Naalala ko ang sinabi ni lola maring ng unang beses niya I kwento sakin ang tungkol sa mga Azula.

"Ikinintal sa isipan ng mga tao na ang mga Azula o lahi ng bampira ay isang piksyonal lamang at hindi makatotohanan. Upang magbigay aliw sa mga bata."

Kaya ba tuwing nagk-kwento ang lola maring ay may kakaiba sa tingin niya sa akin? Sa una ay hindi ko ito pinansin pero parang may sinasabi ang mga tingin niya at ng isang beses na titigan ko ang mata nito ay hindi pala ito itim kundi Pula. Madilim na kulay pula parang isang kulay ng malapot at pulang pulang dugo.

Unti-unti ay naliliwanagan ako. May alam ba si lola maring dito? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin.

"Pasensya na anak kung itinago namin. Ayaw lang namin na mapahamak ka." Umiiyak na usal ni mama na ikinatango ko.

Wala akong karapatan na magalit sa kanila dahil sila ang nag aruga at nag mahal sa akin.

"Wag ka rin sanang magagalit sa mga magulang mo. Kung nagtataka ka kung bakit nasa amin ka at wala sa kanila yun ay dahil sa amin ka inihabilin ng iyong mga magulang. Ang reyna at hari ng Azula."

Napaangat ang tingin ko sa sinabi ni ina. Ang aking mga magulang ang hari at reyna ng mga Azula?

"Namatay sila sa kamay ni Haring Mediculus, Ang bampirang gahaman sa kapangyarihan at kasakiman. Kung paano ka napunta sa amin ay Isang nakaitim na roba ang nagdala sayo sa amin. Isa daw siya sa kanang kamay ng iyong mga magulang at siya ang nagligtas sayo para hindi ka makuha ni Mediculus upang magamit sa paghahasik ng kasamaan." Nakinig ako sa pagk-kwento ni mama at parang may kakaibang pakiramdam ako ng I kwento ni mama ang tungkol sa lalaki, Isang kakaibang pakiramdam. Nakagiginhawa at masaya sa pakiramdam. Hindi ko na lang ito pinansin ay nakinig na lang.

"Anak makinig ka sa akin. Ang lalaking tinutukoy ko ang siyang makapagliligtas at p-protekta sa iyo. Si Sebastian ang iyong kabiyak." Maya maya pa ay pawang may malamig na dumaan sa aking likuran lumingon ako sa likuran ko at ng wala akong nakitang kakaiba muli akong tumingin kila mama at papa. Napanganga ako ng makita ang isang gwapo at matipunong lalaki na may maputla at maputing balat. Napaturo ako sa likod nila at kita kong nagpipigil sila mama at papa ng tawa habang ang lalaki ay seryoso lamang at ng tinignan ko ito sa mata ay may dumaang emosyon dito ngunit agad din itong nawala.

"Anak, si Sebastian ay iyong kabiyak. Ang lalaking p-protekta sayo at ang lalaking magaalaga sayo habang buhay. Ang lalaking mag-aalay ng buhay alang alang sayo. Ang iyong mate ang kapareha mo." Nanlalaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba sa puso ko ngayon, pawang tambol ito sa lakas ng tibok at parang nagkakarerang mga kabayo sa bilis. May kumikiliti sa aking tiyan. Bakit ganito? Hindi sa ayaw ko sa kanya. Kundi dahil ngayon ko lang naramdaman ang ganitong ka sarap na pakiramdam. Nakakaginhawa.

Lumapit ito sa akin bago lumuhod sa harap ko kita ko ang kislap sa mata nito ng hawakan ang kamay ko.

"Bonjour mi amore." Tila nagiinit ang mga pisngi ko ng halika nito ang mga daliri ko sabay tayo at halik sa aking noo. Tumabi ito sa akin at hinatak ako pa lapit sa kanya sabay pulupot ng mga bisig sa aking bewang.

"Kay' tagal kong hinintay ang muli nating pagkikita at ngayon ay hindi na kita pakakawalan pa. Hindi hindi ko hahayaang magtagumpay si Mediculus sa pina-plano niya."

Muli akong kinintalan nito ng halik sa noo. Tumingin ako sa mga magulang ko na masaya sa nakikita nila. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Ang lalaking ito ang mamahalin at sasamahan ko habang buhay. Sa laban at sa saya.

"Wala na kayo dapat sayangin na oras dahil simula bukas ay isasakatuparan na ni Mediculus ang plano niya. Dapat na siyang mapatay upang matigil na ang gulo at hilakbot sa buong sanlibutan." Kung gayon siya pala ang may kasalanan sa sunod sunod na patayan. Kaya pala parang pamilyar ang pag kaka patay dahil mga katulad kong bampira ang nagawa. Mga bampirang naghahasik ng kadiliman na dapat ng pigilan.

Season Of RainbowWhere stories live. Discover now