CHAPTER 79

1.1K 28 3
                                    

LEXUS

"Bandang alas sais ng gabi nang sinabi ko kay Attorney Lexus na puntahan niya ako sa waiting shed sa P. Lauzon Lane na malapit lang din sa law firm niya. Quarter to seven naman naman nang tumawag siya sa akin para sabihining palapit na siya. Matapos niya akong tawagan, doon ko na nakita ang lalaki na akmang tatawid pa lang patungo sa kinaroroonan ko. Naka-hood siya ng kulay itim at naka-itim ding jeans. Nakita kong may dala-dala siyang kutsilyo nang makalapit siya sa akin kaya agad kong tinawagan si Attorney Lexus na huwag niya na akong sunduin pero sobrang huli na ako kasi pagbaba ko ng tawag, nasa harap ko na 'yung lalaki at sinaksak na ako..."

Deborah is now on the witness stand at binibigay na nito ang statement kung ano ang nangyari sa gabing iyon. Attorney Lexus, which is just a meter away from her, can feel her struggle to explain things. Alam niya kung gaanong ka-traumatic ang gabing iyon para sa kanilang dalawa lalong-lalo na kay Deborah, and here's she is right now, pouring salt on her own wound again, just for him. Pero walang magawa si Attorney Lexus sa pagkakataong ito, he's on the suspect stand, wearing an orange inmate shirt, and as of this very moment, the only person whom he can completely lean on is no other than Deborah.

"Sinubukan kong pigilan ang pagsasak niya sa akin gamit ng pagsalo ng patalim niya sa kamay ko pero sobrang lakas niya pa rin at nabaon niya pa rin ang dulo niyon ng kaonti sa akin. That was when Attorney Lexus came. Agad niyang inawat ang lalaki sa ginagawa nito sa akin. Pareho silang napunta sa kalsada. Pinapangibabawan ito ni Attorney Lexus at ginulpi habang iniingatan ang sarili huwag masasaksak ng lalaki..." she added.

Everyone's eyes are on her right now, namamaos na rin ang boses nito pero ginagawa pa rin nito ang lahat para maisalaysalay lang maayos ang mga pangyayari. It has been a month since that incident happen. And Attorney Lexus regretted that he killed that guy out of his anger and out of protecting his own self and Deborah's security from him. He's got no choice that time. Kung hindi niya mapapatay ang lalaki ay maaring isa sa kanilang dalawa ni Deborah ang mapapatay nito.

"Pero bago pa iyon mangayari, sinabihan na ako ng lalaki na wala raw siyang planong patayin ako. At naniniwala akong balak niya lang talaga niyang i-frame si Attorney Lexus. It's his plan na mapatay siya nito! Jesse Pamatuan is one of the son of Dandy Pamatuan na naipakulong ni Attorney Lexus kasama pa ang ibang miyembro ng pamilya nito dahil sa recent massacre case. At naniniwala akong naghihiganti siya!"

Her voice is getting higher and higher. Naipikit ni Attorney Lexus ang mga mata niya.

"If you believe na naghihiganti lang siya, at ikaw na nga rin ang nagsabi na wala siyang planong patayin ka, then why did Attorney Lexus ended up killing Jesse Pamatuan?" tanong ng lawyer ni Jesse Pamatuan kay Deborah.

"It was a form of self defense! He even told Attorney Lexus na gagahasain niya ako kung hindi lang ito dumating! Walang choice si Attorney Lexus sa mga panahong iyon kundi gawin iyon! Kung hindi niya iyon ginawa, maaring pareho kaming napatay ng lalaki!" Deborah's already crying.

"Miss Galang, you're a law student, and you must've have known that killing someone is not a form of self defense."

"Hindi 'yan totoo!"

"Order in the court!"

Natapos ang pinakaunang trial sa pinakamagulong paraan. Attorney Lexus stand as his own attorney pero tila binabalewala ng judge ang mga depensa niya. It was no longer Judge Abdul who handles his case. Ibang judge na ito at tila may koneksyon ito kay Dandy Pamatuan.

On the other hand, it's both a curse and a blessing that the media is following his case. Jesse Pamatuan, the guy he killed, is a former MVP at a prestigious university at may cult-following ito, at dahil din dito, galit na galit ang mga fans nito sa kanya, calling him different names everytime he's exposed in the public. Sobrang hirap na ng nagiging sitwasyon niya pero kailangan niya pa ring kumapit. The truth will always conquer everything, palagi niyang pinapaalala sa sarili niya, it will always conquer everything.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendWhere stories live. Discover now