Chapter 6: Their First Love

1K 15 5
                                    

Cheska's POV

Pagdating ko sa bahay, may pagkain na sa mesa. Mukhang nakauwi na si Lorence. Ang tanong, sa'n siya nanggaling?! Buong araw siyang di pumasok. Kakatok na sana ako sa pinto niya nang bigla niyang binuksan 'yung pinto. Nagulat tuloy ko.

Cheska: T-tara. Kain na tayo.

Hindi pa rin siya nagsasalita. Habang kumakain, pinipilit ko syang kausapin.

Cheska: Hmmm, ang sarap nito ah!

Hindi pa rin siya sumasagot.

Cheska: Kaso parang ang alat. Bakit mo inaasinan ang noodles?!

Hahahaha. Ang sama na ng tingin niya sa'kin.

Cheska: Joke lang. Joke lang. Ikaw naman kasi, ang tahimik mo eh.

Hindi pa rin nagsasalita si Lorence.

Cheska: 'Pag kinausap mo ako, sasabihin ko sa'yo 'yung assignments.

Lorence: Mukha bang may pakialam ako?

Cheska: Ha! Nagsalita ka rin sa wakas!

Lorence: Tumahimik ka na nga lang.

Cheska: Alam mo, dapat nakangiti ka lagi eh.

Lorence: Ha?

Cheska: Kasi lagi kang nakasimangot! Ngumiti ka naman. Kahit konti.

Hindi ulit siya sumagot.

Cheska: Sorry pala kagabi ah.

This time, tumingin na siya sa'kin.

Cheska: Sasabayan na kitang kumain. Promise.

Lorence: Sanay naman akong walang kasabay eh.

Cheska: Eh di wag.

Lorence: Pero kung... kung gusto mo... pwede naman.

Cheska: Asus, pakipot ka pa. Gusto mo naman pala eh.

Lorence: Ang sabi ko kung gusto mo. Hindi ibig sabihin, gusto ko!

Cheska: Oh, chill lang. Masyado ka namang defensive eh.

Hahahaha. Nakakatawa talaga 'tong tao na 'to! Napaka-mainitin ng ulo. Pagkatapos namin kumain, tinuruan ko siyang gawin 'yung assignments. Bakit ba naman kasi hindi siya pumasok eh!

Cheska: Bakit ba hindi ka pumasok? Nakita naman kita kanina sa may Lacson.

Lorence: May dinalaw lang ako.

Cheska: Sa'n? Sa sementeryo?!

Nagbiro ako. Parang ang seryoso niya kasi.

Lorence: ...Oo.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso pala talaga siya.

Lorence: Death anniversary kasi ni Mommy.

Cheska: Sorry. Hindi ko naman alam eh.

Lorence: Okay lang.

I feel sorry for him. Wala na pala siyang Mommy. Kaya pala parang naligaw yung landas ng taong 'to.

Cheska: Kilala mo ba si... si Aaron?

Aaron: Bakit mo natanong?

Cheska: Kanina kasi... nakita ko kayo ---

Aaron: What did I say? Di ba sabi ko walang pakialamanan? Rule no. 1, Cheska. Privacy.

Tumayo siya bigla at pumasok sa kwarto. Nag-iba yung mood niya nang binanggit ko si Aaron. Ano ba talagang problema? Na-curious lang naman ako eh. Haaay, in the end, ako pa rin angmali. Haaay, Cheska. Ikaw na nga 'tong concerned, ikaw pa ang nasigawan! Concerned? Sa'n nanggaling 'yun? Hindi ako concerned sa kanya noh! Makatulog na nga lang!

For The First Time (Krisjoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon