Hindi ako dapat matakot, turan ko sa aking sarili. At hindi na dapat ito malaman pa nila mama at papa.

Bumaba na ako ng maramdaman kong maayos na ang aking pakiramdam. Naglalakad na ako patungong kusina ng marinig ko ng hindi sinasadya ang usapan ni mama at papa. Dahil sa kyuryosidad ay nagtago ako sa likod ng dingding na naghihiwalay sa pagitan naming tatlo.

"Hindi natin pwedeng habang buhay itago kay Courtney lahat mahal. Lumalaki na ang anak natin, at dapat niyang malaman ang tungkol sa lahi niya. Sa magiging asawa niya pag tapos nitong kabilugan ng buwan, hindi natin matatakasan ang nakatakda sa kanya alam mo kung anong kahihinatnan natin pag inilayo pa natin sa kanya ang anak natin. Isa pa ang natatanging kakayahan niya ang mag bibigay katahimikan at kapayapaan sa buong lahi niya."

Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba pero ngayon ay mas sumibol pa ang pagtataka sa isipan ko sa mga sinasabi ni mama. Anong lahi? Anong kakayahan ko? At anong kapayapaan at katahimikan? May hindi pa ba ako nalalaman?

Natigil ako sa pagiisip ng marinig ang boses ni papa.

"Mahal, alam kong dadating ang panahon na ito. Na lalaki ang anak natin at tutungtong sa hustong gulang. Na dadating ang panahon na kukuhanin na siya sa atin at magiging kahalili ng prinsipeng-"

Hindi kinaya ng aking katawan ang aking mga naririnig nanginginig na napadantay ako sa indoor plant sa tabi ko at hindi namalayang natabig ko ito upang mabasag at gumawa ng nakapipinsalang ingay na ikinatigil ng aking ama. Buntong hininga akong lumabas sa aking pinagtataguan at tinignan silang dalawa na bakas ang gulat sa mga mata ng makita ako.

"K-kanina ka pa ba diyan anak?" Dahan dahan akong tumango tanda ng pag-sang ayon na ikinahilot ni mama sa sentido.

"Ma, may dapat po ba akong malaman?" Seryosong tanong ko sa kanya at tumingin din ako kay papa na nagiiwas ng tingin.

"A-Anak, kung ano man ang narinig mo ipagsawalang bahala mo na lang." Kita ko ang takot sa mga mata nito na lalong nag patindi ng naisin kong masagot ang katanungan sa isip ko.

"Ma, Pa, kung may tinatago po kayo sakin sabihin niyo na po dahil gusto kong masagot ang katanungan sa isip ko mga katanungan na nagpapagulo ng pagkatao ko. Kung bakit sa tuwing sasapit ang bilog na buwan ay tumitindi ang pakiramdam ko, tumatalas ang pandinig at paningin ko pati narin ang pakiramdam ko. Na sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay parang uhaw na hayop ako sa sakit ng lalamunan ko at pawang gustong gusto ko ng malagkit at mainit na likido sa sikmura ko. Ma please sabihin niyona po, gulong gulo na 'ko."

Maluha-luha kong pahayag na nagpaluha din sa aking ina. Yumakap ito kay papa at sumenyas si papa na sundan ito. Tumango naman ako habang nagpupunas ng luha sa aking pisngi. Nang maka dating sa sala ay agad akong naupo sa harap nila habang sila ay seryosong nakatingin sa akin.

Sumibol ang kaba sa dibdib ko, hindi mawari ang pakiramdam ko ngayon parang sa sasabihin nila ay may kukumpleto na sa kulang kong pagkatao.

"Anak, alam kong napaka imposible sayo ng sasabihin ko pero sana ay wag kang mabigla." Seryoso ang tingin na ipinupukol sa akin ni papa kaya kahit na nagdadalawang isip sa sasabihin niya ay tumango ako.

Bumuntong hininga ito at sinabi ang salitang gumimbal sa buong pagkatao ko.

"Anak isa lang Azula. Isa kang bampira. At hindi kami ang mga tunay mong mga magulang." Nanlalaki ang mata kong tumingin sa dalawa lalo namang napahagulgol si mama sa dibdib ni papa. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga rebelasyon na gumimbal sakin.

"N-Nagbibiro ka lang papa d-diba anak niyo po ako. At hindi ako b-bampira. Diba piksyonal lamang sila?" Naluluha kong tanong ngunit umiling lang si papa na nagpabagsak sa balikat ko at tuluyan ng bumigay sa pag-iyak. Agad kong naramdaman ang yakap ng dalawa sa akin at ang paghalik ni papa sa ulohan ko. Panong nangyari ang mga bagay na ito? Ako isang Azula?

Season Of RainbowWhere stories live. Discover now