Heart Skip A Beat

10 1 0
                                    

*dugdug.. dugdug*


Ano yon? Sinilip ko yung dibdib ko galing sa collar ng uniform ko at tinignan kung nakalabas ba yung puso ko. Ang lakas ng tunog eh.

Yung puso ko kulang nalang lumabas sa dibdib ko matapos ako yakapin ng bruhang 'to.

Like wtf lang mga gorls diba? I like real men. Ion and Eris lang sapat na. Pero ano to?

Tell me??



*****

Napansin ata ni Jackie na bigla akong nag space out kaya natigil sya sa pagtalon at nag alala.

"Hoy Vincent? Ok ka lang ba?" Tanong ni Jackie sakin.

"H-ha? A-ah ehh. Oo. Ok lang ako. Bakit ba? Dun ka nga! Wag kang didikit sakin. Shoo shoo!" Pag tataboy ko sa kanya.

"Di ba bestfriends na tayo? Bakit mo ako pinapaalis?" Sabi niya na malungkot na malungkot.

"Hala oy! Tigilan mo nga yang tampo tampo mo agad girl. Kaloka! OA!"

"OA ba talaga ako bakla?" Sabi niya ng pabulong sa akin na ikinagulat ko ulit. Nagtitinginan na kasi yung mga tao sa amin. Eh alam naman nila na gusto ko laging mag isa tapos makikita nalang nila na eto. May kasama ako tapos babae pa.




I snapped out of it naman agad kaya lumipat agad ako sa tabi niya at inakbayan ko pa siya. Shutang ina naman eh. Nakakadiri lang. "Eto naman oh. Di naman mabiro. Halika nga dito pakiss nga!"





Nagulat nalang ako at hinalikan nga ako sa lips ng bruha. Smack lang naman. Smack na akala ko end of the world na kasi sobrang lakas ulit ng tibok ng puso ko. Ay hindi! Mas malakas pa to sa kahit anong lindol. Parang titilapon na 'to any minute.


Naitulak ko tuloy si Jackie ng wala sa oras. Ay shutang ina!

Nakita ko nalang si Jackie na nahulog sa inuupuan namin at napaupo sa sahig pero parang nablanko na yung utak ko kaya tumayo ako, kinuha ko yung mga gamit ko at tumakbo palayo doon sa canteen at iniwan si Jackie.







*****

Araw-araw lagi akong sinusundan ni Jackie. Hindi ko maintindihan sa babaeng to. Lapit padin ng lapit sakin despite of what happened to us 4 months ago.

Oo. 4 months na pero di ko parin siya masyado pinapansin. Hinahayaan ko lang ang bruha na umaaligid sakin. Mabuti na to para alam ko din lahat ng ginagawa niya. At mabuti na to para hindi niya isiwalat ang sikreto ko na sikreto na naming dalawa dahil sa pangba black mail niya sakin para maging mag best friends daw kaming dalawa.



Nung december break nagulat nalang ako nung bigla siyang pumunta sa bahay namin. Like at the back of my mind i'm telling this b*tch "what.are.you.doin.here?" Pero di ko sinabi dahil andito si mom and dad at mahahalata nila na baklushi ang anakshi nilang napaka pogi.


Bumalik ako sa higaan at nagkunwaring nagtutulug-tulugan.

Someone knocked and opened the door.

"Anak! Baba ka muna. May bisita ka. Maganda ha. Don't tell me may girlfriend ka na?" Si daddy pala.









Umarte akong naalimpungatan "Dad naman... Stop it. Who is she? I don't recall someone I invited to come over."






"She said she's your best friend."

"Tell her to go home dad. I'm not feeling well right now."



"Fine then. I'll tell her." Tapos narinig ko ng sinara ni dad yung pinto. Hindi nalang ako bumangon ulit ng hindi ko makita pagmumukha nung babaeng self-proclaimed-bestfriend ko daw. Apaka kulit. Naiimbyerna ang cells ko sa kanya.







Pumikit nalang ako. Ipapahinga ko nalang to. After ilang minutes narinig kong bumukas ulit ang pinto. Ang kulit naman ni dad.







Narinig kong pumasok si dad. Pero bakit di siya nagsasalita?

Nanatili lang akong nakapikit. Nakikiramdam.




"Ay putspa!" Nagulat nalang ako ng marinig ko ang boses niya na parang nagulat. Pero mas nagulat ako nung bigla nalang syang natumba sa ibabaw ko kaya napamulat ako ng makita na kakaunti nalang ay magkakadikit na ang mga mukha naming dalawa. Shit! Hindi pwede to.





Dali dali ko siyang tinulak at.. Blaaaag! Nahulog siya sa sahig. Taena. Ambigat. Baboy talaga eh.



Naupo ako. "What brings you bere Ms. Gonzales?" Pilit kong binalik composure ko. Baka mahalata niya na naman na may kakaiba akong nararamdaman.



"Eto naman. Di mo man lang ba ako tutulungan? Sakit ha?"

"Ako nga tong nadaganan mo. Ambigat bigat mo kaya. Baboy ka ba nung past life mo? Feeling ko nabasag yung mga buto ko sa katawan." Sabi ko sa kanya ng may halong pang aasar.








"Makapagpost nga sa fb ng announcement. 'Campus crush na si Vincent Valdez isa palang bekilou?"




"Subukan mo lang at magpopost din ako sa fb ng 'Isang babaeng nagngangalang Jackie Gonzales nabuntis ng sinasabi niyang bekilou." Kinilabutan naman ako sa sinabi ko. Kakadiri yung thought na yun.

Kung Hindi Rin Lang IkawWhere stories live. Discover now