How It All Started

14 1 0
                                    


Infairness ha. Yung salitang BESTFRIEND kanina pa paulit ulit sa utak ko ha. Apektado much?

Naguguluhan kayo ano?

Ako din eh. Naguguluhan ako.

Bakla ako eh? Pero bakit ganito? Unti unti na bang tumutuwid ang landas ko?

Iba ka din Jackie eh? Red horse ka ba? Lakas ng tama mo sakin girl!

"O sya bestfriend. May movie date pa kami ni Babe.. thank you dito sa regalo mong cake ha? I love you baks! Mwah!" Sambit ni Jackie sabay yakap sakin ng mahigpit bago sila umalis ng jowa niyang may bakod ang ngipin na ang sama ng tingin sakin. Gwapong gwapo ka sakin natatakot kang maagaw ko yang jowa mo?


Oo. Gwapo nga ako. Mas gwapo pa sayo. Pero ikaw naman nagustuhan ng bestfriend ko.

Wala eh. Bakla nga kasi ako. At bestfriend ko yang girlfriend mo. Pero di ko naman inaasahang mahuhulog pala ang puso ko sa kanya eh. Punyeta namang puso to. Bakit? Bakit ngayon pa?


*****












Since first year high school classmates kami ni Jackie. Hindi talaga ako pala salita kahit na you know.

Prim and Proper ang peg ng lowla niyo. Madalas napapalibutan ako ng mga babae sa classroom. Isa ako sa mga tinaguriang campus crushes. Gwapo nga kasi ako kahit na ang puso ko ang sigaw ay Darna!




Naiimbyerna na nga ako kasi araw araw nalang palaging ganito. Palagi silang nakapalibot sakin na para bang takam na takam sila sakin. Minsan nakakatakot din.


Meron pang mga taga ibang section na dumadayo sa classroom namin masilayan lang ang kagwapuhan ko. May nagpapapicture. May nagpapa-autograph.
Artista lang ang peg.







Ang hindi nila alam... mas bet ko talaga yung mga gwapo eh. Mas bet ko yung mga kasamahan ko sa campus crushes. Lima kaming mga tinaguriang mga gwapo sa school. Kasama daw ako pero sobra ang ya-yummy talaga nila! Shuta!




Si Gregg at Stephen gwapo... pero lalo na sina Ion at Eris. Nakakasama ko din sila sa basketball. Akbay akbay. Masaya. Kahit bakla ako sporty padin ako noh. You go girl!

Minsan nga nung foundation day ng school namin, may isang org na nagbebenta ng mga pictures naming mga campus crushes. Mga vaklang twoh! Pinagkakitaan pa mga mukha namin. Asan porsyento namin jan?



Inutusan ko nga yung si Ate Sabrina ko na bilhan ako ng pictures ni Ion at Eris. Eto namang si ate dahil love na love ako at sa isang school lang din naman kami pumapasok ay binili niya iyon para sa akin. All out support yan palagi sakin eh. Siya lang din nakakaalam na ganito ang gender orientation ko.




Tuwang tuwa talaga ako dahil sa wakas kahit wala sa school ay makikita ko na palagi mga crush ko kahit sa picture lang. Nilagay ko pa sa tagong compartment ng wallet ko yung pictures nila para hindi mahalata ng iba pag kunwari kukuha ako ng pera pero yun pala sinisilip ko mukha ng mga inspirasyon ko.

Landiiii! Hahahahahaha!




Pero one time. Habang kumakain ako sa canteen pasimple ko na namang tinignan yung pictures nung dalawa kong crush ng biglang may umagaw ng wallet ko. P*nyeta!



"Aha! Ano to Mr. Valdez!" Sabi nung babaeng kumuha ng wallet ko with my greatest treasures. Shuta! Nakita niya!

"Ano bang sinasabi mo? Sino ka ba? Ibalik mo nga yang wallet ko!" Pag mamaang maangan ko.



"Si Ion to at Eajxosldbalajdbsu" hindi niya na natuloy yung sinasabi niya dahil sinalaksakan ko yung baon kong hotdog sandwich sa bibig niya.


"Sis. Ano bang gusto mo para tumahimik lang yang bibig mo?" Nagulat ata siya nung tinawag ko siya ng sis. B*tch please. Hahaha.

"Gvstoh Kho... lang..." napahimas nalang ako sa sintido ko kasi sobrang balahura ng babaeng to. Sinasagot yung tanong ko habang nanguya nung hotdog sandwich.

"Will you please finish your food first?" Naks! English?








Matapos niyang lunukin yung sinalaksak ko sa bibig niya ay kinuha niya naman yung favorite chuckie na drinks ko at ininom ito. Tapos dumighay na talo pa yung Baka. Like, spell B-a-b-o-y?!




"Jackie nga pala." Sabay abot nung kamay niya. Tapos sabi niya... "I wanna be your bestfriend! That's all it takes to make my mouth shut!"


Nanlaki yung mata ko ng biri biri wide. Ibang klase ang babae ito.

May saltik ba to sa ulo?

"Sira ulo ka ba? Nagda-drugs ka ba?"




"Hindi. Gusto lang kita maging kaibigan. I barely know anyone here. First year problems. And then you caught my eye. Pero wow ha. Hindi ka pala straight. Wiw. Ang gwapo mo namang bading! Amazhjnfndhng!" Dire diretso niyang sabi.

Sinalaksakan ko tuloy ulit ng hotdog sandwich. Ang daldal eh.

"Oo na! Oo na! Shut up na okay? It's a secret dear bestfriend! Understood?" Iritable kong sabi.


Tuwang tuwa naman ang bruha kaya napatalon nalang ito at napayakap sakin...



Dugdug.. dugdug..

Great. Just great.

Bakit ako?

Kung Hindi Rin Lang IkawWhere stories live. Discover now