Chapter 2

18 1 0
                                    

💀 2nd post

Kumusta readers? Kung meron man.

May idadagdag na naman akong impormasyon na alam ko sa mga bampira.

Hindi ka basta-bastang macocontrol ng isang bampira.

It’s still based on their intentions.

Hindi porket kinausap o kinantahan ka na nila makokontrol ka na nila.

Pero mag-iingat pa rin kayo dahil vampires are the masters of deceiving.

Beware folks.

Till next time.

Signing off.

.Secret Filer.

💀

💀 Chapter 2 💀

Lunes, malapit ng magalas dyis ng umaga.

Isang normal na araw sa isang mansion sa isang exclusive na subdivision.

Beyond the gates, matatanaw mo na ang mga katulong na nagtsitsismisan, mga batang naglalaro, mga asong palaboy laboy , mga mamahaling kotseng padaan daan…

Maganda ang panahon, mataas na ang araw, makikita mong napakapeaceful ng paligid, yung tipong walang bagyong darating. Maaring sa kadamihan wala, pero sa isang tao, parating  na ang pinakamalakas na bagyong mararanasan nya…SWEAR…

***

▶insert lyrics lonely

Baby I’m so lonely lonely lonely lonely…eh eh…

Ang sarap sa feeling nang naiilabas mo yung mga nararamdaman mo.

 Ang sarap sa feeling na nasasabi mo yung mga nararamdaman mo… kahit walang nakikinig.

Kahit sa kanta lang…

Dito sa kwarto ko, nagagawa ko lahat ng gustuhin ko… pwede akong kumanta kahit gaano katagal…kahit malatin pa ako … basta hindi nila maririnig ang boses ko… simula ng mangyari yung aksidenteng yun hinding-hindi na ulit ako kumanta sa harap ng maraming tao… hinding hindi ko na gagawin… hindi ko na kaya…

Lumapit ako sa may bintana ko. Hinawi ko ang kurtinang nakatabing.May mga batang naglalaro, may mga asong naghahabulan, at may mga katulong na nagchichismisan. Ang saya nila…  Naiingit ako sa kanila…

Wala akong kapatid… ang meron lang ako… isang bestfriend… nasanay na akong kinukulong ang sarili ko sa kwarto ko, nilalayo ko yung sarili ko sa ibang tao. Pero kahit na ganun, sya lang yung nakakintindi sa akin. Alam nya lahat lahat tungkol sa akin. Hindi ako makalabas ng bahay ng wala sya at lagi syang nandyan para sa akin… Pero wala sya ngayon at naiinis ako sa kanya.

Kinuha ko yung cellphone ko - pinangalanan nyang Sparkly yung cellphone ko-at tinignan…

“Wala ka pa ring text? Hanggang kalian mo ba ako dedeadmahin ?”

Napabuntong-hininga na lang ako at kinausap ko ulit yung cellphone ko.

“hindi ka pa rin ba babalik? ubos na yung dahilan ko para magstay dito sa bahay. Nadahilan ko na lahat, migraine, headache, toothache, stomachache, dysmenorrhea, broken heart… wala na akong maisip. Ano na namang idadahilan ko? Alam mo namang di ko kayang pumasok ng wala ka. Miss na miss na kita sis.”

ConcessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon