Kabilang Dimensyon

20 0 0
                                    


"Kabilang Dimensyon"

Andun ako nong masaya ka
Andun ako minamasdan ka
Andun ako sa bawat araw na pakiramdam mo nag iisa ka
Andun ako habang nalulungkot ka
Andun ako nong nagsimula kang hangaan siya
Andun ako habang ikaw nakamasid sakanya
Andun ako nong nagtapat ka sa nararamdaman mo para sakanya
Andun ako sa araw na sinagot ka niya.
Nasaktan ako marahil ay lumalalim na ang paghanga ko sa iyo, Ginoo
Nalungkot ako sapagkat dumating na ang araw na nagmamahal ka na
Ngunit masaya akong makita kang masaya kapiling niya
Kasabay nang pighati at unti unting pagkawasak
Andun ako nong tumulo ang iyong mga luha
Andun ako nong ika'y saktan niya
Andun ako nong nawasak ka
Nalunod ng mga hagulgol ang iyong silid
Nais kong ika'y balutin ng aking  mga yakap at ibulong sayong 'nandito lang ako sa iyong piling'
Nais kong sabihin sa iyong nandito lang ako at huwag kang mag aalala sapagkat ako'y mananatili sa iyong tabi.
Ang iyong matamis na ngiti ay napalitan ng kalungkutan
Ang iyong mga halakhak ay napalitan ng nakakabinging hagulgol.
Ang iyong misteryosong mga mata ay lumuluha.
Nais kong ibulong sa'yong 'Tahan na'
Ngunit isang malaking imposible
Hindi maaaring mangyari tanging sa imahinasyon ko nalang ito magiging posible

Dahil...

nandito ako sinusubaybayan ang iyong bawat kabanata ng istorya
Andun ka sa librong aking hinahangaan
Andun ka sa lugar na aking hinahangad
Andun ka sa librong hinahangad ng bawat mambabasa
Andun ka sa kabilang dimensyon
Habang ako nasa mundo ng reyalidad
Hinahangaan ka kahit na ika'y isang karakter sa isang nobela
Dahil Ikaw at ako ay nasa magkabilang dimensyon.
Dahil ikaw ay nakabase sa imahinasyon ng isang manunulat.
Dahil ang isang tulad mo ay nabubuhay lamang sa isang libro.
Datapwa't pinipilit kong ika'y limutin sapagkat ang limutin ka ay nakalimutan ko na yatang gawin.
Datapwa't pinipigilan kong buoin ka sa aking imihinasyon ng paulit ulit. tulad ng ritmong aking binubuo sa bawat pagkaskas ng aking gitara.
Ikaw at ako nasa magkabilang mundo.

Tula ni Makata Kuno Donde viven las historias. Descúbrelo ahora