Chapter 13: Instant Girlfriend

958 13 10
                                    

Cheska's POV

Patay! Pinagtitinginan nila akong dalawa ngayon. Bakit ba kasi napaka-chismosa ko?! Dali, Cheska! Isip ng palusot! Dali!

Cheska: Ahh -- CR lang.

Stef: Oh, nga pala, kanina pa kita nakikita pero I still don't know you. I'm Stef nga pala, and you?

Sasagot na sana ako kaya lang tumayo si Lorence. Naninibago ako sa ngiti niya ah. Ngiting-ngiti siya habang papalapit sa'ken... at inakbayan pa ako!

Lorence: Onga pala, Stef. I would like you to meet Cheska...

Tugtug...

Tugtug.. Why do I have this feeling na may sasabihin siyang kakaiba? 

Tugtug.. Bakit? Bakit?

Lorence: .... My Girlfriend.

Stef: Girlfriend?

Cheska: Girl.. GIRLFRIEND?!

Lorence: Yes? 'Di ba? Ano ka ba, 'wag kang mag-alala. Si Stef lang 'yan. Naikwento ko na siya sa'yo, remember?

Stef: Ow.. So totoo nga ang sinasabi ni Marco!

Cheska: H-ha?

Stef: He told me you're currently smitten. Sorry, Cheska ha? I was not able to introduce myself a while ago.

Cheska: O-okay lang p-pero...

Lorence: Stef, sandali lang ah. Bibili lang kami ni Cheska ng pang-merienda natin, dyan lang sa malapit. Sandali lang talaga.

Stef: Oh, sure. Go ahead.

Lorence: Tara, Bebs!

Cheska: B-Bebs?!

Pinandilatan niya ako ng mata! The heck 'tong taong 'to! Humanda ka sa'ken! Hinila niya ako palabas at nang medyo lumayo-layo na kami sa bahay ay nagpumilit na akong bumitaw.

Cheska: Bitawan mo nga ako! Ano na naman 'to ha? Lorence?!

Lorence: Cheska ---

Cheska: 'Wag kang magsalita! Sira ka ba?! Anong girlfriend?! Kailan mo pa ako naging girlfriend?! Bakit ka nagsinungaling? Bakit mo na naman ako dinamay?!

Lorence: Kasi ---

Cheska: Shut up! Ikaw, sumusobra ka na eh!

This time, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Wala akong pakialam! Sa sobrang galit ko, gusto ko siyang patayin!

Cheska: Una dinala mo ako dun sa party! Tapos ininsulto mo pa ako! Tapos ---

Lorence: Ano ba?! Pa'no ako sasagot kung ayaw mo akong pagsalitain!

Napatigil ako. Sobrang lakas ng boses niya na halos lahat ng tao sa paligid napapahinto dahil sa aming dalawa.

Cheska: Eh kasi ikaw --

Lorence: Isa pa! Let me explain, okay?

Okay. Okay. Medyo nahimasmasan na rin ako. Okay, let him explain, Cheska. Let him explain. Later, sayong-sayo na siya. Mapapatay mo na siya buong-buo!

Lorence: Tara, dun tayo. Dami ng tao dito. (Sabay hila sa kamay ni Cheska)

Dinala niya ako sa may sulok. At dun, binitawan na niya ang kamay ko.

Lorence: Look. I want to ask this very important thing from you.

Cheska: Ano na naman 'to?

Lorence: Cheska... We've both made mistakes, 'di ba? We both violated the contract. And the blame is not only on me. We are both part of this.

For The First Time (Krisjoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon