Chapter 33: Unofficially Mine

807 15 7
                                    

Lorence's POV

Hand in hand, we walked our way back to UST. Yes, naglakad lang kami pero syempre hindi galing MOA. Napudpod na siguro yung mga paa namin. Pero syempre hindi ko hahayaan 'yun. I'll rather lose my feet kaysa mapudpod ang paa niya. Bubuhatin ko na lang siya. Hahaha. Corny ko. Pero sana, hindi na matapos 'tong araw na 'to.

Lorence: Cheska...

Cheska: Hmm?

Lorence: May gusto sana akong itanong sa'yo eh.

Cheska: Ano 'yun?

Lorence: Ahh --- Kasi ---

Cheska: Ano ba 'yun?

Lorence: W-wala. Wala 'yun. Tara na.

Cheska: (Napatingin sa kamay sabay bumitiw) Ahh -- Ano... Lorence, dito na lang ako.

Lorence: H-ha? Hindi (sabay hawak sa kamay ni Cheska), ihahatid kita sa inyo.

Cheska: Mukhang pagod ka na kasi eh.

Lorence: Hindi nga. Tara na.

Cheska: Lorence, 'wag na. Gabi ka na naman makakauwi.

Lorence: Wala akong pakialam. Gabi na kung gabi. Ba -- basta --- Basta kasama kita --- O - o -- okay lang sa'kin.

We were looking at each other's eyesand I knew that by that moment, alam niyang seryoso ako.

Lorence: Ayaw mo ba akong kasama? Kasi --- kasi ---

Cheska: Oh, tama na. Nagdrama ka na naman. Oh sya, ihatid mo na ako.

Lorence: Yes!

She smiled at me and I gave her a big grin. I grabbed her closer to me so no one would ever take her away from me. Kahit pagtawid eh magkadikit kami. Hindi uso ang space. Hahaha! Kahit sa kotse, I see to it na nahahawakan ko parin ang kamay niya. Pabiro niyang nilalayo kasi natatakot siyang ma-out of balance ako sa pagmamaneho. But still, I was holding her hand while my other hand controls the steering wheel. I just love being with her. Ewan ko ba. Ang lakas ng tama ng gayuma nitong babaeng 'to sa'kin!

End of Lorence's POV

Pagkarating sa bahay ng mga Ramirez, agad bumaba ng sasakyan si Lorence para pagbuksan si Cheska.

Cheska: Nuks! Gentleman ah! Kaya ko naman eh.

Hindi na nakipagtalo pa si Lorence. He just held Cheska's hand and walked her towards the gate.

Cheska: Tara, pasok ka.

Lorence: Di na. Baka nagpapahinga na sina tita. Pasok ka na.

Cheska: Sigurado ka ba?

Ngumiti lang si Lorence. At nang bibitiw na sana si Cheska, hinigpitan pa niya lalo ang hawak dito.

Cheska: Oh. Bakit?

Lorence: Salamat ha?

Cheska: Salamat sa'n?

Lorence: Sa... sa araw na 'to. I enjoyed it. Kung pwede lang sanang ---

Cheska: Kung pwedeng ano?

Lorence: Wala -- wala. Ahh, ano. Sabi ko pumasok ka na.

Cheska: Sige. Goodnight.

Lorence: (Hindi pa rin binibitawan si Cheska) Teka.

Cheska: Ano ba? (Nangingiti) Umuwi ka na nga!

Lorence: Grabe, pagtabuyan raw ba ako?!

Cheska: Arte mo! Uwi na! Tsupi!

Lorence: Tss. Oo na! (Naglakad na papunta sa kotse)

For The First Time (Krisjoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon