"'NOT." tawag-pansin ni Louella sa tomboy na seryosong kumukopya sa assignment niya.
"O?" sagot nito.
"Pumunta ka ba sa burol ng mommy ni Venger?"
"Hinde. Nasa Japan ako nun. Kay mommy. Bakit? Diba hindi ka rin pumunta?" balik-tanong nito.
Tumango siya. "Tayo lang ba ang hindi nakapunta?"
"Hindi naman. Konti nga lang daw nakapunta sabi ni Mikel. Ilang girls lang yata, tsaka mga boys. Bakit ba?"
Nagkibit-balikat siya. Simula nang tinanong siya ni Venger, o mas tama yatang sabihin na kinunsensya siya nito, ay nadagdagan na naman ang guilt niya.
Siya lang ba ang hindi nakapunta? Marami naman pala sila. Bakit ba parang nanunumbat ito?
"Oy ha? Si Venger na naman nasa isip mo."
"Hala, ano ka?! Wala naman akong iniisip ah." todong pagtanggi niya.
"Hoy, Lou! Basang-basa kita. Simula elementary magkaibigan na tayo. Kapag lumalaki butas ng ilong mo, alam kong nagsisinungaling ka! Kaya wag ako!"
"Akin na nga yang assignment ko! Weekend na weekend, hindi ka gumawa ng sarili mong assignment!" pabiro niyang hinila ang notebook niya mula dito.
"Huy! Grabe ka, ganyan ka talaga pag tumatama ako sa basa ko sayo." Isinara nito ang notebook niya. "Ayan na, tapos naman na ako!" saka tumawa ito ng nakakasuya.
Inirapan lang ito ni Louella.
"OMG, kuya ni Venger!" dinig ni Louella out of nowhere.
"Sheeet, ang cute niya talaga noh?" bulong-bulungan ng iba pang girls sa classroom nila.
Siniko siya ni Panot, "Si Senpai mo, o."
Lumingon siya sa may bandang pintuan. Nakadungaw nga ito roon na parang may hinahanap.
"Hi kuya Jayle!" nilapitan ito ni Celyn. "Wala po si Venger, lumabas kasama ang boys."
"Ah." sabi nito na parang hindi interesado sa sinasabi ni Celyn. Nagpatuloy ito sa paglibot ng mga mata sa loob ng classroom nila.
Nang maglanding ang tingin nito sa kanya ay agad itong ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"Louella!" tawag nito sa kanya saka kumaway. Nasa opposite side siya kaya medyo napalakas ang pagtawag nito sa kanya, dahilan para magsilingunan sa kanya ang mga babae sa classroom. "Can I talk to you for a minute?" he mouthed.
She let out an awkward smile when she noticed her classmates' suspicious eyes piercing through her. She looked at Jayle waiting for her answer. She nodded and signaled him to wait.
"Yes kuya?" tawag-pansin niya dito nang makalabas ng classroom.
"Come on." Nabigla siya nang hilahin nito ang kamay niya palayo sa clasroom nila.
Dinala siya nito sa balcony.
"I need you to do me a favor, Louella." bungad nito.
"Yes kuya, sure." walang pag-aalinlangan niyang sagot.
"Can you come and watch a movie with me?"
"H-ha?" medyo naguluhan si Louella. How's that a favor?
"A-ah." Napakamot ito sa batok. "Ganito kasi yun.."
> > > > >
"THE movie review is due next week. You have to do it by pair for you to share ideas and discuss the questions in the questonnaire."
YOU ARE READING
It Started With A Text
Romance"Kung ako sayo, habang maaga pa, itigil mo na yan." Seryosong suhestyon nito. "Paano kung hindi ka nga mabuking, pero na-in-love naman sayo yung tao. Gaya nga ng sabi mo, lately parang nagpapahiwatig na siya. Oh, anong gagawin mo?" "Hindi ko alam, '...
