Laglag ang panga ni Louella. Dalawang malalaking box ang ibinaba ng delivery guy mula sa truck. Ipinasok nito ang mga iyon sa loob ng gate saka binigyan siya nito ng papel at ballpen. "Mam, pakipirma nalang po dito."

Pagkatapos niyang pirmahan iyon, kinuha ng delivery guy ang papel, pumasok sa loob ng truck saka walang paga-alinlangang iniwan siya ng mga ito.

Nanlaki ang mga mata ni Louella. What do they expect me to do with these? Akala niya tutulungan siya nitong ipasok ang mga box sa library. 

Napabuntong-hininga siya. Malalaki ang box, at alam niyang libro ang mga laman niyon, kaya sigurado siyang mabibigat iyon.

Nilingon niya ang mga basketball players. Natutukso na siyang humingi ng tulong.

No, Louella. Kayanin mo yan mag-isa. Pigil sa kanya ng damdamin niya. Maliban sa nakakahiyang magpatulong, hindi niya rin alam kung paano humingi ng tulong.

Awkward.

Humugot siya ng malalim na hininga, saka ibinuga iyon ng malakas. Nagstretching siya konti, saka nilapitan ang mga boxes.

"My arms can't lift all of you up at once, but my brain can." sabi niya sa mga boxes.

Binuksan niya ang isang box, saka hinugot ang ilang piraso ng mga librong kaya niyang buhatin.


> > > > >


PINUKAW ng tapik ni Andrei si Venger. Nagpapahinga sila dahil kakatapos lang nilang ikutin ng takbo ang buong court. Ininguso nito ang babaeng may bitbit na mga libro.

"Kanina pa pabalik-balik yan. Naghahakot yata ng libro." sabi nito.

Tinignan niya ito. Napalingon narin ang iba sa babae. Sa kabilang banda ng court ito naglalakad kahit mas madali naman kung doon sa banda nila ito dadaan.

"Hinihintay ko nga lang humingi ng tulong, eh." sabat ni Franz.

"Maganda ba?" tanong ni Jack.

"Saka mo lang tutulungan kung maganda?" sagot ni Andrei.

"Pakboy ka talaga." ani Franz.

Napailing nalang si Venger saka muling ipinikit ang mata saka tumingala.

"Mga gago, si Louella yan." sabi ng bagong dating na si Yanny.

"Ha?! Si Louella pala yan?" gulat na sabi ni Franz.

"Ah, hindi na kailangan ng tulong nyan. Mas maskulado pa satin yan, e." hirit ni Jack.

Nagtawanan na naman ang mga ito.

Biglang tumayo si Venger. "CR lang ako." saka naglakad palayo sa mga ito.


> > > > >


THIRD batch na ng mga libro ang tagumpay na naipasok ni Louella sa library. Tagaktak na ang pawis niya, but never say never. May isang batch pang natitira sa unang box na binuksan niya.

Nagstretching siya sandali saka tumakbo pabalik sa boxes.

Lampas ulo niya ang bilang ng mga libro sa huling batch na iyon. Memorize naman na niya ang daan, so she took the risk.

Dahan-dahan, at pa-silip-silip, siya sa dinadaanan. Malapit na sana siya sa library nang mahulog sa paanan niya ang librong nasa pinakatuktok ng dala-dala niya. 

It Started With A TextOù les histoires vivent. Découvrez maintenant