Chapter 17 . Going back

Start from the beginning
                                    

Sinunod ko naman siya at pumasok sa loob ng kwarto ni Kuya Chand. Narinig ko na naliligo siya mula sa agos ng tubig sa banyo kaya umupo muna ako sa kama.

Napatingin ako doon sa envelope sa desk niya. Ito na ba ang transfer papers namin? Kinuha ko ang envelope at nagulat ako sa nakita ko. Stolen shots ni Bea with a guy.. kung hindi ako nagkakamali ito yung kinekwento ni caly na after ng five years na pagrereto kay Bea sa iba't ibang lalaki ay yan lang ang pumasa.

"What are you doing here?" malamig na tanong ni kuya sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Oh please kuya! Wag mo kong gamitan ng office tone mo" sabi ko sakanya kaya bumuntong hininga siya.

Takot sa kanila ni Kuya Third ang lahat ng empleyado namin. Pati sa ibang branch na hindi pa nila napupuntahan at sa ibang sikat na kompanya ay kilala sila as one of the scariest business men, masyado silang perfectionist.

"Kuya bakit meron ka nito?" tanong ko sakanya at kinuha naman niya sakin ang pictures.

Mabilis niya iyon tinago.

"I don't need to answer that, go back to your room" sabi niya pero umiling ako.

"Kuya.. you're being unfair kay bea. Alam mo bang after five years ay ngayon lang siya pumayag na makipagdate" sabi ko kay kuya at umupo siya sa tabi ko.

"I know.. you don't need to remind me about that Ina, it's just.. I still love her. Alam ko na, ako ang nakasakit pero hindi ko mapigilan na hilingin na hindi siya magmove on. I want her to wait for me pero I guess I'm too late" sabi niya sakin.

Napaawang ang labi ko. Wow! My brother is really inlove. Akala ko dati ay pinagbibigyan niya lang si Bea.. but now.. damn. I'm so happy!

"Kuya, it's never too late! We just need to accept that you have never been there in the first place. Alam kong hindi mo kasalanan pero baliktarin mo man ang mundo.. Ikaw ang dahilan ng sakit na naramdaman niya. Simula bata pa tayo ikaw na ang gusto niya but I know na even though you left her hanging.. totoo ang ipinakita mo pero we need to move on" sabi ko kay kuya at yinakap siya.

Akala mo kuya ah! Ilalabas ko 'yang nararamdaman mo hanggang sa ikaw na ang mag desisyon na gumalaw t kunin si Bea ulit!

"You? Nakapagmove on kana ba kay Travis?" nagulat ako sa tanong ni kuya, never namin pinagusapan to.

"Yup.. hindi na rin ako galit but I don't want to see him again" sagot ko.

Napaiwas pa ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay pilit niyang binabasa ang nasa isip ko.


"Si Lance Morgan ay nasa US ngayon, three years na siyang nandon dahil nagpapagamot siya. Hindi ko alam kung anong sakit niya pero si Travis na ang umako ng lahat sa kompanya nila" ani kuya.

Nag kibit balikat nalang ako at tumayo na.

"Goodnight Kuya" pamamaalam ko at umalis na sa kwarto niya.


Nakita kong nagmamadaling lumabas ng bahay si Kuya Third kaya sinundan ko siya. 

"Kuya? Saan ka pupunta?" tanong ko habang pinapaandar niya ang kotse niya. 

"Si Rean... Urg! Later lil sis" sabi niya at nagmadaling pinaharurot ang kotse niya. 

Pumasok ako ng bahay at hinintay siya sa sala. Nagaalala din ako para kay Ate Rean kung ano man ang nangyari sakanya. Alam ko kahit hindi sabihin ni kuya ay nasaktan niya si Ate Rean dahil babalik kami sa Pilipinas. 

Si Ate Rean ay pilipino rin, nakilala namin siya sa university na pinasukan namin. Ayaw na ayaw niya kay Kuya Third kasi suplado daw, pati rin naman si Kuya Chand pero si kuya third kasi nakakasagutan niya but I like her.. naging close kami kasi parehas kami ng trip pero pag nakikita niya si Kuya Third ay sobrang naiinis na siya but of course.. what a Scott wants.. they get.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now