Ang mga Signos ng Kamatayan

319 4 2
                                    

Sinasabing ang isip ng tao ay sadyang makapangyarihan. Kung ano ang iyong iniisip ay siyang mangyayari.  Dito kadalasang nanggagaling ang mga ilusyon at guni-guni. Mga takot na walang katotohanan at pawang bahagi lamang ng malikot na imahinasyon. Ito ang pagpapalagay ni Helena ngayon. Kahit sino naman siguro ang sabihan na malapit ka ng mamatay ay magiging praning sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Bawat kibot ay isang signos ng nalalapit na paglisan. Naging balisa ang pagtulog ni Helena. Mga panaginip na nakakatakot, mga taong walang mukha. Sumapit ang umaga at pagbangon ay nanatili lang siya sa paanan ng kanyang kama. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone. Isang tawag mula kay Dexter. May hostage taking daw sa may Pasig at kailngan niyang pumunta doon para i-cover ang insidente.

                Kung siya lang ang masusunod, hindi siya lalabas ng bahay.  Paano kung pagpunta pa lang niya ng banyo ay madulas siya at mabagok ang ulo? Kung hindi man, paano kung mawalang ng preno yung sinasakyan niyang dyip at mabangga ng isang malaking trak? Malusutan man niya ang mga ito, paano kung dun sa pupuntahan niya ay magkaroon ng barilan at matamaan siya ng ligaw na bala? Hinaplos niya ang ulong kanina pang sumasakit sa kakaisip. Hindi siya dapat magpadaig sa ganitong pakiramdam. Nakasalalay ang tagumpay ng kanyang karera dito. Ito na ang inaantay niyang pagkakataon na magpasikat, ang patunayan na siya ay may ibubuga sa larangan ng journalism.

                Kahit mabigat ang kanyang mga paa na umalis ng bahay ay kumilos na siya upang magbihis. Maingat ang kanyang mga kilos. Simula sa paliligo hanggang sa paglabas ng pinto ng kanilang bahay. Nagdesisyon siyang mag-taxi na lamang para mabilis ang byahe at medyo iwas disgrasya. Matagal din siyang nakapamili ng taxi na sasakyan dahil gusto niyang makasigurado na maingat din ang drayber na magmamaneho para sa kanya. Yung taxi na may drayber na may-edad na ang pinara niya. Kahit na mabagal itong magpatakbo ay siguradong safe siya dito.

                Pagkasampa sa may upuan sa may likod ng taxi ay tinitigan siya ng husto ng drayber. Pilit siyang sinisipat sa salamin sa harapan nito.

                “Sa may Pasig ho, sa may Kapitolyo.”

                Hindi kumibo ang drayber. Pasulyap-sulyap lang ito sa kanya. Hindi rin nakatiis at nagsimula na siyang kausapin.

                “Madam? Okey lang ba kayo?”

                “Okey naman poh? Bakit naman ninyo naitanong?”

                “Huwag sana kayong magagalit pero kung ako sa inyo, huwag na kayong tumuloy sa inyong pupuntahan.”

                Kinabahan si Helena. Ano kaya ang ibig ipahiwatig nung drayber? Isang signos na naman ba ito?

                “Kasi poh, madam, nakita ko sa salamin na...”

                Nag-ring ang kanyang cellphone. Hindi na pinansin pa ni Helena yung sinasabi ng matanda kasi tumatawag ulit si Dexter. Galit ito.

                “Ano ba, Helena? Ang tagal mo naman. Ka-bago-bago mo sa trabaho ang kupad mong kumilos!”

                “On the way na poh, Sir. Medyo trapik lang.”

                Namumutla na yung drayber. Takot na takot.

                “Madam, narinig nyo ba yung sinabi ko kanina?”

                Sasagutin pa sana niya ang matanda pero nakarating na siya sa paroroonan.

                “Dito na lang po. Ito yung bayad ko.”

HelWhere stories live. Discover now