The Birthday Wish

22 1 0
                                    

Sa panahon ngayon, hindi natin masasabi kung ano ba talaga ang totoo at hindi totoo.

Hindi natin agad malalaman kung alin ba talaga ang tama, alin ba ang mali.

Kailangan muna natin maranasan o pagdaanan ito bago natin mawari kung ito na ba talaga ang tamang sagot sa oo o hindi.




Kagaya ko. Sa araw araw na binigay ng Diyos sa mga buhay natin... sobrang nangingibabaw palagi ang kagwapuhan kong ito. Sa ganda ng tindig ng katawan, sa pormahan na akala mo ay may pa-fashion show palagi at sa pananalita kong makalaglag panty. Hindi maiiwasang maagaw ko palagi ang atensyon ng lahat ng madadaanan ko. Ang bango bango ko pa. Makinis at maputi pa. Tapos... ah basta... Kayo na magdesisyon kung ano nga ba talaga ako para sa inyo. Ewan ko nga sainyo. Bakit ba tayo andito? Buti napadaan kayo?

***
"Ano ba ang hiniling mo ngayong birthday mo?" Tanong ko kay Jackie matapos niyang hipan ang kandila sa birthday cake na binili ko para sa kanya.

Andito kami ngayon sa ilalim ng puno na palagi naming tinatambayan dito sa school grounds. Birthday kasi ng bestfriend kong 'to.

"Ako?"

"Hindi! Ako! Ako yung may birthday talaga!"

Sinabunutan nga ako ng gaga.

"Ikaw talaga! Di pa nga ako tapos magsalita. Singit ka naman agad ng singit." At nagpout pa ng lips ang bruha.

Di ko namalayang napatitig na pala ako sa mapupula niyang labi. Jackie naman kasi may pa-pout pout pang nalalaman. Ugh!

Tapos hinampas nya naman ako sa braso. Amp! "Hoy! Vicente! Nakikinig ka ba sa'kin? Tanong ka ng tanong tapos mag space out ka lang naman pala." Kanina pa pala siya nagsasalita at sinasagot ang tanong ko ng mapansin niyang hindi naman pala ako nakikinig sa kanya.

"Maka Vicente ka naman ha! Ginawa mo na so old my name bruha ka! It's Vincent for Goodness sake! At makahampas ka naman wagas! Hindi to hazing uy! Pasalamat ka birthday mo. Kung hindi matagal na kitang inginudngod jan sa birthday cake mo!"

"Tse!" Busangot niya. Pangit naman this gorl. Hehe. Joke lang.

"Hahaha!" Natawa nalang ako. Pikon talo. "Ikaw naman girl, so ano nga wish mo? Sorry naaaa. T_T Eto na
Makikinig na poooo." pagsusuyo ko sa kanya using my oh so beautiful este handsome face. Dalagang Pilipina.. este... Binatang Pilipino. Yeah!

Hindi naman nakatiis ang bruha. "Enebe keshe.. uhm. Yung wish ko ngayong birthday ko ay hindi naman para sa akin talaga." Parang sira.

"Ha? Sana sinabi mo agad. Para binigay ko nalang 'tong birthday cake mo sa taong pinaglaanan mo ng wish mo." Sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Alam mo panira ka talaga. Pero alam mo yung wish ko para talaga sayo." Nagulat naman ako sa sinabi niya pero biglang nakaisip na naman ako ng kabulastugan kaya kinuha ko yung cake niya.

"O saan mo yan dadalhin? Akin yan! Binigay mo na sakin yan ha?"

"Kukunin ko na sayo tutal para saakin din naman wish mo."

"Hahaha. Ewan ko sayo bakla! Sakit mo sa ulo ng biri biri layt! Pero pwera biro. Yung wish ko... Sana ay maging happy ka palagi. Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo..."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot lalo na nung ipagpatuloy niya yung wish niya na para daw sa akin.

"...at sana mahanap mo na yung magpapasaya sayo at sa puso mo."

Sasagot na sana ako ng may bastos na biglang humawak sa mga kamay niya at iniharap siya nito sa kanya at hinalikan mismo sa harap ko. Matapos ang nakakadiring pangyayari tinignan siya nito mata sa mata at binati siya nito ng "Happy Birthday Babe!"

Babe daw. Mukha bang baboy si Jackie? Babe in the City lang? Ganoine? Sabagay. Baboy naman talaga kumain yan si Jackie. Gandang babae pero balahura din minsan eh. Sabay kasi kami palagi kumain sa canteen tuwing recess at Lunch.

Eto namang si Jackie kilig na kilig sa boyfriend niyang si Dominic daw. Ni wala ngang regalo sa kanya. Kiss lang?! Kinilig na?! Pwe!

Sa wakas at humarap na sila sa akin. Like hello? Kanina pa ako andito?

"O sya bestfriend. May movie date pa kami ni Babe.. thank you dito sa regalo mong cake ha? I love you baks! Mwah!" Sambit ni Jackie sabay yakap sakin ng mahigpit bago sila umalis ng jowa niyang may bakod ang ngipin na ang sama ng tingin sakin. Gwapong gwapo ka sakin natatakot kang maagaw ko yang jowa mo?

Vaklang twoh!



Infairness ha. Yung salitang BESTFRIEND kanina pa paulit ulit sa utak ko ha. Apektado much?

Naguguluhan kayo ano?

Kung Hindi Rin Lang IkawWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu