Pero sabi nga nila, YOLO. You Only Live Once kaya dapat magpakatotoo na tayo sa sarili natin.

Pero wow ha? Sa akin pa talaga nanggaling tong mga to? Ako na hindi magawa lahat ng sinasabi ko ngayon?

Ang hipokrita mo, Raven.

Hindi ko tuloy mapigilan na mapatingin sa side kung nasaan silang dalawa. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako titingin don eh.

Bakit kaya ganon no?

Gustong-gusto ata natin saktan yung sarili natin. Bakit? Dahil baka mawala na yung pagmamahal natin kapag nasaktan na tayo at nagising na tayo sa katotohanan na may iba na silang mahal? Siguro. Kahit kasi ako umaasa ako na magigising ako isang araw na wala na yung nararamdaman ko para sa kanya.

Lalo na ngayon.

Kitang-kita ko kung paano siya makipag-usap kay Bianca. Parang bumalik lang yung nangyari nung isang araw na nakita ko silang masaya.

Nagulat na lang ako nung biglang may nagtakip sa mga mata ko.

"Guess who?" Hindi ko mapigilang matawa dahil boses pa lang alam kong si Oliver yon.

"Oliver, alam kong ikaw 'yan." Bigla na niyang inalis ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mata ko at sapilitang iniharap ako sa kanya.

"Sabi ko naman sayo hindi na kita hahayaang umiyak dahil sa kanya diba?" Kaya pala. Kaya pala tinakpan niya yung mga mata ko para hindi ko na sila makita.

Hindi ko naman inaasahan na gagawin pala niya yung sinabi niya. Sobrang thankful talaga ako na nakilala ko siya. Hindi man kami close pero eto siya at tinutulungan ako.

"Class, sorry I'm late. Let's now start your presentation." Biglang sabi nung teacher namin na kararating lang at pumwesto na siya sa harapan kung saan nandon yung table at chair na hinanda para sa kanya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagpuntahan na sa mga pwesto namin.

Hindi ko pa nga maiwasan kiligin dahil talagang hinatid pa ni Castiel si Yvette sa partner nito. Hmp edi sila na.

Hindi naman kalayuan mula sa pwesto namin sina Asher at titingin na sana ako sa side nila pero biglang hinawakan ni Oliver yung pisngi ko para pigilan.

"Sa akin ka na lang kasi tumingin." Hindi ko alam kung bakit pero may laman talaga yung sinabi niya. Parang may ibang meaning.

Sana naman mali ako ng iniisip dahil sa sandaling nakilala ko siya, alam kong mabuting tao talaga siya.

Sandali lang kaming nakatayo at nagsimula na ang kanta. Agad hinawakan ni Oliver yung isa kong kamay kaya nilagay ko yung isa pa sa shoulders niya habang yung kanya ay nakahawak sa bewang ko.

"When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
"

Nagsimula yung sayaw namin sa apat na beses na pagstep lang at iikot kaming mga babae sa place namin. Hanggang sa unti-unting humirap yung steps. Medyo nakakahilo nga dahil puro ikot yung ginagawa namin pero nakakaenjoy kasi parang nakakakalma yung kanta.

"I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up, I'm still looking up
"

Bigla kong naramdaman yung pagtitig sa akin ni Oliver kaya napatingin din ako sa kanya.

"Bakit?" Hindi ko kasi mapigilan mailang dahil sa way ng pagtitig niya.

"Hmm?"

"May dumi ba ako sa mukha?" Grabe ngayon lang ata ako na-conscious sa itsura ko ah. Mamaya may lip tint pa pala ako sa ngipin ko hindi lang napansin nila Cass. Nakakahiya yon kapag ganon.

"Wala. You look so beautiful today. Mali pala. You always look beautiful." Seryosong sabi niya lang habang nakatingin pa rin ng diretso sa mga mata ko kaya ako na lang yung umiwas ng tingin.

Ano kayang trip nito?

As in nakatingin lang siya sa akin hanggang sa matapos yung buong sayaw namin. Aalisin ko na sana yung pagkakahawak sa kanya pero hindi pa rin siya bumibitaw.

"You know you can use me, right?"

Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. Napakunot bigla yung noo ko. "What are you talking about?"

"You can use me para I don't know? Para pagselosin siya or if you want, pwede rin naman as a rebound. I can be your anything." Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro pero ang alam ko lang, hindi ako natutuwa sa sinabi niya.

"Sorry pero I refuse to use anyone for a selfish reason." Firm na pagkakasabi ko. Ano bang pumapasok sa utak niya at iniisip niya magpagamit sa akin?

"I like you, Raven."

What the hell?

Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya. Unti-unti na rin siyang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko at binaba niya yon. "Pero alam ko na kahit anong mangyari, siya pa rin naman yung pipiliin mo. Gusto ko sana subukan pero ayokong dumating ka sa point na maiipit ka sa pagitan naming dalawa. Gusto ko lang sabihin sayo yung nararamdaman ko. Iba kasi talaga magmahal yung mga katulad mo no? Sobra-sobra. Yung halos wala ng matira sa sarili mo. Pero kahit hindi ako lalaban, palagi mong iisipin na nandito lang ako kapag kailangan mo ng kaibigan. Kahit kaibigan man lang."

Grabe. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinasabi niya. Para akong nakalutang ngayon. Ayaw magsink in sa utak ko nung mga sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi na siya yung pipiliin ko?" Ewan ko. Nacucurious talaga ako sa kung anong iniisip niya.

Nakakalito kasi eh. Sabi niya gusto niya ako pero ngayon pa lang sumusuko na siya. Hindi pa nga niya sinusubukan eh. Gaya nga ng sabi nila Yvette, kapag mahal mo ipaglaban mo. Pero anong ginagawa niya?

Hindi ko naman sinasabi na ipaglaban niya ako. Naguguluhan lang talaga ako.

"Kasi I told you that you can use me but you refused. Bigla na lang pumasok sa isip ko na iba ka nga pala. Dahil ang mga babaeng katulad mo, minsan lang magmahal pero sobra-sobra. Isa pa, alam kong sa kanya ka mas sasaya. At don ako sa kung saan ka magiging masaya."

Halos maluha ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Nakikita ko kasi yung sincerity sa mga mata niya.

Sobrang swerte ng babaeng makakasama niya, sa totoo lang. Sana lang makita niya na ito agad.

"So kahit masakit, tatanggapin ko. And ayoko naman bumalik tayo sa puntong hindi tayo magpapansinan. I could handle being friendzoned than being nothing at all... so friends?" Sabay lahad niya ng kamay niya sa akin.

Hindi ko naman mapigilan mapangiti dahil don kaya tinanggap ko na yung kamay niya.

"Friends."

Dearest AngelWhere stories live. Discover now