CHAPTER 38: Uneasy

Start from the beginning
                                    

'Ba...' Hinagap ni DJ ang kamay ni Kathryn at hinalikan ito as they got stuck in a traffic. 'Alam kong may dahilan ka pero naaawa ako kay Danilo natin. Tapatin mo nga ako, naiirita ka ba kay Danilo?' Malambing na tanong nito na sinagot naman ni Kath ng marahang tango.

'Hindi ko alam. Siguro hormones na naman. Pero paran ayaw kong makita o maamoy man lang si Danilo.' She pouted.

The vehicles in front of them started to move forward when Kath looked up and saw her Diaper billboard ad with Danilo.

'Tina-try ko namang hawakan sya e.' She continued. 'Kaso, the last time I did, naduduwal ako.' Malungkot ang pagkakasabi nya noon. 'Let's go back na lang. Nagi-guilty na rin ako.' She heaved a sigh.

'Sigurado ka? Gusto mo, dumaan muna tayo sa OB para mapatingnan ka.'

Tumango na lamang si Kathryn before she stared out the window.

*************

'What?' Alarmadong tanong ni Kathryn habang nakaupo sya sa make-up chair sa set ng Hiram, kausap ang isang staff ng ASAP. 'Hindi ako pwedeng sumayaw ate.' Marahas na iling ni Kathryn.

'E yun po yung gusto nila para sa birthday prod nyo e.'

'Hindi talaga pwede ate. Ayoko po.' Iling na naman nya. 'Kakausapin ko si Ate Lani. Hindi po ako pwedeng sumayaw.'

'Bakit ba?'

'Ate, buntis po ako.' Pabulong nitong sabi na ikinabigla ng kausap.

'Ha? Na naman?'

'Maka- na naman ka naman dyan, Ate.'

'Nabilisan lang ako. Kaka-one year old pa lang ni Danilo a. Matinik talaga ang DJ, bebe!'

Napangiti na lamang si Kath sabay subo ng ubas na ipinabaon sa kanya ni DJ.

**********

'E hindi naman natin pwede pilitin si Kathryn.' Mr. M said in front of ASAP producers. 'Buntis nga ang bata.'

'So pakakantahin na lang natin uli sya? Ang daming nag-aabang ng birthday prod nya Mr. M bilang wala sya last year.'

'Sino bang direktor? E diba, ako?'

'Sayang pa man din yung inilatag ni Teacher Georcelle na dance number. Pak na pak na sana.'

'Ano bang plano sana ni Georcelle?'

'White shirt love dance to the tune of Dance for You ni Beyonce.'

'Dyusko! Kahit di buntis yun, di mo mapapasayaw yun ng ganun! Kay DJ pa lang e.'

'Ano bang plano ni DJ kay Kath, mamanangin?'

'Tama na!' Johnny reprimanded everybody. 'I need Kathryn and DJ by tomorrow here. Ikokonsulta ko muna sa kanilang dalawa yung plano.'

************

Kath and DJ walked through the hallway leading to ASAP's studio. Her right hand enclosed in his left as he carried Danilo, they were greeted by warm smiles and hellos by everyone that they meet along the way.

'Pre si Kath o. Ang ganda talaga.' Pagsiko ni Jon kay Julian nang madaanan sila ng mag-anak.

'Deputa talaga tong si Padilla. Ang swerte ng gago e.' Julian said amusingly. 'Asawa na nga nya at nanay na ng anak nya, ultimate bakod pa rin.'

Pasalamat sila at walang narinig si DJ sa kahit anumang sinabi nila.

'O, tol!' Khalil gave DJ a high five nung masalubong nila ito papasok sa dressing room ni Kath. 'Advance happy birthday, Kath ha?' At niyakap nya ito.

'Thanks bebe Khal.' Kath smiled.

'Wala talagang kapoot-poot saken tong asawa mo e no? Kung ibang lalaki siguro ako at niyakap kita ngayon, malamang, nasa GMA na 'ko.'

Parehong natawa ang mag-asawa.

'Bakit? May balak ka bang ahasin si Kath sa akin?' Derechong tanong ni DJ kay Khalil.

'Sus! Ako pa ba?! Wala no!'

'O e di maigi nang nagkakaintindihan tayo. Balik ka na dun.' At ngumuso si DJ sa direksyon kung saan nanggaling si Khalil.

'Makataboy, parang pusa lang ang pinapaalis a.' Khalil pouted.

'Awww, halika nga dito bebe Khal.' Malambing na hinila ni Kathryn si Khalil at niyakap muli ito.

'Wag mo ngang yakapin yan Ba. Mamaya, paglihian mo yan. Tama nang ako na lang ang pinaglilihian mo.' Patampong sabi ni DJ habang hawak ang braso ng asawa.

'Lihi? Ano? Buntis na naman si Kath?' Tila napalakas ang pagkakasabi ni Khalil sa huling pangungusap na iyon dahil maraming napatingin sa kanila.

'Wala. Sabi ko si Mama, naglilihi ata. Baka may kasunod na si Lelay, hindi lang namin mahalata sa tyan nya.' At ngumisi ito. 'Alis na nga.' Taboy na naman ni DJ kay Khalil.

'Sus. Chura mo Padilla.'

'Alam ko. Gwapo.'

'Hay, ang kapal! Lika na nga babe! Bye Khalil!' At hinila na ni Kathryn si DJ papasok sa kanyang dressing room kung saan naghihintay ang kanyang glam team.

**********

Maingat ni pinahid ni Kath ang sulok ng kanyang mga mata habang pinapanood mula sa ilang screens sa loob ng studio ang interviews ng mga taong malalapit sa kanya para sa kanyang birthday video. Nakaupo sya sa gitna ng stage at hinihintay lang matapos ang video para masimulan na nya ang kanyang birthday prod.

'Si Kath, talaga, hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat, hindi ba?'

Napangiti na lamang si Kathryn matapos bumulaga sa screen ang mukha ng asawa.

'Bale, eversince talaga, sya na yung babaeng pinangarap ko.' A tinge of blush started to glow on his cheeks. 'Sabi ko nga dati diba, destiny?' He continued. 'Yung saya ko nung naging loveteam kami, hanggang sa totoong naging kami, hanggang sa ikinasal kami, until we had Danilo, iba talaga. Sya lang talaga yung babaeng nakapagbigay sa akin ng ganung klaseng kasiyahan.' A montage of their couple pics and some with Danilo started to appear on the screen as well. 'Ba, maraming salamat sa lahat.' It was DJ again, this time, Danilo was on his lap already. 'Pasensya kung nagkukulang ako paminsan-minsan bilang asawa. Pero higit sa lahat, sobrang maraming maraming salamat. Mahal na mahal kita.' DJ turned to Danilo who was squirming on his lap. 'Love na love ka namin ni Danilo, o Danilo say Happy Birthday Nanay.'

'Ah- burd.. Naaaa...' Danilo struggled with the words.

Sabay na napahalakhak sina Kathryn at DJ sa effort ng anak.

'Happy Birthday, Ba. We love you so much.'

Nahati pa sa ilang windows ang screen at sabay sabay na nag-appear ang mga mukha ng lahat ng taong nagsalita at sabay sabay din nilang sinabing:

'HAPPY BIRTHDAY KATH!'

Parang maiiyak na naman si Kathryn ngunit minabuti na lamang nyang pigilin ito dahil narinig na nyang nagsisimula ang intro ng kantang kanyang ipe-perform.

**********

***AUTHOR'S NOTE***

Nasa CR ako ngayon dito sa office at may naririnig akong kakaibang ingay sa labas pero sanay na ako. 😪

#YungKwentoNgParingPugotAngUloShet

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Where stories live. Discover now