Ikatlong Kabanata Pagbasa ng Kapalaran

200 3 1
                                    

Pinaghandaan niya ang araw na ito. Isusuot niya ang kanyang puting three fourths na blouse, tapos black na slacks at three buttoned blazer na itim. Naisip din niyang magsuot ng close shoes na may takong na two inches. Nilagyan niya ng blush on ang magkabilaang pisngi, liquid eyeliner, eyeshadow na kulay pink at pulang lipstick. Nagpabango at suot pa rin niya ang makapal na salamin. Itinali ang buhok upang magmukhang maaliwalas ang mukha. Pinagmasdan niya ang mukha sa salamin. Nagandahan sa sarili. Medyo nagkaroon ng buhay ang itsurang maputla. Salamat sa makeup na suot niya. Kinuha niya ang kanyang bag na nakapatong sa dresser niya. Tiningnan ang laman. Nandun na yung kikay kit nya, tapos mga valid id’s at ang kanyang wallet. Magdadala din siya ng isang folder kung saan naroon ang kanyang resume at iba pang importanteng dokumento. Ala-sais na, baka matrapik siya kaya nagmadali na siyang lumabas ng kuwarto.

                Nadatnan niya ang kanyang kapatid na nagluluto ng agahan. Kung kakain pa siya ay siguradong hindi na siya aabot sa interview. Kumuha na lang siya ng pandesal at nilagyan ng kesong palaman pagkatapos isinilid sa plastic.

                “Hindi ka ba mag-aalmusal?” tanong ni Myla sa kapatid.

                “Hindi na ate, mahuhuli ako sa interview. Nakakahiya naman. Dapat magkaroon ako ng magandang first impression sa aking magiging Boss.”

                Nagliwanag ang mukha ni Myla. Sumaya ang mukhang laging aburido. Totoo nga yung kutob niya. Magkakatrabaho na si Helena. Medyo mababawasan na ang tensiyon sa pagitan ng kapatid at asawa.

                “Oo nga. Sigurado yun, matatanggap ka dyan agad. Ang galing mo kaya. Ihahanda ko na yung baon mo sa tanghalian kung matagalan ka dun.”

                “Salamat. Kaso kasi parang alanganin ako dun sa kompanya na iyon.  Hindi siya gaanong kilala. Baka hindi din maayos yung mga benepisyo nila sa mga empleyado nila. Parang gusto ko pang mag-try sa ibang publication. Ano sa palagay mo, ate?”

                Binagsak ni Myla ang sandok. Nagbago ang mukha nitong naging masaya kanina lang. Humarap ito kay Helena, galit.

                “Wala kang karapatang mamili sa ngayon dahil bagong graduate ka pa lang. Kung anong meron dyan, pasukin mo. Hirap na hirap na akong mamagitan sa inyo ng kuya mo eh. Maawa ka naman sa akin at sa mga pamangkin mo.” sambit niya, sabay talikod sa kapatid na nabigla.

                Hindi na nakakibo si Helena. Hindi niya mawari kung maiinis ba siya o hindi na lang niya papansinin ang kapatid. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon, kaso iniisip din niya ang sariling kapakanan. Umalis na lang siyang hindi nagpapaalam sa kapatid, hindi na kinuha ang baon sana para sa pananghalian.

                Mabigat ang mga paa niya habang binabaybay ang kalsada papunta sa sakayan ng dyip. Matamlay niyang pinara ang unang dyip na nakita niya. Halos puno ito at siksikan ang mga pasahero. Umabot ng kinse minutos ang byahe at siya naman ay sasakay ng MRT papuntang Maynila. Nasa Espanya ang opisina ng News Buzz, halos malapit lang sa isang kilalang unibersidad doon. Hindi pa ganun kadami ang tao sa istasyon ng MRT kaya nakabili siya agad ng tiket. Dumating din agad ang sasakyan nila at nakaupo siya agad. Nakakaramdam na siya ng kaba habang papalapit sa destinasyon.

                Makailang minuto pa ay binabagtas na niya ang kalsadang papunta sa News Buzz. Kulay puti ang gusali nito at may dalawang palapag lamang. Sa harapan ay may glass door at sa tabi nito ay naroon ang security guard na nakaupo sa isang mono block chair, nagbabasa ng isyu ng News Buzz.

                Lumapit si Helena sa gwardiya at nagpakilalang aplikante. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Ngumisi na parang nanunuya.

HelМесто, где живут истории. Откройте их для себя