang ang kumot na ginamit ko at tanging puting kurtina na may ilang disensyo ang nakita ko.

Why and What ifWo Geschichten leben. Entdecke jetzt