A Vampires Kiss

15 2 0
                                    



The vampire's kiss

Dedication & acknowledgement

This story is dedicated to our readers who always support us on every chapters we are publishing. Thank you for appreciating our stories and efforts. Writing a boyxboy story is really hard despite of those people who report bxb stories and authors account without a valid reason. Though sometimes we encounter this situation, This will never stop us on making stories on the same genre/content. We are forever be thankful for giving attention to our piece. For giving us the strength and inspirational comment nor message every time we feel that we can't do it anymore. To my team Season of Rainbows Season 1 Thank you so much for giving me this opportunity to showcase my skills on writing a story. This is my first collaboration with different authors in different genres you guys serve as my inspiration and strength to finish this piece. To myself. Thank you so much for not giving up on your passion and talent. I will always be thankful for this wonderful opportunity.

- Chronusphocusz

"Hindi nito alintana ang pagibig sa mortal. Dahil naniniwala ito na higit na mas malakas ang pag ibig kaysa sa kasamaan. " Natapos ang kwento ni lola maring na nagpatulo sa aking kanina pa nagbabadyang mga luha. Napaka ganda ng istorya nito pawang makatohanan at nakakadala ng damdamin.

May katandaan na si lola maring, Ngunit kahit na ganito ay hindi pa rin ito pumapalya sa pag-kwento. Ilang beses ko ng na pakinggan sa kanya ang pagmamahalan sa pagitan ng isang normal na tao at isang bampira. Ngunit hindi ko parin talaga maiwasan ang maantig sa makabag damdaming katapusan ng istorya. Muli akong nagmano dito bago tumayo at umuwi sa aming maliit na tahanan. Kita ko si mama na nagluluto sa kusina at si papa na nanonood ng basketball. Agad akong nagmano sa kanila at tuluyan ng umakyat sa aking kwarto muli ay tumambad sa akin ang poster ng twilight na nakadikit sa dingding ng aking kwarto. Isa akong malaking tagahanga ng mga fantasy movie lalong lalo na ng mga bampira. Hilig ko rin ang pagbabasa ng mga librong may kinalaman sa kanila. Tumayo ako sa aking pagkakahiga at umupo sa harap ng aking vanity mirror.

Kita ko sa repleksyon nito ang isang maamong mukha, may kakapalang mga kilay, matangos ngunit maliit na ilong, mapula at makipot na labi. Tinanggal ko ang aking contact lenses at kita ko ang tunay na kulay na lalo pang nagpatingkad ng aking kaputian at kakinisan. Ang matang may kulay pulang buwan. Nakakapanghipnotismo at kaait-akit. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking mata ngunit sinabi ng aking ina na ipinaglihi niya daw ako sa mga bagay na kulay pula. Napailing na lang ako sa aking naiisip. Hindi ko maipagkakaila ang taglay Kong alindog at kagandahan dahil galing na mismo sa bibig ng ibang tao ang mga katagang ito.

Ngunit sa kabila ng ganda at alindog na taglay ko ay siya namang kaibahan ng sekswalidad ko. Isa akong lalaki na may pusong babae at tanggap ito ng aking ama't ina, buong pusong hinarap at minahal.

Napangiti ako ng bumalik sa aking isipan ang panahon ng pag amin sa tunay na sekswalidad ko ang akala ko noon ay itatakwil nila ako ngunit hindi. Sa halip ay minahal pa nila ako lalo at itinuring na prinsesa. Wala na akong mahihiling pa sapagkat swerte ako sa pamilya at magulang.

Binuksan ko ang pinto patungo sa terrace ng aking kwarto, kita dito ang bilog na bilog na buwan. Napatitig ako dito at pawang may kung anong pakiramdam ang kumikiliti sa aking sistema. Tila parang nauhaw ako ng sobra at sumasakit ang aking ngipin sa may bandang pangil. Napahawak ako sa aking ulo dala ng pagpitik nito. Kabilugan ng buwan at tuwing Kabilugan ng buwan ay ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit. At natatakot akong alamin. Mabilis akong pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Napabuntong hininga ako ng unti- uniting bumalik sa dati ang aking pakiramdam.

Season Of RainbowWhere stories live. Discover now