Raven smirked and I was about to say that she doesn't need to answer but she already did. "Slight. He comforted me when I was crying one time. Why? You want me to help you with him? He's actually a nice guy."

"Shut up, Raven. It's disgusting you know that? You're creeping me out." And for the third time this day, I rolled my eyes again.

"Girl, is this the time of the month? I mean you know? Girl thing?" Nagets ko naman kagad ang sinabi niya kaya namula ako at natawa na lang sila sa reaction ko. Sina Levi at Castiel naman mukhang hindi nagets kaya nanatiling tahimik pero narinig ko pang bumulong si Levi ng "Girls" bago umiling. Kailan ba tatamaan tong pinsan kong to nang hindi na ako binabantayan palagi?

Tatamaan, as in mainlove ha, kasi matagal nang may tama yan sa utak.

Tumunog na ang bell kaya naman nagayos na kami at bumalik na ng room. Papasok na kami ng room nang bigla kong nakita si Oliver guy na nasa tapat lang rin ng pinto ng room nila at nang makita niya ako bigla siyang kumindat. Parang kinilabutan ako dahil sa nakita ko kaya napatakbo ako papasok.

What the heck! Napahawak ako sa dibdib ako nung tumigil ako. Ano bang nangyayari sa akin?

"Cass, are you okay?" Siguro napansin niya na may something sa akin kaya niya ako nilapitan.

"No! I'm not okay! My heart is beating really fast right now and it's killing me!" Akala ko talaga mag-aalala siya kaya nagulat ako nang bigla siyang tumawa na parang baliw.

"Wait. Did you see something, or should I say someone, for him to be the reason why your heart is beating like that?" Tumawa lang siya nang tumawa kaya pati si Yvette napatingin sa amin,

Mabuti na lang at dumating din agad yung teacher namin dahil naiinis lang ako tuwing tumitingin sa akin si Raven at tinitignan niya ako sa nakakaasar na paraan.

Dumating ang dismissal at mabilis kaming lumabas ng room. Syempre nauna na si Asher at dumiretso agad sa kabila pero wala na naman sa amin yon dahil sanay na kami.

Napatingin ako kay Yvette habang kausap nito si Castiel. Oo, naka-ngiti siya pero alam kong naiipit din siya sa sitwasyon namin. Kapag naiisip ko yon, medyo nakakaramdam ako ng guilt. Alam ko kung gaano kamahal ni Yvette yung kapatid niya. At alam ko rin na nahihirapan uli siyang makipag-usap kay Asher dahil nga sa amin.

"Guys, I need to go." Sabi niya sa amin habang kinukuha niya yung mga libro niyang dala ni Castiel.

"Wait, you want me to drive you home? I mean Asher already left so how will you go home?"

"My Mom's already waiting for me so you don't need to worry. And by the way, I'll be gone for weeks. I'm going to a vacation with my Mom and I'll be back after the sembreak."

Bigla naman akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. What? Last time na sinabi niya sa akin na magbabakasyon siya, hindi na siya bumalik ng ilang taon.

"Pero may ilang araw pa bago magsimula ang sembreak ah?" Tanong ni Raven.

"Don't worry. Nagpaalam na ako sa mga teachers."

Don't worry?

Hindi ko ata alam kung paano gagawin yon.

The next thing I knew, I'm already hugging her while I'm trying to stop my tears from coming out. She patted my back while she's hugging me back.

"Please don't leave like what happened years ago. Babalik ka naman diba? Mamimiss kita." Bulong ko sa kanya.

"I'll come back, I promise. This time, totoo na to. No more lies. Anyway, mamimiss rin kita. You take care, okay? If you're ready to admit that you like Oliver, then call me anytime you want. No secrets. Tell me everything that I will miss and be a good girl." Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at sa iba naman nagpaalam. Niyakap din siya ni Raven habang si Castiel at Levi ay ginulo lang yung buhok niya.

Siguro iisipin ng mga taong nakakakita sa akin ngayon na OA ako pero hindi. Hindi naman kasi nila alam kung anong pinagdaanan ko. Hindi nila naiintindihan yung takot na nararamdaman ko. Takot dahil hindi mo alam kung kailan mawawala sayo yung taong mahal mo.

Death is inevitable. Hindi natin yon kailan maiiwasan pero hindi rin natin alam kung kailan yon darating sa atin.

Hindi ko alam kung ito na ba o kung kailan ko huling makikita at makakausap si Yvette. Siya yung kauna-unahang naging bestfriend ko at sobrang importante niya para sa akin. Kung meron lang akong magagawa para mailigtas siya, gagawin ko. Wag lang siya mawala.

Pagkatapos magpaalam sa bawat isa sa amin ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo. Palayo sa akin... sa amin.

Yes, I'm scared because this might be the last time I will see her but my trust in her is stronger than my fear.

I know she's strong and she will fight. She will be back for the people she love. 

Dearest AngelWhere stories live. Discover now