Talumpati: Kabataan!

82 0 0
                                    

Andito na naman si makatang
mahilig sumulat ng walang kakwenta kwentang tula.
Kabataan ang napili ng may akda
Walang pakealaman ngunit personalan ang napiling paksa.
Kabataan? Kabataan nga ba ang pag asa ng bayan?
Ngunit bakit karamihan sa mga kabataan ay hindi na pinagtutuunan ng pansin ang edukasyon sa paaralan? At Iniisip nila na isa lang itong larong kailangan ipanalo sa play ground. Ang guro ang kanilang kalaban, libro ang kailangang alisin at ang paaralan ang tinuturing na kulungan.

Kabataan parin ba ang pag asa ng bayan? O kabataan ay likas ang Katamaran?
Katamaran sakit na mahirap lunasan. Oo nga naman,  limang taong gulang ka pa lang pumapasok ka na sa eskwela hanggang sa ngayong nasa kolehiyo ka na. Nakakapagod di ba? Yung tipong nakakatamad gumawa ng mga proyekto at mga takdang aralin. Dahil ang gusto mo lang gawin sa buhay ay mag-relaks manood at magpakasaya ng hindi iniisip ang iyong grado may red marks.
Yung may motto silang "IBAGSAK ANG EDUKASYON, IPANG DOTA ANG BAON."

Kabataan? Kakatuwang isipin mga ugali natin aking napansin
Kayang suwayin si mama pero animo aso pagdating Kay jowa
Sisigawan si Mama pero animo tupa pagdating kay jowa
Kabataan ganito nalang ba kung sino pa ang nagluwal sa iyong fetus ka ay siyang paluluhain mo dahil sa masasakit mong pananalita?
Pang date, chocolate at bulaklak
Pinaghirapan ng iyong mga magulang para ipambili mo lamang ng alak.
Nadadamay pa ang social media
Mag aaway, magbebreak, puro mga pabida ilang taon ka na  mga virus na social media.
Nagmahal, iniwan, nasaktan, at mag bibitter bitteran ilan sa mga pauso ng mga kabataan.

Mga kabataan na nalulung sa druga
Ang hirap ba talagang iwasan ang bisyo mo kung kaya't nakulong ka?
Mga palusot mong "Ma may bayarin sa school" "Ma bayad sa Project"
Ngunit pang gastos lang pala sa nililigawan mo ngunit ika'y basted.
May linggwahe pang "I want to make Kain Kain that food"
Akala mo mayaman tuyo lang din naman pala ang ulam
"My shoes is bago" bagong bili sa ukay ukay ni aling bebang.
Pero pag inutusan ni nanay puro "mamaya nalang" "tsaka nalang" "bukas nalang" sikat na linya ng bawat nilalang.
Daming alam sila ang social climber sa lipunan.

Kailan mo gagawin ang mahahalagang bagay?  Gumising tayo sa katotohanan mga kabataan! Patunayan natin na tayo ang pag asa ng bayan.
Huwag sayangin ang oras gawing makabuluhan ang bawat pag patak ng segundo.
Huling salita marupok ang buhay ng Tao.

††
Phillius_Sofia

Tula ni Makata Kuno Where stories live. Discover now