"If that's what you want, then that's what we'll do." Sagot niya na lang. Nanatili siyang nakangiti pero parang malungkot yung mga mata niya. He must be lost in his thoughts dahil nawala yung barrier na itinayo niya at mukha siyang vulnerable ngayon. It's usually hard to read what's going on in my Dad's mind pero madali ko siyang nababasa ngayon.

"Sorry to keep you waiting." Biglang sabi ni Mom kaya napatingin kami sa kanya. Nakasuot siya ng isa floral dress na abot hanggang tuhod. Hindi naman sa pagiging bias dahil anak niya ako pero maganda naman talaga ang Mom ko. Where would I get my handsomeness, if not? Nasa lahi na siguro talaga namin yon.

Mukha pa rin talagang bata si Mom. Hindi mo nga aakalain na may anak na siya kapag hindi mo siya kilala.

Napatingin ako kay Dad at kitang-kita ko sa mata niya yung pagkamangha nung makita niya si Mom. Is it just simple admiration or love? I can't tell yet.

I can't help but laugh when I remembered the line: "Ako nga pala yung sinayang mo."

"Why are you laughing? Hindi ba bagay sa akin yung dress ko?" Napatingin ako bigla kay Mom at napatigil sa pagtawa.

"No, Mom. It's perfect. Right, Dad?" Napatingin ako kay Dad at mukhang nagulat siya bigla.

"Right." Tumalikod na siya bigla at lumabas. Nakita ko namang namula si Mom dahil don.

Wow, they're acting like teenagers in front of their 17 year old son. Yeah, that's nice.

Sumunod na kami kay Dad palabas at nakita namin siyang nasa loob na ng kotse. Nasa driver's seat siya kaya naman noong sasakay na si Mom sa likod ay binuksan ko na yung pinto sa harap para doon siya umupo. No choice naman siya kaya sumunod na siya sa akin.

Yep, I'm playing Cupid for my Mom and Dad.

Nanatili uli kaming tahimik at tanging yung radio lang yung maririnig mo kaya naman mabilis akong napatingin kay Mom nung bigla niyang binasag yung katahimikan.

"So how are you, Asher? How's school? We didn't have time to chat last night so I wasn't able to ask you."

"I'm doing great, Mom. I had so much fun with my friends. You remember them, right?" Nope, that's a lie. Actually magkakaaway kami ngayon ng mga kaibigan ko dahil sa ginawa nila noong birthday ko pero hindi na dapat pang malaman nila Mom 'yon.

"Of course, Raven and the squad. I'm glad you're still hanging up with them. How about girls? Don't you have anything to share to me and your Dad?" Oo nga pala. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na may girlfriend na ako.

"I... well, I already have a girlfriend."

"What?" Gulat na tanong ni Dad. Medyo kinabahan naman ako sa sasabihin nila.

"Sorry for not telling you earlier. I kind of forgot about it."

"What's her name? What is she like?" Curious na tanong ni Mom.

"Her name is Bianca. She's a nice girl. You should meet her, Mom."

"Can't I join you, guys?" Hindi ko mapigilang mapangiti nang bigla niyang itinanong 'yon.

"Sure, you can, Dad. You'll like her as well. She's really nice."

"How about Raven, Asher?" Biglang tanong ni Mom.

"What about her?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko naman alam na interesado pala si Mom kay Raven. First time niya ata magtanong about sa kanya.

"Well, I kind of like her. She's seems like a nice girl, too."

"We're just friends, Mom. "

"Don't be so sure." Hindi ko maintindihan kung anong gustong iparating ni Mom kaya naman hindi ko na lang binigyan ng pansin yung sinabi niya.

Kinekwento ko naman kasi sina Raven sa kanya dati pa at nagmeet na rin naman sila noon kapag bumibisita si Mom dito. I want to update her about my life since magkalayo nga kaming dalawa. Kahit ganon, gusto ko na hindi pa rin siya naleleft out sa buhay ko.

Ilang oras lang ang nakalipas ay nakarating na rin kami kaagad sa park na sinasabi ko. Konti lang yung tao dahil weekday. Maaga rin naman nagsimula yung sembreak namin kaya may pasok pa sa ibang schools.

Bumaba agad ako ng sasakyan at sumunod naman agad sina Mom and Dad sa akin. Tinignan ko yung reaction nilang dalawa at nakita ko kung paano nila inilibot yung paningin nila sa buong park.

"Ilang taon na yung lumipas pero hindi pa rin pala nagbabago yung lugar na to." Hindi ko alam pero parang kumirot yung puso ko nung nakita ko yung ngiti sa mukha ni Mom.

Madalas naman ngumiti si Mom lalo na kapag kasama o kausap niya ako pero iba yung ngiti niya ngayon. Sobrang... totoo. Yung hindi pilit. Yung parang biglang nawala lahat ng pagod at sakit na nararamdaman niya at nakalaya siya bigla.

Akala ko okay na yung Mom ko kahit kaming dalawa lang yung magkasama. HIndi pala. Iba pa rin pala talaga kapag kasama niya yung lalaking una niyang minahal.

Hindi ko mapilang makaramdam ng awa para sa Mom ko.

Don't worry, Mom. Ako ang bubuo sa pamilya natin na sinira nila Yvette. 

Dearest AngelWhere stories live. Discover now