Kaibigan kong tunay

1 0 0
                                    


#KaibiganKongTunay

Maswerte ka kung may kaibigan kang tulad niya
Tulad niya na sobra kung tumawa
Tulad niya na mas matamis pa sa iyong jowa
Tulad niya na totoo at masaya kasama
Kaibigan, h'wag ka sanang magbago
Sapagkat ako'y nasanay na sa presensya mo
Kaibigan, wag ka sanang matutong kalimutan ako
Sapagkat sa'yo lang ako naging totoo

Siya iyong klase ng kaibigan na mas uunahin ang iba kesa sa pansariling gusto niya
Siya iyong sablay sa pagbibiro ngunit kung kasama'y nakakalokong talaga
Siya iyong hindi marunong tumalikod sa mga kaibigan niya
Ni ayaw niyang mauna dahil gusto niya'y sama sama
Siya 'yong ngingiti kahit damdamin niya'y nagdadalamhati

Kaibigan, napaka swerte ko naman at ako'y naging parte sa ganitong samahan
Kaibigan, kaibigan h'wag ka sanang mang iwan
Sapagkat ako'y iiyak wala akong pakealam kung mabasa man ang aking mga unan
Mahal kong kaibigan
Sana sa paglipas ng mga taon
Kung mabibigyan ng pagkakataon
Magkasama parin tayo sa pagtanda ng panahon

Tula ni Makata Kuno Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon