Clean

37 3 1
                                    

AUTHOR’s NOTES: Salamat sa lahat ng nagbasa.

Chapter 6 – Ending

Clean

                Aaron has nowhere to go back – his girlfriend will already abhor him to the depths of hell if she survives a suicide attempt, Leila is now his enemy and that darn Kristoff turns out to be the biggest bastard to exist in his life. That’s what he is thinking.

                The wintry November night didn’t help him either. Lalo niya lang naiisip na mag-isa na siya. It has been a week since he left Lara then knew that Kristoff only trampled on his feelings. Isang linggo na rin siyang lasing at isang linggo na rin niyang gustong iuntog ang sarili niya sa pader sa pagbabakasakaling panaginip lang ang nangyari sa kanya. Nasa lumang building pa rin siya, hoping that any of the three would show before him. Nang mapagtanto ng binata na walang kakausap sa kanya, dumukmo na lang ito saka umiyak ng umiyak.

                “Nasira na buhay ko. Wala na.” sabi na lang ng binata habang umiiyak nang tahimik. Those silent weeps turned to loud wails as he cannot contain the pain anymore. He thought that was the worst time to be alone. Mga ilang minuto pa ang lumipas at naging hikbi ang kanyang pag-iyak. Then he heard footsteps coming near him. Nilingon niya ang taong papalapit sa inya. Umiyak muli siya.

                “Lei?”

                Nginitian lang siya ng dalaga kahit malungkot pa ang mga mata nito saka nito tinabihan ang binata. Si Aaron naman, isinandal ang ulo sa balikat ng dalaga.

                “So…rry na. Sorry…na. Sorry na. Sorry Lei. Dapat nakinig ako sa iyo e.”

                Umiling lang ang dalaga saka nginitian si Aaron. Hinimas nito ang buhok ng binata. She noticed it was grufflier than usual.

                “Aaron, kung mawawala ka pa e paano na ako ay. Wala na akong kaibigan.” Maikling tugon ni Leila.

                “Sana mapatawad mo pa ako.”

                “Wala na e. Pinatawad na kita. Nagdusa ka na rin sa ginawa mo. Sorry rin.” Saka yinakap ng dalaga si Aaron. Umiiyak na rin ito.

                “Si Lara? Kumusta na?”

                Hindi nakasagot si Leila. Hindi niya kayang sabihin sa binata na hindi man namatay sa tama ng baril ang dalaga ay hindi na nila alam kung kalian ito magigising. Lara’s family is being torn on pulling the life support system from her or keeping her alive even if her chances of being awake and be well are extremely slim. They are cursing Aaron for causing Lara to kill herself.

                Naintindihan ni Aaron ang gustong ipahiwatig ni Leila. Hindi ito tumugon, sa halip ay nagbuntong hininga lamang siya. Napansin ng dalaga na nangangalumata ang binata. Tinubuan na rin ito ng bigote at balba.

                “Aaron. Fix yourself. You’re better than this. Ipagdasal na lang natin si Lara. Kaibigan pa rin kita. Tarang kumain?”

                Ngumiti lang ang binata saka tumayo. Inaalalayan nito si Leila sa paglalakad.

                “Gusto ko makausap muli si Kristoff. Hindi dahil sa gusto ko. Tangina. Gusto ko nang putulin kung ano mang meron sa kanya at sa atin. At sana… sana maging okay na si Lara. Gusto kong makipag-ayos sa kanya.” Ramdam ni Leila ang galit sa boses ni Aaron. Alam ng dalagang maling gumanti pero kung iyon lang ang makapapagpakalma kay Aaron ay hindi niya na ito babawalin.

Black BloodWo Geschichten leben. Entdecke jetzt