Pulang Rosas

4.5K 147 5
                                    

"Isa kang napakagandang bulaklak at pumupuno sa buong silid ang halimuyak mong dala subalit kailangan kong mag-ingat Elisse, dahil gaya ng isang rosas, napupuno ka ng tinik na pumapalibot sa panlabas..."

"At muli, nais naming pasalamatan ang lahat for making our Atasha's birthday extra special." Ala-seis na ng gabi at dumidilim na ngunit ngayon pa lang pormal na tinatapos ang pagdiriwang. Noo'y isa-isa ng nagpaalam sa mag-asawa ang mga bisita. Karamihan sa mga naunang nagpaalam ay ang mga kaibigan at kaanak ng mag-asawa mula sa pamilya Fortalejo ilan nga sa mga ito ay ang pamilya nina Alessandro Leon at  ng kapatid nitong si Ms. Cameron akay-akay ang kanikaniyang asawa at anak. Kanina'y hindi niya mapigilang makadama ng pagkamangha ng isa-isang maipakilala sa kaniya ang mag-pipinsang Fortalejo. Noon pa ma'y nadidinig na niya ang pangalang iyon subalit ni isa sa mga miyembro nito ay hindi niya nakatagpo pa kung kaya naman gayon na lamang ang pagkamangha niya ng makilala ang ilan sa mga miyembro ng angkang naging simbolo ng karangyaan para sa kanya. Ngunit taliwas sa nababasa at naririnig niya sa mga balita ay hindi niya makitaan ng kagaspangan ng ugali ang mga ito bagkus ay pulos palangiti at masasayahing Fortalejo ang nakilala niya kanina. Gumanti siya ng kaway ng dumako ang tingin ng mag-asawang Cameron at Brad Santa De Leones sa gawi niya. Akala niya'y simpleng pagkaway lamang ito tanda ng pamamaalam ngunit natanto niyang sumesenyas ito at inaanyayahan siyang lumapit sa kumpolan. Marahan siyang tumayo at humakbang palapit sa mag-asawa.
"Miss Elisse, gusto kong magtampo sa pinsan ko dahil hindi niya nabanggit minsan man na magkakilala kayo ng personal." Ang bungad ng babaeng Santa De Leones na tinapunan ng kunwari ay nagtatampong mukha si Ms. Drew.
"I saw the news last month during my visit to La Croix. Grabe, I was so proud of you then. Hindi birong mapasama sa listahan ng BVLGARI jewels! Right there and then I decided I have to meet you and ask you to design our wedding ring for our fifteenth year anniversary." Mababakas ang excitement sa mukha at tinig ng babae. Isang nahihiyang ngiti naman ang makikita sa mukha ng asawa nito ngunit hindi maitatangging nasa likod ng hiyang iyon ay ningning ng mga mata habang tinititigan ang asawa. Ano bang meron sa mga babaeng miyembro ng dalawang pamilyang ito at napapaamo maging ang pinakamabangis na ilang sa katauhan ng mga lalaking inibig nila? Hindi niya mapigilang sulyapan ang isa pang pares na nasa harap. Si Leandro'y hindi inaalis ang tingin kay Ms. Drew habang hapit ito sa baywang. Isang masuyong ngiti ang nakaugkit sa mga labi nito na lalong nagpaningning sa mga mata nitong tila ba walang ibang nakikita sa pagkakataong iyon kundi ang asawa lamang. Isang tikhim ang umagaw ng atensyon ni Leandro mula sa mukha ng asawa.
"We better get going. I'll see you in Manila, cousin." Nangingiting nagbeso ang dalawang babae.
"Ms. Elisse, hindi ako nagbibiro, I'm dead serious about you designing our wedding ring. Don't worry, I'll arrange a meeting with you para naman proper." Inilapit din ng babae ang mukha sa mukha niya upang magbeso. Tuluyan na ngang nagpaalam ang mag-asawang Santa De Leones.

BAGAMA'T matindi ang naging pagtanggi niya sa pakiusap ng mag-asawang Falco na siya ay manatili pa ng ilang araw sa Villa Del Mare ay hindi na niya pinagkaabalahang makipagtalo pa sa huli. Gayonman ay napagdesisyunan niyang hindi siya magtatagal kung kaya't hindi niya pinagkaabalahang alisin sa pagkakaempake ang mga damit at sa halip ay nagpasyang tunguhin ang walk-in closet na nasa silid na iyon. Ayon kay nana Juling ay sadyang laging sinisiguro ni Ms. Drew na mayroong nakahandang bihisan ang sino mang magookupa sa alin mang silid sa villa kung kaya natitiyak niyang may maisusuot siyang damit pantulog para sa unang gabi sa Villa. May ilang pares ng walking shirts and shorts ang naka-hanger at mayroon ding ilang dresses ngunit isang pares ng pink silk bed gown ang mas umagaw ng interes niya. Hmmm...natitiyak niyang mas magiging kumportable siya kung ang pares ng pajama na iyon ang isusuot niya sa pagtulog. Dinama niya ang telang sa lamig ng gabi ay nakapagtatakang nagdulot ng munting ginhawa sa balat niya. Agad siyang nagpalit ng pantulog at inalapat ang likod sa malambot na kama. Hmmn... napaka kumportableng higaan ng kamang ito ngunit sa kung anong dahilan ay hindi siya dalawin ng antok. Bahagya niyang iniangat ang likod at isinandal sa headrest ng higaan. Ipinikit niya ang mga mata at muling hinahanap sa diwa ang antok subalit tila lalo siyang nagising nang isang mukha ang madaliang dumaan sa balintataw. Napabalikwas siyang bigla at napatuwid ng upo. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Parang sumakit ata ang ulo niya sa puntong iyon. Tuluyan nang nagising ang diwa niya at nagpasyang magpahangin sa veranda. Nilingon niya ang kaliwang bahagi ng silid. Alam niyang sa likod ng makapal na kurtinang iyon ay glass door panel na bumubungad sa verandang nakaharap sa silangang bahagi ng isla. Sa pagkakatanda niya sa sinabi ni Leandro kaninang pagkadating niya ay mayroong apat na silid ang ikalawang palapag ng Villa at sadyang ipinahanda nito ang silid na nakaharap sa karagatan para sa kanya. Bagama't ang lahat ng silid ay kunektado ng verandang nakapalibot sa buong Villa ay magkakaiba ng tanawin ang bumubungad sa bawat silid. Kung sa silid na kinaroroonan niya ay ang hangganang gubat na nasusundan ng karagatan ang makikita, ang nasa kanang silid naman niya ay ang malawak na luntiang kapatagan na siyang pinagdaraosan ng mga pagdiriwang ngunit gaya ng sa silangang bahagi, ang hangganan ng kapatagang iyon ay gubat din at siyang silid na inilalaan para sa mga paminsang bisitang kaibigan ng mag-asawa. Ang silid naman na nasa kanlurang bahagi ay alam niyang siyang inuukopa ng mag-asawang Leandro at Ms. Drew na syang unang silid na matatanaw mo sa pagtapak mo sa bungad ng Villa. At ang huling silid na nakaharap sa gawing hilaga ng isla na nasa bandang kaliwa ng silid niya ay siyang silid na madalas na ipinagagamit ng mag-asawa sa pinakamalalapit na kaanak. Ang silid namang ito ay nakatanaw sa walang hanggang kagubatan ng Del Mare woods. Sa pagkakaalam niya'y nasa gawing ito rin matatagpuan ang kwadrang kinapapalooban ng mga kabayong gamit ng mga bisita sa tuwing nais maglibot sa paligid ng Del Mare Woods. Alam niyang sa likod ng kagubatang iyon ay ang hangganan-pagitan ng gubat ng Del Mare at Alta Tiera. At pagkalampas ng hangganang iyon ay propriedad na ng mga Navarro na siyang pinagmulang angkan ni Ms. Drew. Navarro. Nawala na nang tuluyan ang antok niya. Pinili niyang tumayo at dinampot ang Sketches at lapis na nasa night table saka lumabas ng silid patungong veranda. Magpapahangin nalamang siya baka sakaling abutin siya ng antok habang gumuguhit ng ilang disenyo. Mabuti pa nga siguro.

"Regarde, je suis déjà en manque..." call me if there's any problem. He said in French before putting down his phone. Tumagal din ng halos kalahating oras ang pag-uusap nila ng sekretarya pagkat hindi matapos-tapos ang mga palala at bilin niya upang masigurong tatakbo ng maayos ang hotel kahit wala siya. Dalawang araw pa lang siyang nakakauwi ng Pilipinas ngunit hindi na siya mapakali. Panay ang tawag niya sa sekretaryang naiwan sa Italya upang humingi ng update. "Come on, Bro! Hindi malulugi ang hotel sa Italya kahit na hindi ka magpakita roon ng matagal. Don't you have trust in your managers? Kung si daddy nga ay ipinagkatiwala na sa mga tauhan niya ang pamamahala sa Monica hotel why can't you do the same?..." kanina iyon nang ipagpilitan niyang bumyahe pabalik ng Maynila upang mula doon ay gawin ang mga nabinbing trabaho at ang nakakatandang kapatid nama'y ipinagpipilitang manatili pa siya ng ilang araw upang makasama pa ng matagal-tagal ng mga pamangkin niya. Pagkaisip sa mga pamangkin ay napagpasyahan niyang pagbigyan na nga ang kapatid at tinanggapna ang alok nitong sa Villa Del Mare na magpalipas ng gabi. Bukas na niya pagdidisesyunan kung hanggang kailan siya mananatili sa kaparehong lugar na kinaroroonan din ng babaeng kanina pa laman ng kanyang isipan. Mula nang makaharap niya itong muli ay hindi na mawala sa isipan niya ang mukha ng babae. Aaaahhhhh... napapasabunot siya sa sariling buhok dahil sa iritasyong nararamdaman. Muli na namang nagkakalinaw sa isip niya ang imahe ng mukha ng babae dahil doo'y padabog siyang tumayo at tinunton ang veranda. Kailangan niya ng hangin upang pawiin ang init na nadarama sa tuwing maiisip ang babae. Bago tuluyang lumabas ng silid ay hinablot ang isang kopita at bote ng Glenfiddich's Rare Collection na napapangalahati na niya ang laman. Sa kawalan ay hinahanap niya ang sagot sa mga tanong. Habang sinisimsim ang alak ay ninanamnam niya ang katahimikan at kadiliman. Nakatanaw siya sa hilagang bahagi ng isla at puro kagubatang ang natatanaw doon ngunit ng masamyo niya ang maalat-alat na simoy ng hangin ay napagpasyahan niyang humakbang patungo sa dulong bahagi ng kanyang pasilyo upang pagmasdan naman ang karagatang katapat ng silid na nasa gawing silangan. Patuloy ang pagsimsim niya ng mamahaling alak habang papalapit ng papalapit sa dulo ng veranda. Nang tuluyang makalapit ay ipinahinga ang mga braso sa marmol na barandilya at saka ninamnam muli ang samyo ng maalat-alat na hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Ngunit maya-maya pa ay may ibang halinang sumasalo sa hanging ninanamnam niya. Hindi ito dulot ng alak na sinisimsim kundi sa isang bultong nasa gawing kanan niya. Marahan siyang humarap sa direkyon ng babae. She's clearly lost in her own world not minding her surrounding. Tila wala itong pakialam sa paligid at patuloy sa pagguhit. Nililipad ng hangin ang may kahabaan nitong buhok at tila ba nauulit ang tanawing humahalina sa kanya habang nasa ferry kanina. Gaya nang sa ferry, hindi batid ng babae ang mga matang nakamasid sa dito. And just like that it's as if he was hypnotized. His feet slowly walking towards her.
"Isa kang napakagandang bulaklak at pumupuno sa buong silid ang halimuyak mong dala subalit kailangan kong mag-ingat Elisse, dahil gaya ng isang rosas, napupuno ka ng tinik na pumapalibot sa panlabas..."
Tila iyon awtomatiko. Walang babalang namutawi sa bibig niya ang mga linyang iyon habang papalapit sa babae. Ano bang nangyayari sa kanya? Ano bang dapat niyang maramdaman ngayong muli niyang nakatagpo ang babae? Maiinis? Bakit? Ano nga bang pinagmulan ng damdaming iyon para dito? Maging siya ay naguguluhan na rin sa nararamdaman. Subalit isa lamang ang tiyak niya. Sa pagkakataong ito, hindi na siya ang maiiwang sawi. Hindi na siya ang masasaktan!

************

Today I received my first dislike😊 Pero ok lang. mas natuwa kasi akong isipin na ganun naman talaga ang buhay manunulat, hindi lahat ay magugustuhan ang istilo at konseptong ibinabahagi mo. Tuloy pakiramdam ko isa na akong totoong manunulat. Yey! Salamat po pala sa isa ring writer na nagpahayag ng simpatya para sa akin. I'm honored to have been noted by you, ma'am! Thank you po.

Hanggang dito nalang po muna. Sana po ay patuloy ninyong suportahan ang kwentong ito. Marami pong Salamat!:-)

I long for your heart (Elissedearest)Where stories live. Discover now