CHAPTER 70

1K 32 1
                                    

DEBORAH



Attorney Lexus doesn't look a human being in front of the criminals. Sa mahigit kalahating buwan kong pamamalagi sa tabi niya, makailang beses ko na rin siyang nasaksihang magpanao ng mga civil cases sa loob ng trial court. At sa mga sandali ngang pinagmamasdan ko kung paano niya i-defend ang mga kliyente nya sa harap ng judge, masasabi kong iba siya palagi loob ng silid na iyon kaysa sa kung sino siya kapag kasama ko o nasa law firm siya.



Kapag kasama mo siya, mararamdaman mong normal lang siyang tayo gaya mo. Kapag nasa law firm naman siya, puwede ka pa ring makipagbiruan sa kanya pero mayroon ng limitasyon. Pero kapag nasa loob na siya ng trial court, tila nagiibang anyo siya. His face is emotionless, his eyes are cold at hinding-hindi mo mababasa kung ano ang nasa isipan niya. All the criminals are afraid of him kaya sinisigawan siya ng mga ito during the hearings and the trials.



At nakita ko ngang muli ang anyo niyang iyon kanina sa sa police station at pati na sa harap ni Sarah Lim. Nangininig ang mga ito habang kausap siya. Even me who was just beside him listening and observing ay ramdam din ang bigat sa mga sinabi niya.



Gayunpaman, ibang-iba naman siya noong kausap niya ang Papa ko. He was assuring him that everything will be fine at mataas na mataas ang naging pananalig ni Papa sa kanya. Si Papa iyong tipong hindi madaling magtiwala sa mga tao kaya noong nakita kong naging ganun siya kay Attorney Lexus kanina ay nanlambot na lang ang puso ko.



"We're already here..." anunsyo niya. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bagong bahay nina Mama at Papa. Sabay na kaming bumaba ng kotse niya at sabay na rin kaming pumasok ng gate.



Napatayo agad si Mama nang makarating kami sa loob. Kinuha niya ang bag ko at inilagay sa table habang kinuha niya naman ang coat ni Attorney Lexus para isampay sa likod ng pinto. Gaya ko, magang-maga rin ang mga mata ni Mama at tila hindi pa rin siya nahihinto sa pagiyak.



"Ang Papa niyo?" alalang-alala niyang tanong sa amin habang nakahawak siya sa parehong kamay namin ni Attorney Lexus.



Hindi ako nakatingin kay Mama nang kumirot naman ang puso ko.



"Reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to property, and a grave threat po ang naging resulta ng initinal investigation nila kay Papa, Mama..." anang ni Attorney Lexus. Naiyak ulit si Mama. "Pero huwag kayong magaalala dahil hihiling ulit tayo ng isa pang investigation. It is obvious that the police are sabotaging everything simply because the complainant have a big name. Pero hindi ko po hahayang magtumpay sila. I will do everything I can to solve this mess. Papa will be free soon and all the people behind this will pay for what they've done."



Mas hinigpitan lang ni Mama ang pagkapit niya sa kamay ni Attorney Lexus. At kahit umiiyak ay nagawa niya pa kaming tanungin kung kumain na kami. May hinanda siyang pagkain sa amin sa kusina at kahit ang hirap kumain dahil sa nangyari sa araw na ito ay nagawa ko pa ring sumubo dahil luto iyon ni Mama. Mas marami ang nakain ni Attorney Lexus kaysa sa akin at nang matapos nga kami ay nagpunta kami sa dati naming bahay sa dumpsite. Umupo kami ni Attorney Lexus sa malaking bangko sa labas niyin at doon ay nagusap.



"Hindi lang inis ang naramdaman ko kay Papa dati nung nalaman kong hindi siya marunog magbasa at magsulat..." pagbabahagi ko sa kanya habang nakatingin sa bundok ng basura na nasa harapan namin. Gabi na pero dahil may mga ilaw pa rin doon ay nagawa ko pa ring tignan ang lugar kung saan ang dami-dami kong naipong ala-ala simula pa noong bata ako. "Nagalit din ako sa kanya. Pangalan niya lang, pati pangalan ko at ni Mama ang kaya niyang isulat kaya talagang naging ganun ang pakiramdam ko sa kanya. Natanong ko sa sarili ko kung paanong tumuntong siya sa ganung edad nang hindi man lang natututunan ang mga simple pero napakaimportanteng bagay na iyon at kada naiisip ko nga iyon ay naiiyak na lang ako." May namuong bukol sa lalamunan ko. "Kinahiya ko na rin siya dati sa mga kaklase ko noong elementary ako pero ang nakakatawa lang..." Napangiti ako nang may maalala. "Kahit naiinis at galit ako sa kanya, ayaw na ayaw ko siyang sinasaktan, pinapahiya o inaalipusta ng iba. Isang beses nga, sinigawan siya sa harap ng maraming tao noong may-ari ng truck niya dati kaya sinugod ko agad 'yung nanigaw sa kanya. Simula noon, ingat na ingat na si Papa na makita ko siyang ginaganun. Pero alam ko pa rin na nangyayari pa rin ang mga ganung bagay. Nangyayari pa rin." Napahagulgol na ako. Naalala ko bigla si Sarah Lim. Sa galit ko sa kanya, naiiyak na lang ako ulit.



"Yah..." Tinawag ako ni Attorney Lexus. Napatingin ako sa kanya kahit hindi ko na maitsura ang mukha ko. May walang kasing lawak na ngiti sa mukha niya.



"I may no longer remember how to have a father, but looking at you right now, pouring tears infront of me, makes me realize that you are really a good daughter to him. You may hate him before but for sure, he understands it. Your father may don't know how to read or write but for sure, he knows what's inside your heart and even without you telling him things directly, your father knows that you love her very much. And with that fact alone, your father will surely overcome this trouble. This is just nothing compared to the battles he endured raising his only daughter..." eksplika sa akin ni Attorney Lexus na naging dahilan nang mas matindi ko pang pagiyak.



Soon, hindi ko na rin namamalayan na tinatawag ko na pala si Papa habang umiiyak at nakatitig lang sa dumpsite.



"Papa!" sigaw ko at naging mas malakas pa nga ito hindi kalaunan.



Nang mailabas ko na ang lahat ng hinanakit ko, kinalama ko na ang sarili ko at hinarap nang muli si Attorney Lexus na nasa tabi ko lang at nakikinig sa pagiyak ko kanina pa.



"Attorney Lexus Park?" pagtawag ko sa kanya. Namamaos na ang boses ko.



"Hmm?" May ngiti pa rin sa mukha niya.



"Nakapagdesisyon na ako," turan ko.



Mas tinitigan niya pa ako habang hinihintay ang kadugtong ng sinabi ko.



"I want to be a lawyer too," anang ko.



Tumango lang siya, hindi nagasalita ngunit lumapad ang ngiti nang tinitigan ang bundok na basura na kanina ko pa pinaglalaanan ng tingin.



Ilang beses ko nang tinatanong sa sarili ko kung ano ba gusto kong mangayri sa buhay ko at hindi ko nga mahanap-hanap ang sagot. But by simply witnessing an injustice today, I think already found the answer. Paniguradong mas marami pa ang gaya ni Papa na nakakaranas ng ganitong klaseng kawalan ng hustisya kaya mas maigi lang ding mas dumami pa ang mga nagtatanggol sa mga gaya niya.



The world is not fair. That's why there are lawyers whose task is to level the playing field.



"I think I should already start updating my resume," turan ni Attorney Lexus, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at maya-maya pa ay bumaling ang tingin niya sa akin, "I think another star lawyer is about to be born."



***


Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now