Nakababa na ako at nakita ko na sila Yvette nang bigla akong napatingin sa likod ko. Agad akong napatakbo papalapit sa kanya at hinila siya kaya imbes na sa sahig siya mahulog ay nasa mga bisig ko na siya.

"Okay ka lang?" Nakapikit pa rin siya at parang naluluha na siya. "Shh. Don't cry. You're already safe." I said pagkatapos iminulat niya yung mga mata niya at bigla itong nanlaki.

"Asher?! Shit! I'm sorry! I mean thank you pala!" Sabi niya at umayos na ng tayo.

"It's okay. Just careful next time."

Yes, it's Bianca. Nakita ko na lang siya na nasa hagdan at namali yung tapak ng paa niya kaya muntik na siyang mahulog. Hindi ko lang alam kung bakit nagpanic ako kanina kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya.

Iniwan ko na siya doon at naglakad na papunta kila Yvette. "What happened Kuya?" Tanong niya.

"Muntik na siyang mahulog sa hagdan." Paliwanag ko at napatingin sa kanila. Parang kulang sila ah? "Asan si Raven?" Tanong ko sa kanya.

Mukhang hindi siya mapakali. "Ah Kuya nandoon na daw yung sundo niya kaya nauna na siya. Hindi na nga nakapagpaalam sayo eh. Ang tagal mo kasi."

"Ha? Ano yung huli mong sinabi?"

"Ang tagal niyo pong nagusap ni Castiel ah? Halika na po?" Tumango na lang ako at nagpaalam na kami kila Levi.

Pagkasay namin sa kotse ko, kinuha ko muna yung cellphone ko at tinignan kung may text galing kay Raven pero wala. Nagtetext naman yun sa akin pag nauuna siyang nauwi at hindi na nakakapagpaalam.

Naalala ko tuloy yung napagusapan naming ni Castiel. Sa totoo lang mas gusto ko naman si Castiel kesa dun sa Mark na yun. Halata naming may gusto yun kay Yvette. Yun nga ata yung sinasabi ni Bianca na may gusto kay Yvette kaya lumapit agad nung makakuha ng chance. Tsk.

Then naalala ko naman yung mukha ni Bianca noong sinalo ko siya. Gusto kong matawa kasi mukha siyang takot na takot pero hindi ko magawa kasi miski ako ay kinabahan nung nakita ko siya.

Ang cute niya pala?

Mahaba yung pilik mata niya pero mas mahaba ng konti yung kay Raven. Maikli yung buhok niya. Hanggang leeg lang hindi katulad nung kay Raven na hanggang balikat ang haba. Malaki yung mata niya pero mas cute yung kay Raven. Matangkad din siya pero syempre mas matangkad si Raven. Ibang klase height non eh.

Shit. Ano ba tong mga iniisip ko? Nababaliw na ata talaga ako! Bakit ko ba kasi iniisip si Bianca? At mas lalong bakit ko sila ipinagkukumpara ni Raven? Napailing na lang ako bigla dahil sa mga kalokohan ko.

"Masakit po ba ulo niyo Kuya?"

"No. May naalala lang ako."

"Si ate Bianca ba? May gusto ka ba sa kanya Kuya?" Nagulat ako sa biglaang tanong niya pero napaisip din naman ako.

May gusto ba ako sa babaeng yun? Damn it. The fact that I can't answer means I'm uncertain. Why can't I just say no!? This is making me crazy! No! She's making me crazy!

"It's okay Kuya. You don't really need to answer it." Sabi na lang niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang medyo disappointed siya habang sinasabi yon.

"D-don't you think she'll be good for me?" Ano bang tumatakbo sa isip ko at sinabi ko yon sa kanya?

Gusto kong suntukin yung sarili ko dahil sa kahihiyan pero hindi ko rin naman magawa. Because to be honest, I'm waiting for her answer.

"Why Kuya? Do you think she'll be good for you?" Great! She just answered my question with another question. "Look, if you like her then go. You're the only one who can answer your own question because it's your life. You know yourself better than I do." Saktong pagkatapos niya magsalita ay napark ko na yung kotse. Nakarating na pala kami nang hindi ko namamalayan.

"Okay. Ganito na lang. Do you like her for me?" I asked.

"The question is... do you really like her? Come on Kuya. How am I supposed to answer that question of yours if you can't even answer yourself!" Nagulat ako dahil sa biglaang pagtaas niya ng boses. Bakit siya bigla-biglang nagagalit?

"I honestly don't know." I said as I look down.

Bakit ba kasi sa kanya pa ako nagtanong? Bukod sa nakakahiya, dapat cold lang ako sa kanya. Dahil sa kaiisip sa babaeng yon, nawala na sa isip ko yung plano namin ni Mom. Hindi maganda to.

Isa pa, imposible naman na magkagusto ako sa babaeng isang araw ko pa lang nakikilala. Ano ako, si Castiel?

"Sometimes, we're just saying that we like someone because our mind tells us so. Sometimes we tend to use our mind for situations like this and that is wrong. Our heart is the one who's falling in love not our mind. So... just ask yourself, Kuya. Just listen to your heart and open your eyes then you'll be able to answer your own questions." She said. "I'll just change my clothes. Dad will be home in a few minutes. He wants us to have dinner with him. You better change too, Kuya." At pagkatapos non ay umalis na siya.

Hindi ko rin naman alam ang gagawin kaya sumunod na lang ako sa kanya at dumiretso sa kwarto ko para magpalit. Kung tutuusin, nakakatawa rin pala ano? Sa lahat ng pwede kong hingian ng advice, don pa ako sa nakababatang kapatid ko nagtanong.

Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko yung sinabi niya kanina sa sasakyan. Ano ba kasing ibig sabihin non?

Is my heart telling me that I like Bianca?

Dearest AngelWhere stories live. Discover now