Chapter 1

753 31 7
                                    

She

Panay ang hikab ko sa harap ng parents at dalawa kong magagaling na ate. Kasalukuyang nasa sala namin kami ngayon at haharapin ko na naman ang paglilitis.

What's new? Nalaman kasing tumakas ako kagabi para mag-party. Hindi pa sana ako uuwi kung hindi lang dahil sa text ni mommy na may offer siya sa akin na hinding-hindi ko matatanggihan.

She's already asleep pagkauwi ko ng mga madaling araw. Alam ko na na sinadya niyang huwag akong hintayin dahil magre-recruit pa siya ng mga magsesermon ako. I wasn't wrong.

Kahit na hindi ko pa na-kumpleto ang 8 hours routine sleep ko ay ginising na ako ni ate Shay at kinaladkad pababa ng sala. Fine, kinaladkad was an overstatement. And hindi rin ako kaladkaring babae. Kusa akong sumama kay ate kasi wala na akong ibang choice.

"Kailan ka ba kikilos nang naaayon sa edad mo iha?" simula na ni daddy. "You know that it's dangerous for you to go anywhere you want na walang bantay."

"Dad, malaki na po ako. And besides, wala na pong magtatangkang kumidnap sa akin gaya ng dati. You almost took down all your enemies," paliwanag ko sa kanya.

Ramdam ko naman kung may kakaiba sa paligid. The funny thing is that, ang mga tauhan lang niya ang nagpapabigat sa paligid ko. My life would have been easier kung walang mga mapanuring matang nakatutok sa akin.

"It's for your own safety," depensa niya.

"It's invading my privacy, dad. Kulang na lang ay pasamahan niyo ako sa bodyguard sa loob ng cr ko," sabi ko at kita ko ang pagngiwi ni ate Penn sa tabi ni mommy.

"Stop being overdramatic. Para sayo rin naman ito," singit ni ate Shay.

Ako pa ngayon ang overdramatic? Eh sila nga itong nuknukan ng OA sa pagbabantay sa akin. Hindi ko nga al kung ano talaga ang tingin nila sa akin eh. Precious daughter or dangerous criminal to watch out.

"Hon, I don't like your decision," dinig kong sabi ni dad kay mom kaya napatingin ako sa kanya.

Mom let out a heavy sigh before she turned to me. "Let's give her a chance. Sumasakit na rin ang ulo ko sa konsumisyon. Besides, walang makakagalaw sa kanya roon sa Iloilo. That's our jurisdiction."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. So pupunta ako ng Iloilo?

"Ano pong gagawin ko sa Iloilo?" tanong ko kay mommy.

"I'll let Bhoi to take care of you," tukoy niya sa pinsan niyang bading na nakatira sa Metro Iloilo at isang Head ng sikat na publishing house sa lalawigan.

Napatakip ako ng aking bibig. This is what I really want. Gusto kong maging sikat na writer. Kahit saan basta makapagsulat lang ako. That's my interest after high school pero hindi ko ma-purse because of them.

They wanted me to be an attorney like ate Shay pero hindi kinaya ng utak ko. I'm not good at memorization. Kaya pinasubok din nila ako sa field ni ate Penn which is engineering. My gosh! I hate numbers.

After no'n ilang courses pa ang pina-take nila sa akin na pwede ko raw ipagmalaki balang araw. Pero sila na rin ang sumuko. Ang ending, tumigil na ako sa pag-aaral right after kong makatapos ng second year college sa kursong Architecture.

"Do you think she can do it?" may halong pangmamaliit na tanong ni ate Penn.

She raised her right eyebrows nang tiningnan ko. I rolled my eyes just to meet my mom's 'tiger look'.

"I'll give her 6 months. Kapag na-promote siya roon sa kanyang trabaho then she can do whatever she wants..." sabi ni mommy na kinontrahan ng malalim na buntong-hininga ni ate Penn.

"But if she failed, she will do anything what we want for her," may halong pananakot na dugtong ni mommmy.

I smiled triumphantly. As if naman  hahayaan kong mabigo. After all, this is what I really want. Kung di sana ay pinagbigyan nila akong kumuha ng kursong Mass Communication eh di sana may sikat na silang anak ngayon na nakikita sa TV.

"Don't worry mom, dad, mga ate. This time I won't fail you," paninigurado ko sa kanila.

"You should also learn how to be independent. Like ang sahod mo sa trabaho ay siyang gagamitin mo sa monthly expenses mo," sabi ni ate Penn.

Napanganga ako. Kinabahan ng slight dahil napaisip si mommy roon. Nginisihan lang ako ng epal kong kapatid.

Ang kontrabida niya talaga. Sabi ni yaya Maru, siya raw pinaka-close ko noong maliliit pa kami eh. Anong nangyari? Ah, dahil ako nga pala ang niligawan ng crush niya dati. Pero matagal na 'yon!

Engaged na siya kay kuya Kael. Hindi man lang ako na-inform na malalim palang magtanim ng sama ng loob si ate Penn at parang ngayon pa lang yata niya inaani iyon.

Ate Shay was silent all along. She's the eldest and next to dad, siya ang pinakaseryoso sa amin sa bahay. Nakikinig lang siya both sides. Maybe because she's an attorney? Baka nga tingin niya sa sitwasyon namin ngayon ay isang court trial. At ako ang nasasakdal.

"That's a good idea. Ako na ang bahalang maghanap nang matutuluyan mo and huhulugan ko na rin for two months. Pero after no'n, all the expenses will be on your shoulder," may halong pinalidad sa boses ni mommy.

Tumingin ako kay dad pero wala akong makitang disapproval sa mukha niya. Napalabi ako. Ate Shay just nodded. Sinamaan ko ng tingin si ate Penn na ngayon ay nagbubunyi dahil nagtagumpay siya sa kanyang mithiin.

"Fine, I'll take it," matatag kong sabi.

They all look surprised. Akala nila siguro ay hihindian ko ang alok na ito. No way. If this will be the exchange of my freedom, I'll gladly accept the offer.

Gusto kong makawala sa pambabantay nila sa bawat galaw ko. Ayoko nang dinidiktahan ako sa kung ano bang dapat at hindi. I'm almost losing my identity and the only thing that keeps me on holding is the hope that someday I will be freed from this kind of feeling.

And that someday is now. So I will never let go of this chance. Kahit gaano pa ito kahirap. Magtitiis ako.

They don't have any idea how happy I am right now. Kung pwede nga lang ay ngayon na ako umalis eh.

---
"Maayo nga pag-abot sa Iloilo," sabi ng announcer pagkalapag ng airline na sinasakyan ko sa Iloilo International Airport.

Sumilip ako sa labas ng bintana habang dahan-dahang humihinto ang takbo ng eroplano. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang sunod-sunod na pagtanggal ng seatbelts ng mga pasahero.

Napatingin ako sa aking Dora the Explorer inspired wristwatch. It's almost quarter to six o'clock in the evening. Nakangiti kong tinanggal ang seatbelt ko at nakipila na sa mga pasaherong papalabas na ng airbus.

Nang makarating sa claiming area ng bagahe ay tumunog ang aking phone. Kinuha ko iyon sa aking bulsa at sinagot ang tawag na galing kay tito Bhoi.

"Hello darling. Dito lang ako sa labas maghihintay. I can't get in kasi nasa loob na ako ng sasakyan sa tapat mismo ng arrival area. Do you have your luggage na ba?" tanong niya.

Nagpalinga-linga ako at nakita ang luggage ko na kulay black. Papunta na ito sa akin. Dali-dali ko itong kinuha at nilapag sa sahig.

"Just got it, tito. Palabas na ako," masaya kong sabi habang hila-hila ang bagahe ko.

Ngiting-ngiti akong naglalakad palabas. Marami na ring tao ang nag-aabang sa arrival area. Napapikit ako at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin.

So this is what freedom feels like. Kinikilig kong iminulat ang aking mga mata.

Walang bakas ng mga tauhan ni dad. Halos mapatalon ako sa saya. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang tao.

"Freedom ko 'to, ghorl. Huwag ka ngang ano riyan!" natatawa kong sabi sa babaeng dumaan sa harap ko.

Feeling ko kakayanin kong harapin kahit anong pagsubok man ang dumating sa buhay ko rito sa Iloilo.

To be continued...

---
A/N
Pa buena mano lang sa unang araw ng taon. Hehehez. Happy New Year guyssss.

-d a n j a v u

Choosing Mr. ZWhere stories live. Discover now