CHAPTER 2

22 1 0
                                        


REZIAH Nyrene Varquez aka Rezny. Kaibigan umano siya ni Freyah, at nagkamali raw ito ng bigay kay Venger ng number nung hiningi ng huli ang number ng kuya ni Freyah.

Mga sinungaling talaga!

Fifteen years old, third year high school sa St. Louie High. Nagi-isang anak ng isang businesswoman at isang lawyer. May kaya ang pamilya, pero gaya nang kay Venger, hindi rin masaya.

Iyon ang mga kasinungalingang nabuo niya sa ilang buwang magkatext sila ni Venger. Nagi-guilty man, pero nag-e-enjoy si Louella sa ginagawa. Hindi sa panloloko niya kundi sa pagiging kaibigan niya kay Venger sa katauhan ni Rezny.

Masaya naman pala itong kausap. Maalaga rin, dahil hindi pumapalya itong magpaalala sa kanya na kumain na tuwing oras ng pagkain. Kapagka nasa school naman at oras ng klase, hindi ito nang-iistorbo. Before and after class talaga ito kung magtext.

Laging "How r u?" tsaka "take care" ang natatanggap niya dito. Kaya hindi naging mahirap sa kanya ang pagtatago kapag nagrereply dito.

Textmates na nga siguro kung tatawagin ang relasyon ni Venger at Rezny. Noon, araw-araw tinatanong siya ng mga bruha kung anong natutuklasan niya. Sinasabi naman niya dito ang mga obserbasyon niya sa misteryosong ugali ni Venger.

Minsan inuutusan din siya ng mga ito na alamin kung sino ang mga crush ng lalake. Hindi pa niya iyon naitatanong sa lalake, at kahit naman siguro sabihin nito sa kanya kung sino, hindi niya iyon sasabihin sa mga bruha.

Mabait si Venger. Madaldal din ito sa text, taliwas sa kung ano ito sa personal. Masaya itong kausap. Siguro kung nagkataong lalake siya, kakaibiganin niya ang isang tulad ni Venger.

Ngunit natuklasan niya ring hindi rin basta-bastang nagtitiwala si Venger sa mga kaibigan nito. Tulad na lamang ng mga problema nito sa bahay, mas gugustuhin pa nitong makipagusap sa hindi nito kakilala, kesa sa maglabas ng sama ng loob sa mga kaibigan nito. Hiya ba o ano, hindi na niya inalam ang dahilan.

"Hey, it's lunch break. Eat well!" text nito.

Hinanap ng mga mata niya ang kinaroroonan ng lalaki. Kakaalis lang ng last subject nila sa umaga. Nakita niya itong nakaupo sa teacher's table at nakatitig sa hawak na cellphone. Inaabangan yata nito ang reply niya. Nagmadali naman siyang lumabas ng classroom, hinila niya si Panot.

"Mikel, Nessy, bilis na. Canteen na tayo magkita." paalam niya sa dalawang nag-aayos pa ng gamit.

Nakarating na sila sa canteen at doon naghanap ng table.

"Lou, may napapansin ako sayo." ani Steffy.

"Hmm? Ano?" wala sa sariling tanong niya. Nag-iisip kasi siya ng irereply kay Venger.

"Bakit parang lagi kang balisa?"

"Ha? Balisa?" tumipa siya ng text. "U too, Venge. Eat well. Happy lunch!"

"Oo, lagi kang nagmamadali. Lagi kang worried."

Pagkatapos niyang i-send ang text, napabaling na siya kay Panot.

"Hindi naman, ah." tanggi niya.

Totoo kasi ang obserbasyon nito. Kahit na sabihin pang safe naman siya, pakiramdam niya parang may sasabog na kung ano, at delikado siya.

"Lutang ka din minsan. Feeling ko nagsimula yan nung nagka-cellphone ka. May boyfriend ka na sa text noh?"

"H-ha? W-wala ah!" kandautal niyang tanggi.

Wala naman kasi talaga, pero lately, parang napapansin niyang mejo nagpaparamdam ng kung ano si Venger kay Rezny.

"Sus, delikado." napapalatak si Panot.

It Started With A TextWhere stories live. Discover now