Until We Meet Again

37 2 0
                                    


Until We Meet Again

Written By: Liam_Sketchy


DEDICATION

I dedicate this work to those people who believes in me. Who trusts me that I can do. To those people who cheers me up. And to those person who encourages and enlightened me to keep fighting. I would also dedicate this to those people who are truly give their trust on me that I can give their satisfaction in terms of making a story. I also dedicate this work of mine to my happy pill for supporting me. For making my life meaningful and he gives me so much happiness. He keeps supporting me for every thing that I wanted to do. So, as his partner and also a happy pill of him, this work of mine is just for him. It is a appreciation for him being part of my life.


Story Description

Magmamahal ka pa rin ba kahit hindi na siya ang taong minahal mo noon? Muli ka bang magmamahal kung noon ay nagawa mo nang mang loko kapalit ng isang sagot na wala namang basehan. Magmamahal ka pa ba kung ang pagmamahal mo ay nababahiran lamang ng kuryosidad, alaala. Magpapatuloy at muli ka bang susugal sa pagmamahal kahit iba na ang taong mahal mo at hindi na ang taong minahal mo noon?

Ang buhay ng bawat isa sa atin ay unti-unting mawawala at lilisanin ang mundong ibabaw. Ngunit, sa paglisan natin, ang iba ay bumabalik dahil sa mga naiwan nilang pangako o gampanin sa pamilya nila o sa mga taong mahahalaga sa kanila. Minsan, may mga bumabalik rin dahil hindi pa nila tanggap ang nangyari sa kanila. At kung minsan, may mga taong bumabalik ngunit sa ibang aspeto na ng pagkatao

Naghahanap ako ng libro ng may isang kamay ang dumampi sa aking likurang bahagi na siyang aking ikinalingon. Nang makita ko ang taong gumawa nun, ay napasimangot ako. Dahil siya lang naman ang taong patay na patay sa akin.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong ko rito sa masungit na tono ng aking pananalita.

"Wala naman. Gusto ko lang na ayain ka, kung... papayag ka?" Nag-aalangan niyang pagtatanong sa akin. Napakunot naman ako ng noo at napataas ang aking kilay sa naging kasagutan niya saakin.

"Para saan naman?" Tanong ko at muli kong itinuon ang aking pokus sa paghahanap ng aklat na aking mababasa.

"Wala. Kuwentuhan lang. Pampalipas oras, ganun." Sagot niya saakin at hinawakan niya ang aking braso.

Wala na akong nagawa at hindi na rin ako nakatanggi ng walang pasabi niyang hinila ako palabas ng Library. Habang naglalakad kami palabas, sinusubukan kong pumiglas pero mas nadadaig niya ang lakas ko. Gusto kong umayaw at tumanggi pero nakakahiya naman kung gagawin ko iyon.

Wala naman sigurong ibang kahulugan ang pag-aya niya saakin. Gusto lamang niya siguro na magpalipas oras at magkaroon ng kakuwentuhan. Kaya naman nagpaubaya na lamang ako kung saan niya ako dadalhin. Makalipas ang ilang minuto naming paglalakad, sa isang tahimik at mapayapang lugar niya ako dinala.

Dito niya ako dinala sa dalampasigan. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin siguro dala na rin ng malapit nang paglubog ng araw. Mapayapang mga alon at magandang kalangitan. Tanaw rin rito ang malapit na paglubog ng araw.

At habang inililibot ko ang aking paningin ng bigla na lamang siyang nagsalita. At sa mga kaniyang sinabi, napatigil ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi na ako nagulat subalit natigil ako sa aking ginagawa.

"Bakit si Zavier pa, Elizandro? Bakit siya pa 'yung minahal mo at hindi ako?"

Ayun ang kaniyang naging katanungan sa akin. Napatulala ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano at saan niya nalaman ang bagay na iyon. Ngunit, wala naman akong pinagsabihan na iba maliban sa aming dalawa ni Zavier tungkol sa binubuo naming relasyon.

Season Of RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon