XII

3K 103 31
                                    

Nang magising ako ay tila ba parang panaginip lang ang nangyari kagabi. Pero alam ko sa sarili ko na totoo yun. I just seen a two Cj in front of me last night, ang isa ay lalaking lalaki at ang isa ay ang Cj na nakasanayan ko.

It is still weekend pero pinili ko pa din dumiretso sa studio. Kahit pa nacu-curious ako sa kakambal ni Cj ay tila ba ayaw ko nang mag-usisa pa.

"Iha, dumating na pala si Cj kagabi. Kasama yung kapatid niya. Naku, kakambal pa. Kamukhang-kamukha, malambot lang talaga kumilos si Cj at mahaba ang buhok ng kaunti."
Kwento ni Nay Con habang nag-aagahan ako.

Hindi na lang ako nagkumento at tinuloy ang pagkain.

"Bakit daw po kasama niya dito?"

"Hindi ko din alam. Pero ang sabi ni Cj, mga ilang araw lang naman daw at aalis na ang kapatid niya."
Tumango ako na kunwari naiintindihan ko si Nay Con. Kahit puzzle talaga sa akin kung bakit nandito yung kambal ni Cj.

Nang matapos ako kumain ay naghanda na ako para umalis at dun ko na nakasalubong si Cj. Ang totoong Cj, papasok sya mula sa garden.

"Madam Pink."
Sh*t! Na-miss ko talaga sya, miski ang pagtawag niya sa akin. Pero hindi ko pinahalata at hinintay ang sunod na sasabihin niya.

Ni sya ay tila naiilang. Siguro naaalala niya pa ang nakita niya sa amin ng kapatid niya kagabi.

"Pasensya ka na pala. Isinama ko muna si Kuya, pero hindi naman sya magtatagal."
Panimula nito.

"Ok."
Yun lang at akmang aalis na ako pero niyakap ako nito mula sa likod na nakapagpatigil sa akin.

I don't know but I just missed this feeling inside his arms. Kahit gusto kong yumakap pabalik para bang may mali.

"Kinukumbinsi niya ako na sumama sa kanya. Inampon pala sya ng Gutierrez sa probinsya namin. Mga mayayaman at ngayon ang gusto niya ay kunin ako para tulungan sya sa negosyo."
Patuloy ito sa pagsasalita habang nakayakap pa din sa akin.

"It's y-your life Cj. Sumama ka sa Kuya mo. Mas makabubuti yun sayo. Kesa maging baklang alalay ko dito."
Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at pinigilan ko ang sarili na bawiin ang sinabi. Hindi ko dapat sya ikulong dito.

"Sige na, baka ma-late na ko."
I immediately went off our house. Hindi ko kayang nasapaligid lang sya. Kung alam lang niya na gusto ko syang yakapin pabalik o di kaya sunggaban at halikan.

Do I have a feelings for him? Or does he have a feelings for me?

Bakit niya ako niyayakap? Baka alam niyang gusto ko sya at akala niya hindi ako papayag umalis sya kaya sya naglalambing?

Haaayy!! Masakit sa ulo.

"Hey, baka mahipan ka ng hangin."
Napabalik ako sa huwisyo ng tapikin ako ni Xander. Nagla-lunch kami ngayon at kaka-text lang ni Fred na hindi sya makakasama dahil may importante syang gala.

"May problema ka ba?"
Nag-aalalang tanong nito na inilingan ko. Binigyan ko sya ng tipid na ngiti at nagpatuloy sa pagkain.

"You're stressing yourself too much. Tingnan mo nga miski weekend nagtatrabaho ka. Maybe you should go home. Mag-half day ka."
Kumento nito.

Nung una ayaw ko dahil may schedule na sana akong isang meeting sa kliyente ng hapon pero ng malaman ko ipina-reshed ito ay pumayag na kong mag-half day.

Nang makarating ako sa bahay ay pasado alas 2 na. Mainit sa labas lalo at summer pa din. Hinubad ko ang sapatos ko at sinuot ang pambahay na tsinelas.

Nakasalubong ko si Nay Con na nag-alok na kumain ako pero tinanggihan ko dahil kumain na ko kanina.

Habang paakyat ako ay nakasalubong ko sa hagdanan ang kambal ni Cj. I stared at him lalo na ng tumigil ito. There was a playful smile plastered on his handsome face. Ibang-iba talaga sila ni Cj.

"I guess I am a stranger to you. Kaya magpapakilala ako. Ako nga pala si David Gutierrez."
Naglahad pa ito ng kamay na tinanggap ko naman. I don't wanna be rude.

"Your very welcome in our house. Pinagkatiwalaan ka dito ni Cj kaya ganun na din ako."
I tell him politely.

"I want you to know my intentions why I'm here."
He stand like a boss even if he's in my house. Tsk, wari ba'y lumaki nga sya sa yaman.

"If I convince Cj to come with me. Pag-aaralin ko sya sa US, ibibigay ko ang magandang buhay na sana naranasan niya tulad ko. Sana lang hindi mo masamain lalo pa at sya na lang ang nag-iisa kong kadugo."

"Hindi ko sya pinipigilan. He can do whatever he wanted. Kung makabubuti naman sa kanya."
Akmang lalagpas na ako. Pero nagsalita ulit ito.

"Just make him fall out of love. Yang feelings niya ang pumipigil sa kanya. Mataas ang pangarap ko sa kapatid ko, hindi sya dapat naging katulong lang. Kaya I am begging you to cooperate. Para din naman to sa kanya."
Yun lang at ito na ang kusang lumayo.

Tila ba hindi ko naintindihan ang pinagsasabi nito pero naririnig ko paulit-ulit sa utak ko.

Ayaw ni Cj umalis. Ayaw niya malayo sa akin? Yun ba yun? But I thought nandidiri sya? Tsaka chance nya na gumanda ang buhay niya.

Kay naman nagmamadali kong tinungo ang kwarto niya. Hindi pwedeng mag-stuck lang sya dito kung may magandang oportunidad para sa kanya.

Isa pa. Does he really fell for me?

~~~~~~~~~~~~

Vote a nd comments.
Thank you sa paghihintay. 😘

Fifty Shades of PinkWhere stories live. Discover now