Nang balikan ko ang pagkain ko ay natigilan ako sa nakita.

"Hi." bati pa ng tarantado at pinagtuunan ng pansin ang pagkain na dapat ako ang kakain.

"You jerk! Akin 'yan!" sigaw ko at hinabol ko siya.

Hindi ko siya naabutan dahil ang bilis niya at mukhang paubos na iyon! This cruel jerk! I hate him so much!

"I was hungry, so I ate it." aniya at nilapag na ang walang laman na tupperware.

Nagdilim ang paningin ko. "Bwesit ka talagang gorilya ka!" Hinabol ko siyang muli at tumakbo naman siya palayo.

"You can just cook!" Katwiran pa niyaz

"Sinong inuutusan mo? Ako? Magdusa ka!" sigaw ko sa kaniya at hinabol parin siya.

"Nope. Ikaw ang magdudusa riyan at hindi ako." Natatawa niyang sabi at tumakbo sa ibang direksyon.

Dahil sa pagod ko ay umupo ako sa sofa. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nv malalim.

"Hey." Tawag niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. "Tara. Tuturuan kitang magluto." Aniya ngunit hindi ako kumibo. "Tara."

I rolled my eyes. "Ba't kailangan ko pang matuto kung marunong ka rin naman?" seryoso kong tanong.

"Siyempre, hindi naman ako palaging—" Napansin kong nakalapit na siya sa akin kaya hinila ko ang damit niya ngunit nabitawan rin dahil sa bilis niya.

"Lumapit ka pa sa'kin! Malilintikan ka na talaga! Kanina na talaga ako gigil na gigil sa pagmumukha mo'ng hayop ka!" iritang sigaw ko.

"Kanina ka na pala gigil na gigil, e'di tara." sabay bigay niya sa akin ng nakakalokong ngiti.

This... pervert! Mabilis na hinabol ko siya at dahil sa tawa siya ng tawa ay nahabol ko na nga siya.

Sinuntok ko ng magkabilang biceps niya ng ilang beses. Tumawa siya lalo.

"Hala! Chansing ka masyado malditang flat boobs ha? Sa abs naman, dali!" tawa tawa syang nakatingin sakin. Busit 'to.

Binatukan ko siya ng sobrang lakas. Napalayo siya sa akin at takot nang lumapit.

"Babae ka ba talaga? Bakit ang sakit mong manapak at mambatok?" Hinawakan niya ang batok niya

Wow. Now he's questioning my sexuality? Hinila ko ang kwelyo niya at iritadong tinignan.

"Gusto mong tignan boobs ko ng malaman mo?" taas kilay kong tanong sakanya.

"Ay, nevermind." sabay tawa nya ng malakas. Kainis!

Nang matapos na siya sa walang humpay niyang pagtawa ay hinila naman niya ako sa kusina. Hindi na ako nagreklamo at nagpatianod nalang sa gusto niyang gawin ko.

"Hugasan mo muna 'to." sabay turo niya sa mga hihiwain ko. Nagdesisyon siyang lulutuan niya ako pero ako ang hihiwa sa sibuyas at kung ano pa.

Habang nagluluto siya ay napansin kong pinagpapawisan siya. Nakauniporme parin siya at medyo makapal ang tela ng uniporme ng school namin.

"Damn. Why is it so hot?" Matigas na ingles nito. Nakataas ang kilay na nilingon niya ang gawi ko. "Turn around." utos niya.

I sticked out my tongue. "Ayoko nga."

"Bahala ka." Walang gana niyang sabi at hindi nagdalawang isip na hinubad ang pangitaas nito. Napansin ko agad ang pawis mula sa bisig nito. He's really pale and... he's damn ripped.

Biglang sumikip yung dibdib ko. Hindi ako abs lover pero.. fck!

Nagtagal ang tingin ko roon na hindi ko na namalayan. Pag angat ko ng tingin sa kaniya ay napansin kong nakatingin rin siya sa akin. He smirked. Agad na napaiwas ako.

Damn! Mukhang ako na naman ang naiinitan rito!

Napansin kong napailing siya at pinagpatuloy na ang pagluto.

While he was busy with what he was doing. Here I am, busy watching his built. Hindi ko kasi maiwasan. Nasa tabi niya lang ako ngunit parang kung makaakto ako ay hindi niya mapapansin ang ginagawa ko.

Pinunasan niya ang konting pawis sa kaniya noo gamit ang braso nito. Umatras siya ng ginawa niya iyon. Kahit na nakatakip naman iyong niluluto niya.

Ewan ko pero bigla akong napa-imagine na pinupunasan ko yung pawis nya at minamasahe sya. Tanginang imagination yan!

Habang busy ako sa imagination ko ay hindi ko namalayan na nakaharap na pala siya sa akin at mukhang kinakausap ako.

"Hey, it's done." aniya at ni-level ang mukha niya sa akin.

Napaatras ako sa gulat.

"Ay, abs!" natakpan ko bigla yung bunganga ko.

Oh, hell no! Hell no! Hindi maari ito! I didn't say that! That was not me! No, Jamaica!!!

Habang paatras ako ay iyon naman ang paglapit niya. He slightly smiled at me. He was not teasing me or anything. He looked pretty amused!

For the first time kong pinahiya at nahiya sa sarili ko. At for the first time kong hindi pinagbantaan 'tong gwardya kong 'to na wag lumapit sakin.

Gosh! Umaatras ang dila ko! Gustong kong magsalita pero hibdi ko magawa!

Habang palapit ng palapit sya sakin. Palakas ng palakas naman ang kabog ng puso ko. Ewan ko kung bakit? Dahil ba kinakabahan akong mahalikan nya o dahil nagkakagusto ako sakanya?

Erase! Agad agad naman ata? Bakit umabot sa pagkakagusto? No way!

Habang paatras ng paatras yung katawan ko. Hindi ko pa rin maramdaman yung semento sa likod ko. Ba't ba ang tagal ko ma-trapped?!

At nang maramdaman ko na nga ang semento sa likuran ko ay napababa na ang tingin ko. Hinawakan niya ang panga ko at inangat ito para maibalik ang tingin ko sa kaniya. He looked so serious.

"Pulang pula ka na." bwesit na lalaking 'to! Nilalandi ba nya ako?! Dahil kung OO, oo na! Tumatalab talaga.

Hindi niya tinanggal ang tingin sa mga mata ko ni isang segundo. It was like he was reading me. Na para bang doon niya makikita kung aayaw ba ako o hindi.

Hindi ako umimik. Pinigilan ko ang hininga ko habang siya ay palapit na palapit na ang labi sa akin. Dumampi ang hinlalaki niya sa labi ko habang ang namumungay na ang mata nito. Sobrang lapit niya at ramdam kong namumula na ako.

Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

"Ano na? hahalikan na kita oh? payag ka ba?" seryoso nyang sabi.

Ang Pogi kong GwardyaWhere stories live. Discover now