When The Sun Sets

11 2 0
                                    


When the Sun Sets


Written By : ani_mhiee11


Ramdam ko ang lakas ng bawat suntok at sipa saking katawan. Dahil nadin sa sobrang kalasingan kayat wala na akong lakas pa para panatilihing mulat ang aking mga mata.

'H*y*p ka! Pati syota ko tinalo mo.'

Tch. Kasalanan ko bang lumapit sakin ang syota nya? Palay na ang lumapit bakit di ko pa tutukain? As if naman napakaganda ng babaeng hipon nayon.

Nagpatuloy sila sa pambubugbog sakin hanggang sa nakuntento sila at iniwan ako. Sunod sunod ang aking mura dahil sa sakit na naramdaman ko, para akong sinagasaan ng truck.

Mukhang dito na matatapos ang buhay ko well wala din naman kwenta mabuhay ee. Puro hirap lang din naman dito sa mundo pero dahil sa kasalanan ko baka makipag-kumpetensya pako kay Lucifer sa Impyerno.

'Hoy kuya? Buhay kapa ba?'

Huling tanong na narinig ko. Sa ganda ng boses nya para bang Angel. Gustuhin ko man imulat ang aking mga mata upang masilayan ang Angel ngunit di na talaga kinaya pa at tuluyan na akong nawalan ng malay.

...

'Mamsh, ang pogi naman netong papa na inuwi mo.'

Rinig kong wika ng isang bakla kayat pinilit kong imulat ang aking mata na sana hindi ko nalang ginawa.

Bakit andito si Valak?

'Ayy gising na si Pogi!'

Excited pang sabi nito. Agad naman lumapit samin ang kasama nya.

'Kumusta pakiramdam mo?'

Dahil sa ganda ng tinig nya kayat di ko napigilan ang pagmasdan sya.

Kailan pa pinayagan sa langit ang magkulay ng buhok?

Bigla nitong sinalat ang aking noo at kapag kuwan ay ngumiti.

'Mabuti naman at wala ka nang lagnat.'

Hindi ko alam kung bakit pero nang ngumiti sya ay parang biglang nagliwanag ang paligid.

'Sino ka?'

Iyon lamang ang aking nasabi sa kabila ng mga nais kong sabihin. Nakakabighani ang kanyang anyo. Ganito pala ang itsura ng mga Angel.

Pero kung langit ito bat may multo kanina?

'Ako nga pala si Sunny 😀 at sya naman si Chara.'

Muli na namang nagliwanag ang paligid dahil sa ngiti nyang iyon.

'Napulot kita kanina habang pauwi ako at dahil Im a good citizen of the Philippines kayat tinulungan kita.'

So wala pa pala ako sa langit? Akala ko pa naman matatapos na ang paghihirap ko.

Ilang saglit pa may tumawag kay Sunny mula sa kusina upang ibigay ang mainit na sopas. Nakilala ko rin ang kanyang mga magulang na katulad nya ay mukhang walang problema dahil sa mga ngiting pinapakita nila. Nalaman ko rin na lalaki pala si Sunny, sirena daw to be exact sabi narin mismo nito. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon ngunit hindi nya na ipinagpatuloy ang kolehiyo dahil sa kapos din sila sa pera.

'Bakit mo nga pala hinayaang bugbugin ka ng mgla iyon? Gusto mo bang matigok ng maaga?"

Masungit nitong tanong. He looks like a nagging wife. Nang hindi ako kumibo sa tanong nyang iyon naningkit ang kanyang mga mata.

Season Of RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon