Ngayon

4.1K 81 4
                                    

"Hey, man. I heard Elisse left already. Bakit parang madalian naman ata?" Isang matalim na titig ang isinukli niya sa kaibigan dahil sa mga sinabi nito.
"Hey. Why the look. I'm not the one who caused her to leave." At natauhan siya. Oo nga naman, sino ba ang dapat sisihin sa pag-alis ng babae. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga saka tumayo at tinungo ang barandilya. Tumingin sa malawak na kagubatan. Sa isip ay unti-unting lumilinaw ang mga tagpo ng nagdaang gabi. Naipikit niya ang mga mata. Ang buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat pagkatapos ng mga naganap sa pagitan nila ni Elisse subalit mali siya. Pagmulat ng kanyang mga mata ay natanto niyang wala na ang babae. Maging ang mag-asawang Drew At Leandro ay huli na ng malamang nakaalis na si Elisse at wala ng nagawa para pigilan pa ito. He has to do something. Kung hindi ay mababaliw sya sa kakaisip sa babae. Kailangan niyang makita itong muli. Kailangang tapusin na niya ang paghihirap na ito. Kung kinakailangang lumuhod siya sa harap ng babae ay gagawin niya. Bahala na. Bahala na. Noon din ay mabilis siyang pumasok ng silid at ni hindi alintana ang nagugulumihanang tingin mula sa kaibigang si Caleb na kanina pa pilit na inaarok ang nararamdaman niya. Tuluyan siyang nakapasok sa silid at akmang bubuksan ang closet ng may mahagip ang paningin.
"Oh, shit!"

Two weeks later
"Ma'am, Ms. Maggie of Tiffany & Co. is asking for confirmation if we already have made reservations for the presentation of our proposal. Said she'd be happy to accommodate us next month." Di pa man siya tuluyang nakakapasok ng opisina ay bungad ng sekretayang si Erah.
"Really?" Di makapaniwalang tanong niya. Tatlong buwan matapos ang pagkakapanalo ng grupo niya sa BVLGARI designs ay agad niyang pinlano ang tuluyang pagpapalawak sa Orion kaya naman sinamantala niya habang matunog pa ang pangalan ng kanilang kumpanya, nagpadala siya ng portfolio sa iba't-ibang kilalang jewelry companies sa buong Mundo at umasang mabibigyan sila ng pagkakataong maipakita ang husay nila sa pagdedesenyo at sakaling maisama sa collections ng mga ito. Bago siya bumyahe patungong Sto. Cristo ay may ilang nakatakdang meeting na siya with some of the famous luxury jewelers around the world, unfortunately, she failed to catch the attention of the biggest jewelry makers. Until before this moment. Dahan-dahan niyang inilalapag sa sofa na nasa harap ng kanyang mesa ang bitbit na bag at saka hinarap ang sekretarya.
"W-what? H-how-"
"Apparently, they had to make sure we are not tied with BVLGARI yet before going through our portfolio and I apologize for the delay in giving you the good news, i didn't want to wake you up in the middle of the night lalo pa at alam kong pagod kayo sa byahe." Mababakas ang sensiridad sa tinig ng babae. She had known her secretary for three years now at kahit papano ay kabisado na nila ang isa't isa. Sa tantiya niya'y pilit nitong itinatago ang pag-aalala sa tinig. At alam niya kung bakit. Kagabi'y kinailangan niyang bumyahe patungong Maynila nang matanggap ang tawag mula sa mga magulang. Halos paliparin na niya ang sasakyan sa sobrang pag-aalala sa kapatid. Ayon kay Tamara ay bigla na lamang tumaas ang temperatura ni JD na naging dahilan upang maging eratiko ang pag tibok ng puso nito agad namang naalarma ang mga doktor ngunit hindi nila napigilan ang napipintong mangyari. Sa kung anong dahilan ay tumunog ang pinakaiiwasang beep ng mga manggagamot. 'Doc, we have a flat line...' tila mawalan siya ng ulirat ng maulinigan ang sinasabi ng kung sino mang nasa silid ng kapatid. She almost lost her own breathing, as well. Nakikinikinita na niya ang mukha ni Tamara. Walang kulay at tulala. Nasa ganoon siyang tagpo ng muling magkagulo ang lahat ng nasa silid. 'He's back! Doc, we a pulse. He's back!' Iyon lang ang kinailangan niya at dali-daling pinasibad ang sasakyan. Wala pang apat na oras ay nasa harap na siya ni Tamara. Noon din ay tuluyang ibinalita ng doktor na bagama't hindi nila maipaliwanag ay tuluyan ng nagising si JD. Isang milagro. Iyon lang ang tanging nasabi ng mga doktor. At mag mula ng oras na iyon ay hindi na natulog hanggang ang mag-asawang Sean at Tamara De Salvo at sa halip ay pilit siyang pinauwi at pinagpahinga. Marahil ay dahil sa sobrang pag-aalala at sa apat na oras na byahe kung kaya iginugupo na siya ng pagod at tuluyan ng nagpatangay sa antok. Mas mainam na iyon upang kahit papaano'y makapagpahinga naman siya sa kakaisip ng mga nangyari sa nakalipas na mga araw. Partikular ang nangyari ng gabing iyon.
"Ma'am?" Agad ang pagbalik ng kanyang atensyon sa kasalukuyan.
"I'm okay. Set an appointment with Tiffany & Co. second Saturday is fine." That would be two weeks from now since this is the last week of the month.
"Tell the team to prepare for a meeting. We need to review our portfolio. Get the conference room ready. I want all of you in the conference in an hour." Pagtatapos niya. Tango lang ang isinagot ng kaharap at saka akmang tatalikod upang harapin ang pinto ng may biglang maalala.
"By the way, something arrived for you this morning." Sabi nito na ang mga mata ay nakatuon sa kanyang mesa. Sinundan niya ng tingin ang tinutunton ng mga mata nito. There. Resting freely on top of her table. Pamilyar sa kanya ang kahong iyon.
"Thank you, Erah. You may leave me alone now." Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa molave set. Dinampot ang munting kahon, naipikit niya ang mga mata at agad ang paglukob ng pait sa puso niya. For years she was keeping that feeling of guilt knowing that she had done something unforgivable. Isang bagay na alam niyang hindi dapat niya ginawa ngunit kinailangan niyang gawin ng mga panahong iyon. For years sinusundot siya ng budhi sa pag-aakalang tuluyan ng naiwala ang munting bagay na ito. At pagkatapos ay malalaman niyang nasa pangangalaga lamang ito ng lalaki? at anong ibig nitong palabasin sa pagpapadala nito sa opisina niya? Inilabas niya mula sa kahon ang gintong keychain. Gaya ng huli niya iyong masilayan sampung taon na ang nakararaan, naroroon pa rin ang munting teddy bear na kinakakabitan ng gintong chain.
"Just like the first time you laid your eyes on it." Tila bumagal ang takbo ng paligid. Mula sa hawak na keychain ay dahan-dahang tinunton ng mga mata niya ang pinagmulan ng tinig. And there, standing, leaning sideways the entrance of her office a man whose face is etched in the deepest of her memory. Flashes of that night's interlude becoming clearer. One touch, his touch.
Bahala na. Bahala na. Tila may sariling utak ang mga kamay niya at kusang naglalandas sa likod ng lalaki habang ito nama'y gayon din sa kanya. Maya-maya pa'y lumapat na ang likod niya sa malambot na Kama. Bahala na. Ang kung ano mang alalahanin ay tila tinutupok ng tumitinding init na nadarama nilang pareho. Lalo pang lumilikot ang kamay ni Zach. Humahaplos at naglalandas sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Walang nais palampasin. Napasinghap siya ng dumako ang mga daliri nito sa pinaka sensitibong parte ng katawan niya. Naglalaro. Nagbibigay. At alam niyang kusa siyang nagpapatangay. Kung san patungo ay hindi niya alam ngunit natitiyak niyang hindi na mapipigilan ang pag-iisa ng kanilang katawan. And then it happened. An excruciating pain that almost left her breath to stop and then brought her to heights of heavenly fly. Bumabaon ang kuko niya sa likod ni Zach. Naramdaman niya ang pag-ungol nito kung sa sakit o kung ano man ay di niya alam. Then he pushed. Pushed deeper. Each push deeper than the previous one. Then he shouted her name as she felt his released in the innermost of her core and that sent her to the place she had never been before. A place of heaven that she knew couldn't be given by any other man but this man alone.
"Nangako kang iingatan mo yan." Hindi pa man siya nakakabawi sa sidhi ng damdaming dulot ng alaala ng gabing iyon ay heto At papalapit ang lalaking laman ng ilang gabing panaginip niya. Unti-unti itong humahakbang palapit sa kanya habang ang mga mata'y pilit hinuhuli ang sa kanya. And then it happened again, dark eyes meet deep brown. At gaya ng una, isang emosyon ang hindi maitago ng mga mata nito. Longing.
"You have no idea how I long for this day where I could hold you like this." Ikinulong siya ng lalaki sa mga bisig nito. Mahigpit na tila ba ayaw siyang pakawalan pa.
"Please don't go. Don't let go. Iwan natin ang kahapon sa nakaraan. Hayaan mong manaig ang ngayon sa kahit kailan man..."

******************

Hello!!! Pasensya na po talaga sa matagal na update. Ang totoo, hindi ko na halos maasikaso ang update para sa kwentong ito dahil sa napakaraming nabinbing trabaho. Anyways, palapit na po tayo ng palapit sa Wakas ng storyang ito kaya kapit lang! Hanggang sa muling update😄

-Bella Sauner

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now