Mga piraso ng nakaraan

9.3K 153 15
                                    

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang lalaking lumapastangan at siyang naging sanhi ng pagkitil ni Alicia De Silva sa sarili nitong buhay ay may bastardong inabandona sa dulong bahagi ng isla ng Paso de Blas. Si Alfon, ang malayong kapag-anak ni Julia, at pinsang makalima nina Alicia at Marco ay nag-iwan ng babaeng bastardo na ng mga panahong iyo'y otso anyos na at lalong higit na lingid sa kaalaman ng lahat ay pinag-aaral ni Marco sa bayan ng Puerto. Nang tuluyang mawala si Alfon ay naging madalang na rin ang pagbisita ni Marco sa dalagita sa kadahilanang natuon ang atensyon nito sa pagbuo ng sariling pamilya at sa pagbuong muli ng mga ugnayang nasira ng sigalot sa pagitan ng pamilya Fortalejo at De Silva. Magkaayon may hindi kinaligtaan ni Marco ang pagsustento sa dalagita na noo'y nasa unang taon na sa sekondarya. At kahit ng maikasal at may sarili ng pamilya'y patuloy pa rin ang suporta niya sa pag-aaral nito. Hanggang sa minsang lumuwas ng Puerto si Marco upang mamili ng mga materyales para sa ekspansyon ng Kwadra'y natuklasan niyang nagdalantao na ang noo'y disi-otso anyos nang dalaga at lubusang nanghihina dahil sa kumplikasyon sa dinanas na pagbubuntis. At di nga nagtagal ay tuluyan ng binawian ng buhay at nag-iwan ng isang lalaking sangol. Sa kagustuhan na rin ni Emerald ay inako ng mag-asawa ang pagpapalaki sa bata at legal na inampon bagama't ito'y napanatiling lihim sa loob ng labinwalong taon...

ST. Lukes Hospital, Manila
"Uncle Ty..." ang munting tinig na iyon ang nagpangyari upang magising siya mula sa sandaling pagkakaidlip. Nag-angat siya ng ulo't nasilayan ang nakangiting princesa. Kinabig niya ang bata at saka binuhat upang maiupo sa kandungan niya.
"What are you doing here, Princess?" Bahagya pa niyang pinisil ang ilong ng bata na ikinatuwa pa nito.
"Ty...-"
"I'm ok." Pilit ang ngiting putol niya sa sasabihin ng babae.
"Kung gayon, umuwi ka na muna at magpahinga. You haven't had any decent sleep for three days now. Kailangan mo ng matulog. Umuwi ka na." May diin sa huling salita ng babae. Napangiti siya at saka lumapit dito at humalik sa pisngi. Isang mainit na yakap naman ang iginanti ng babae.
"Umuwi ka na bago ka pa abutan ng mama dito, Timothy. Mas lalong mag-aalala iyon." Ngayo'y mababakas na ang pag-aalala sa tinig nito.
"Okay." Mukhang hindi siya mananalo sa pagkakataong ito. Kung sabagay ay nararamdaman na nga rin niyang kailangan na niya ng maayos na tulog. Binaling niya ang tingin sa kargang bata...
"Go to your mommy now, princess." Hinalikan niya ang noo ng bata bago ito tuluyang ibinigay sa ina.
"I'll ask one of kurt's-"
"Don't worry too much about me, Jade. I can manage. Sa noo ang tama ko at hindi sa kamay. Makakapagmaneho ako." He forced a smile. Muli siyang bumalik sa kamang kinahihigaan ng ama. I'll be back, dad. Be sure to wake up by then. I'm sorry. Hindi niya mapigilang damhin ang kamay ng ama o mas tamang sabihing, kinilalang ama. Sa edad nitong magpi-pitompu ay hindi na maitatangging ginugupo na ito ng kahinaan. At isiping sa loob ng sampung taon ay patuloy niyang tinitikis ang ama sa kasalanang hindi naman nito ginusto ay lalong nadarama niya ang galit. Hindi para rito kundi para sa sarili. Kung hindi sana niya tinikis ang ama'y maaaring napanatili nito ang matibay na pangangatawan. Aminado siyang mula ng bumukod siya at ilayo ang sarili sa pamilya ay unti-unting nabawasan ang ngiti ng mga magulang. Subalit tinikis niya iyon. Hindi siya dapat maging masaya. Hindi siya karapat-dapat maging masaya. Oo nga't minahal siya ng mga kinilalang magulang at kapatid ay hindi nito maitatawa na isa siyang bastardong apo ng taong naging sanhi ng mahabang sigalot sa Paso De Blas may ilang dekada na ang nakararaan. Dahil dito'y nakadarama siya ng paninibugho. Subalit dapat pa bang tikisin ang lahat? Para san pa? Ngayon niya napagtantong dapat na siyang magising sa katotohanan na bagamat hindi siya iniluwal ni Emerald Fortalejo ay isa siyang De Silva! Timothy Dave De Silva, anak ni Marco De Silva!

"Hija..." mula sa ginagawang sketches ay agad na napatayo siya upang salubungin ang ina.
"Ma.." ginawaran niya ng halik sa pisngi ang ina.
"Ang papa?" Siya namang pagbukas muli ng pinto at iniluwa si Sean De Salvo. Kasunod nito'y isang lalaking may katamtamang taas.
"Tammy, narito si TD. Tayo na munang lumabas at hayaan ang mga bata sa loob. Nasa labas rin ng silid ngayon ang mag-asawang Saavedra at nakikibalita. Ikaw na muna ang bahala dito, hija." Isang tango lang ang itinugon niya kay Sean De Salvo.
"Timothy, si Elisse. Para na rin namin siyang anak. Kayo na muna ang maiwan rito." Baling nito sa lalaki. Agad naman itong tumango at nakipagkamay sa De Salvo.
"Salamat po, Tito. Hindi rin naman ho ako magtatagal at tutuloy rin sa silid ni papa." Napansin niyang medyo bumagal ang pagkakabigkas nito sa salitang papa. At kung hindi siya nagkakamali'y nasilip niya ang lungkot sa mukha nito. Tango lamang ang isinagot ni Sean De Salvo at agad na ring inakay ang asawa na noo'y nakatunghay sa nakaratay na anak. Tuluyan ng nakalabas ng silid ang mag-asawa. Katahimikan. Tumikhim siya upang maputol ang lumalalim na katahimikan.
"If you want, maaari kang lumapit kay JD. Bagamat hindi pa siya kumikilos at nagigising ay ipinapayo ng mga doktor na kinakausap siyang madalas. I believe you to be a friend of JD's considering that Mom and dad allowed you to come inside." Ewan niya ngunit tila may dumaang recognition sa mga mata nito o maaaring guniguni lamang niya. Kelan man ay hindi pa sila nagtagpo ng lalaking ito bukod sa mga oras na ito. Agad namang tumalima ang lalaki at lumapit sa kinahihigaan ni Jacobo.
"Hey buddy..." panimula nito.
"I guess it should've been me who reminded you not to get your head crashed and not the other way. See?" Itinuro nito ang noo. Noon lang niya natantong may gasa pa pala ang noo nito. Bagamat hindi iyon kalakihan.
"Now we know who's the better driver, you punk. Bumangon ka na diyan. Hindi ba't ipakikilala mo pa siya sa amin?" Ang tinutukoy marahil nitong siya ay ang misteryosong babaeng laman ng society columns ng iba't ibang pahayagan na sinasabing siyang papakasalan dapat ni JD kung hindi ito naaksidente. Bagamat hanggang ngayon ay wala silang ideyang mag-anak kung sino nga ang babaeng ito at lalo pang nagulo ang lahat ng madawit ang pangalan niya sa mga columns bilang pangalan ng misteryosong babaeng ito. Ayon sa ilang balita'y siya ang tinutukoy ng ilang kaibigan nito na sana'y ipakikilala na sa kanila ni JD bilang babaeng pakakasalan nito. Hindi niya mapigil ang mapangiti. Si JD, magpapakasal? Kanino? Sa loob ng ilang taon nilang pakakakilala ay ni hindi niya kailan man nahimigang nag seryoso ito sa kahit na sinong babaeng naiuugnay dito. Wala rin siyang matandaang ipinakilala nito sa mga magulang at lalong wala siyang matandaang naipakilala nito sa kanya. Well, ano nga bang malay niya kung sa loob ng dalawang taong pananatili niya sa ibang bansa ay nakahanap nga ng mamahalin ang batang De Salvo. At ang pagiging masyado niyang abala sa pagsigurong maging matagumpay sa larangan ng pagdidisenyo ng mga alahas ay naging daan upang dumalang ang pagkakataong nakapag-usap silang magkapatid. At isiping ang huling naging pag-uusap nila ng personal ay nauwi pa sa samaan ng loob dahil ipinipilit niyang ayusin na nito ang buhay at tumulong na sa pagpapatakbo ng negosyo at hindi puro jet setting ang ginagawa. Medyo napasobra nga siguro s'ya ng mga panahong iyon. Subalit ang iniisip lang naman niya'y sino pa ba ang dapat na nag-aasikaso ng mga naipundar ng mga magulang nito kundi ito lamang. Kahit na ba hindi iba ang turing sa kanya ng mag asawang De Salvo at itinuring na rin siyang anak ay hindi pwedeng ipagwalang bahalang si Jacobo ang tanging tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian at negosyo ng pamilya na sa paglipas ng panahon ay lalo pang lumalago kung kaya't dapat ay ibinubuhos na nito ang atensyon sa unti-unting pamamahala sa mga negosyong ito subalit hindi iyon ang ginagawa ng batang De Salvo. Bagama't matanda ito sa kanya ng tatlong taon ay hindi miminsang napagsasabihan niya ito sa likod ng mga magulang upang sana ay sumeryoso na ito at matuto nang maging responsable. Napabutong hininga siya sa mga naiisip. Tumayo siya at tinungo ang higaan ng itinuturing na ring kapatid. May panghihinayang ang mga matang idinako niya ang tingin sa mukha nito. Nasasaktan siyang makita ito sa ganoong anyo. Ang dati ng may kahabaang buhok ay lalo pang humaba. May tubong nakapasak sa bibig nito. Hindi gumagalaw at tila wala ng buhay. Tatlong linggo na itong nakaratay sa higaan matapos ang mahabang operasyon.
"Magpapaalam na ako." Mula sa kapatid ay nabaling ang atensyon niya sa nagsalita.
"Hindi pa pala tayo pormal na magkakilala, I'm Timothy Dave De Silva. JD calls me TD. Kung sakasakali mang nababanggit n'ya." May pilyong ngiti sa mga labing sabi ng lalaki.
"I'm Elisse Roque. He's a brother to me." Hindi naitago ng lalaki ang pagkagulat.
"Oh. Well...It's nice meeting you miss Elisse."
"Same here, Mr. De Silva." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Maya maya pa'y tuluyan ng nakalabas ng silid ang lalaki.

Nang tuluyan ng makalabas ng silid ay dinukot niya ang cellphone sa bulsa.
"Hey man, I think I met your Elisse..."

Naibaba na niya ang telepono subalit hindi pa rin siya natitinag mula sa pagkakatitig sa kawalan. The call was unexpected and so was the reason for calling. Sadya nga yatang hindi na niya maiiwasan pa. Muli nang nagpaparamdam ang mga piraso ng nakaraan at wala na siyang mapagpipilian pa kundi harapin ang mga ito. Mula sa kahang nasa ibabang bahagi ng kanyang executive table ay hinugot niya ang maliit na kahon at mula roo'y inilabas ang gintong key chain na nakakabit sa munting Teddy bear. Once, not so long ago, may pinagbigyan siya ng bagay na ito. Ang unang babaeng pinag-alayan niya ng isang pangako, pangakong di lilimutin. Ang kanyang unang halik. Ang kanyang unang pag-ibig subalit hindi ito iningatan ng babae. Worst. She sold it for sum of money neglecting it's real worth. Ang pangakong binitiwan niya. Ang pangako ng isang Navarro! Pero ano nga ba ang dapat na maramdaman niya? Masyadong mahaba ng panahon ang lumipas para panghawakan pa ang sakit na dulot ng batang pag-ibig and he's too old for that! Pero bakit ganoon? Bakit kahit ilang taon na ang nakaraan ay hindi pa rin niya malimot ang damdamin para sa babaeng iyon. Nababaliw na siya! Dahil lang ba sa muli niya itong nakita'y nanumbalik ang damdaming mayroon siya para dito mahigit sampung taon na ang nakararaan? Nababaliw ka na Zach Navarro! Pinaninindigan mo ang mga linyang binitiwan mo. Ang mga Navarro ay one woman man, Elisse. Kalimutan mo na iyon. Kalimutan mo na siya!

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now