“Sayo lang e.” sabi ni Leila. Tumawa lang si Aaron sa sinabi ng dalaga. “O siya, dinner tayo. Treat ko at ayusin mo na sarili mo ha. Bisitahin natin si  Lara bukas.”

Hindi sumagot ang binata. It was not necessary. Gusto niya.

                Alas singko pa lang ng umaga ay gumayak na ang dalawa pabalik sa probinsya. Aaron was afraid while Leila is more worried for the two. Kailangan nilang makapunta na ang bantay lang ay ang bunsong kapatid ni Lara para makita ni Aaron ang dalaga. Then Aaron slept to make up for the sleepless nights he had for the past week.

                Aaron did not know if they are way too fast since they got there in less than two hours. He was relived to see that the hospital room is just like a normal room. Napanganga lang ang binata sa kanyang nakita: Lara was sitting on her bed, waiting for him. Tumakbo siya papunta sa kanyang girlfriend.

                “Sorry.” Sabi ng binata. Napansin ni Lara na nangangalumata ang binata. “Patakas akong pumunta rito. Alam kong hindi na ako papayagang makipagkita sa iyo.”

                Ngumiti naman si Lara sa sinabi ng binata. Hinalikan nito si Aaron sa noo.

                “Magpahinga ka. Ang payat mo na. Hindi ka nagkakain ano?”

                “Kumusta na? Ayos ka na?” Hindi na nadugtungan ang sinabi ni Aaron nang mapansin niya ang benda sa ulo ng dalaga. Umiyak na lang ito.

                “Ayos naman. Medyo masakit lang ang ulo ko Aaron. Ang lakas pala ng impact. Para kang nabundol.”

                “Sorry.” Sabi ng binata. Hindi siya sinagot ng dalaga – as if wanting him to say more. Gusto niyang marinig ang boses ni Aaron.

                “Mahal pa rin kita. Pero ang laki ng mali ko e. Humanap ng lalakeng di ka sasaktan tulad ng nangyari sa iyo kahit na pakiramdam kong ako na ang pinakamasamang lalake sa mundo. Sa ngayon. Isang linggo na akong lasing at walang tulog. Hindi ko matanggap na ganon lang ang katapat ng tatlong taon nating pagsasama e.”

                Medyo lumungkot ang mukha ng dalaga. Pero alam niyang iyon ang tama na gawin. Masyadong malala ang nangyari sa kanila para magsimula muli bilang magkasintahan. Lara took all her courage to ask him a question.

                “Totoo ba? Na ikaw at - ” hindi kayang ituloy ni Lara ang kanyang tanong. Tumango lang ang binata bilang tugon sa dalaga. Ngumiti si Lara sa tapat na tugon ni Aaron.

                “Malaya ka na. Mas maganda na irestart na tin kung ano mang meron tayo.”

                “Can we be friends?”

                Hindi kaagad sumagot si Lara.

                “May naisip akong mas bagay sa iyo.” Sabi ng dalaga saka tinitigan si Leila na kanina pa nakatingin sa kanila. “Hindi ko pa kaya pero give me time. Sobrang sakit e. Parating na rin sina Papa.”

                “This will not be the last time we see each other right? Mahal pa rin kita Lara.” tanong ni Aaron sa dalaga. Ngumiti lang ng malamlam si Lara.

                Biglang naalimpungatan si Aaron sa mga kalabit ni Leila. He was perplexed to Leila’s expression. Umiiyak na ang dalaga.

                “Wala na si Lara.”

                “Ha? Kausap ko lang siya kani- Oh shit.” Saka naalala ni Aaron na nasa bus pa lamang sila at wala pa sila sa probinsya. It was just a dream. “Nakausap ko siya e.” saka niya inakap si Leila.

Black BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon