Epilogue

9 0 0
                                    

Epilogue

Asher's POV

"Ateeee!" Nakarinig ako ng hagikhikan sa gilid ko kaya napatingin ako don.

Agad kong nakita si Yvette kasama si Zairus, our baby brother. Almost 4 years old na rin siya ngayon at napakakulit na kaya naman madalas sila maglaro ni Yvette.

Nakakapagsalita na rin siya pero yung mga simple words like "mama" and "dada" pa lang yung kaya niyang sabihin kahit na nabubulol pa siya minsan.

Nakakatuwang makita silang magkasama, sa totoo lang. Dati napapaisip pa ako kung bakit gustong-gusto ni Yvette ng kapatid. Ako kasi nung bata ako, hindi ko na inisip pa ang magkaroon ng kapatid kasi hiwalay na nga yung parents ko noon at ayoko naman na magkaroon sila ng ibang pamilya pero iba si Yvette.

Kitang-kita ko yung pagmamahal niya ngayon kay Zairus. Kahit naman sa akin. Sobrang dami niyang sinakripisyo noon para lang makasama ako.

Sayang lang at hindi ko agad naiparamdam sa kanya noon yung pagmamahal ng isang kapatid. Pero desidido ako ngayon na babawi ako sa kanya. Lalo pa't dalawa na kami ngayon ni Zairus. Gusto kong siguraduhin na mararamdaman niya mahal na mahal namin siyang dalawa.

Afterall, kahit gaano kalaki yung kasalanan ko sa kanya, pinatawad niya pa rin ako. Ganon ata talaga kapag magkakapatid. Kasi kahit ilang beses kayong mag-away at hindi magkasundo, nandyan pa rin kayo para sa isa't isa lalo na kasi pamilya kayo. At nagpapasalamat ako kay Yvette dahil hindi niya ako sinukuan.

Hay grabe bilis ng oras. It's already been a year since noong bumalik si Yvette sa amin.

Pagkatapos kasi nung birthday ko ay bumalik pa muna uli siya sa Canada para tapusin yung pag-aaral niya don. Pumasok na kasi siya sa isang malaking university don pagkatapos maging stable yung condition niya after nung surgery.

According kay Tita Sandra, maayos na raw yung lagay ni Yvette. The surgery was very successful pero hindi ibig sabihin non ay tuluyan nang titigil si Yvette na magpacheck up.

Nakatira siya ngayon dito sa bahay namin. Tapos na naman ang lahat para sa amin at tanggap na ni Mom kung ano yung mga nangyari noon kaya nawala na yung mga kinikimkim niyang galit. Napatawad niya na rin si Tita Sandra pati si Daddy.

Siya pa nga mismo yung nagsabi na sa amin na lang tumira si Yvette. And now she's treating her like her real daughter dahil parehong lalaki nga naman yung anak niya at alam kong sa loob-loob niya ay gusto niya ng anak na babae.

"Ang cute nilang dalawa oh." Nakangiting sabi sa akin ni Raven habang pinapanood niya rin yung mga kapatid ko. "I'm really glad na maayos na kayong dalawa ngayon." Dagdag niya pa.

"I'm glad too. Masaya ako na hindi pa huli ang lahat para maging maayos ang lahat sa aming dalawa."

Nakakatawa kasi dati ang lagi kong iniisip ay puro revenge. Gustong-gusto kong sirain yung buhay niya na hindi ko namalayan na buhay ko na pala yung sinisira ko. Siya pa yung sinisi ko pero ako naman talaga yung may kasalanan.

Nakakatawa rin na napuno ako ng galit. Nabulag ako at puro sarili ko lang ang inisip ko. Sobrang naging self-centered ako not knowing na hindi naman talaga sa akin lang umiikot yung mundo. Na may tinatago rin pala silang sakit.

"You're really lucky for having a sister like Yvette." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Actually, I'm more than lucky to have a sister like her.

For the past years, I've always believed that she ruined my life. But I was proven wrong.

Yes, she did change my life. But she changed me to become a better man.

She's my half-sister.

And she's my Dearest Angel.

The END. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dearest AngelWhere stories live. Discover now