Sinikap niyang ilapag muna ang hawak na mga libro sa sahig para makuha ang isang pasaway na librong nakawala. Bago pa man niya magawa iyon, may napansin siyang pumulot ng libro.
Magpapasalamat na sana siya nang sa halip na ibalik sa tuktok ang libro, ay kinuha nito ang kalahati ng mga librong hawak niya.
"Thank—" napatda siya.
Kung hindi ka ba naman talaga pinaglalaruan ng pagkakataon.
"Saan 'to?" tanong ni Venger.
Muntik na niyang malulon ang dila niya, buti nalang naalala niyang hindi pala possible iyon.
"Sa library." sabi na lamang niya.
Nagpatiuna na ito sa paglalakad. Kinalma muna niya ang sarili bago ito sinundan.
Pagkapasok niya, nakita niyang naibaba na ni Venger ang mga librong dala nito. Pagkatapos ay dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa, saka parang tumitipa ng text.
Ibinaba narin niya ang natitirang librong hawak niya sa mesa.
"Thank you ulit." sabi pa niya saka lalabas na sana para kunin yung mga naiwan pa. At makawala mula sa loob ng range of guilt na gawa ni Venger.
"Hey, stay here."
"B-but..." kokontra pa sana siya nang marinig ang mga boses ng mga kaklaseng lalake.
"Venge!! Saan ilalagay to?" tanong ni Yanny, ang pinakamalaki sa kanila.
Nagulat si Louella dahil dala-dala nito nang mag-isa ang huling malaking box na naiwan pa sa gate.
"H-how...?" tanging nasabi niya.
"Lapag mo lang jan." utos ni Venger dito. "Pakisabi kay coach, fifteen minutes break." bilin nito bago lumabas ng library si Yanny.
"T-thanks, Yan!" pahabol niyang sabi dito saka hinatid ito sa pintuan.
Now the library was filled with silence. Kahit pa sabihing natural naman sa library ang katahimikan, bakit parang nakakabagabag ang katahimikang iyon?
She cleared her throat bago niya hinarap ang multo ng nakaraang ngayon ay matamang nakatitig na naman sa kanya. Prenteng nakaupo ito sa table, arms-crossed over his broad chest.
She ignored the guy and start organizing the books on the table. Ramdam niyang sinusundan siya ng tingin nito because she's having goosebumps all over her body.
She sighed. Hindi na niya matagalan ang walang puknat na titig nito.
"Thank you for helping me. I don't want to be a bother, so you can go back to your practice." sabi niya nang hindi ito tinitignan.
Mas lalo lang naging awkward ang pakiramdam ni Louella dahil hindi ito kumibo. Ni-gumalaw ay hindi nito ginawa, ayon sa peripheral view niya.
She didn't have a choice but to look at him and tell him off.
"What?" she said in a lightly annoyed face. What can she do? Hindi niya pigilang mainis. Kinakain siya ng guilt at kaba. Okay naman na kasi sana sila noon. Kahit pa hindi sila nagkikibuan, at least panatag ang loob niya.
Pero ngayon, anyayare? Bakit parang naging mushroom ito, at sumusulpot nalang nang bigla-bigla sa harap niya. Worse, every time that mushroom appears, she always finds him staring intently at her.
"You didn't go to my mom's funeral." Hindi naman mukhang nanunumbat ito, pero bakit parang ganoon ang dating sa kanya.
Napaisip siya. Summer noong namatay ang mommy ni Venger. A month after she ghosted him. Nabalitaan niya sa mga kaklase niya ang nangyari. Nagsend din ng grouptext ang mga ito na sabay-sabay bibisita sa burol ng mommy nito.
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
CHAPTER 5
Start from the beginning
