Si Raven tahimik lang at wala sa mood pero si Castiel talagang malungkot. Kami ni Levi parang nangangapa sa nangyari. Si Asher masyadong ignorante habang si Yvette naman mukhang sinosolo yung problema niya.

Tatayo na sana si Levi para umorder pero napatigil siya habang nakatingin sa may entrance ng cafeteria. Napatingin din ako sa tinitignan niya at medyo natigilan din ako nung makita ko si Yvette don. Mukhang pati naman yung dalawa napansin yon kaya pare-pareho kaming pinapanood lang si Yvette at umaasa na lalapit siya sa amin.

Pero nabigo kami. Nung makita niya kami ay mabilis siyang tumalikod at lumabas ng cafeteria.

Narinig kong sabay-sabay na napamura yung tatlo dahil doon.

Natapos ang buong araw na iniiwasan kami ni Yvette. Ganon din kinabukasan, pati nung Wednesday, Thursday at Friday. Natapos ang exams namin na hindi niya kami nilalapitan. Medyo imposible dahil magkaklase lang kami pero nagagawa niya talaga. Magaling umiwas ang loka.

Buong weekend wala akong ginawa kung hindi ang subukang kausapin siya pero wala. Onti na lang talaga, magtatampo na ako sa kanya.

Nandito kami ngayon sa room. Kaming apat nila Raven, Levi at Castiel. Syempre si Asher kasama pa rin si Bianca. Kulang na lang ata doon na siya umattend ng klase eh.

Hindi pa naman nagsisimula uli yung teachers namin na magturo dahil busy sila sa pag-aayos ng grades namin. Kasalukuyan silang may meeting kaya libre kaming gumala as long as nandito lang kami sa loob ng high school building.

"Nakakamiss si ano no?" Sabi ko sa katabi ko na si Castiel. Nakaupo kami sa may upuan namin pero lumipat siya sa tabi ko. Habang katabi niya naman si Raven tapos si Levi.

"Sobra." Hindi ko pa man sinasabi kung sino yung tinutukoy ko alam niya na agad.

Nagkekwentuhan lang kami dalawa nang biglang tumayo si Raven.

"Nakaka-frustrate kayo! Kayong lahat!" Naiinis na sabi niya. "Kung kayo kaya niyong makita si Castiel na nasasaktan habang yung isa ay patuloy na umiiwas, pwes ako hindi!" Pagkatapos ay lumabas na siya ng room.

Masama yung kutob ko sa plano niyang gawin kaya sumunod agad ako sa kanya. Susunod pa nga sana yung dalawa pero pinigilan ko sila.

Kilala ko si Raven at ngayong sumabog na siya, alam kong sasabihin niya lahat ng gusto niyang sabihin kahit pa makasakit siya ng ibang tao. Iba siya magalit kaya kailangan ko siyang pigilan.

Pero nahuli ako. Masyado siyang mabilis maglakad at mukhang alam niya na agad kung nasaan si Yvette dahil dumiretso siya agad sa rooftop.

Hindi man lang siya tumigil sandali at dire-diretsong binuksan yung pinto palabas ng rooftop.

"Ano? Habang ikaw nagmumukmok dyan, hahayaan mong nasasaktan si Castiel? Ganon? Ganon ba yung gusto mo, Yvette? That's bullshit! Ganyan ka ba talaga katigas? Ganyan ba talaga katigas ang puso mo?" Biglang sigaw niya pagkatapak na pagkatapak niya sa rooftop.

"Raven! Stop!" Sinigawan ko na siya at hinawakan sa braso para hilahin pero inalis niya lang yung pagkakahawak ko doon..

"No! Kayo ang tumigil! Tigilan niyo ako sa mga kaartehan niyo! Tigilan niyo na yung pagkukunwari niyo na ayos lang yung ginagawa niya kasi hindi! Kita mong nasasaktan na si Castiel pero hinayaan mo lang yung kaibigan mo na gawin yan?!" Galit na sigaw niya sa akin bago siya humarap uli kay Yvette. Nakita ko yung mabilis na pagtulo ng luha niya na agad niya ring pinunasan. Alam ko naman na marami lang siyang iniisip these past few weeks kaya siya nagkakaganito pero kailangan ko siya pigilan.

"Hindi mo ba alam na ang swerte mo dahil ikaw yung nagustuhan ni Castiel?" Lumakad siya papalapit kay Yvette hanggang sa magkatapat na sila. "Bakit ka ganyan? Ayun na eh. Si Castiel na yon. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita kung gaano ka niya kamahal? Ang swerte swerte mo kasi ikaw alam mong may isang taong nagmamahal sayo pero ikaw! Binabalewala mo lang yung taong yon!" Umiiyak na na sabi ni Raven. Umiiyak na rin si Yvette kaya kahit ako hindi ko na napigilan na maluha. Nararamdaman ko yung sakit sa bawat salitang binibigkas ni Raven. Na para bang galing sa puso niya yung sinasabi niya.

"Sa tingin mo ba madali lang para sa akin yon?" Garalgal yung boses ni Yvette na sumagot.

"Oo! Dahil hindi katulad ni Castiel, mukhang okay ka lang! Palibhasa wala kang pakialam sa nararamdaman ng kaibigan ko!"

"Hindi naman porket tahimik ako, hindi na ako nasasaktan." Unti-unting nanghina si Yvette hanggang sa mapaupo siya sa sahig. Doon siya umiyak nang umiyak na para bang ilang araw niya ng pinipigilan na magbreakdown. "Sa tingin mo ba talaga siya lang ang nasasaktan? Siguro dahil side lang naman niya ang alam niyo. Sa tingin mo ba masaya ako sa ginagawa ko?"

"Bakit hindi ba?!"

"Siguro nga no? Siguro nga masaya na ikaw mismo yung nananakit sa taong gusto mo." Pareho kaming natigilan ni Raven dahil sa sinabi niya.

"A-anong sabi mo?"

"Oo, gusto ko rin siya. Pero hindi pwede dahil alam kong mas masasaktan lang siya kapag pinilit ko yung gusto ko."

"So what? You're just going to stay away from him? Hindi ba mas nasasaktan siya kasi hindi niya alam kung bakit bigla mo na lang siyang nilayuan?!"

"I have reasons, Raven!"

"Eh ano nga yon? Bakit hindi mo masabi?!"

"I'M GOING TO DIE!"

Dearest AngelUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum