Chapter 1

20 1 2
                                    

August 8, 2014

1:48 am

Sa isang madilim na eskinita malapit sa mga nagtataasang condominium sa lungsod.

Hingal, mga yabang ng paa, mga putok, mga naglalaglagang gamit, mga sigawan…

Sa mga normal na tao, pwede nilang isiping may nangyayari lang na habulan dahil may hinahabol na magnanakaw ang mga pulis; kaya pwede din nilang isiping may nagshooting na sikat na artista sa lugar na yun. Para sa mga NORMAL na tao…

Pero sa amin… importante ang mga operasyon na ganito…

Napaka-importante…

***

Hingal na hingal na ako. Kanina pa ako tumatakbo. Napakahirap talagang habulin ng mga katulad nila. Masyadong matitinik. Masyado silang mabibilis, hindi naman sa hindi kami handa pero, ewan ko ba sa tuwing tutugisin naming yung bampirang yun lagi na lang nakakatakas. Masyado  syang mautak. Tsaka sa lahat ng bampirang naencounter ko. Sa kanya ako inis na inis masyadong feeling pogi, di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya, mas matangkad nga lang sya.

Napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko, namamanhid na yung mga tuhod ko. Muntikan ko na syang mahuli! Konti na lang, nahawakan ko na sya kanina eh. Tsk!

Muntikan na akong mabingi ng biglang sumigaw yung tao sa may earpiece ko.

“SOL! SOL! Sumagot ka! Naririnig mob a ako!!! Buhay ka pa ba!!! Anong nagyayari?!!”

“DLITE!!! Hindi mo kailangang sumigaw! Muntikan na akong mabingi! Bakit ba?May balita ka ba?”

“Buti naman! Akala ko patay ka na!”

“Buhay pa ako!”

“Akala ko kung anong nagyari sa iyo bigla ka kasing tumigil.”

“Bawal bang magpahinga? Nakakpagod naman na kasing tumakbo! Kanina pa nating alas dose hinahanap yan, kanina pa rin ako takbo ng takbo! Subukan mo kayang ikaw naman ang nandito sa field minsan tapos ako yung paupo-upo lang sa van.”

“a-a-a ayos lang ako dito. Okay na ako sa van, I’m perfectly fine!”

“o anong balita? Nakikita mo pa ba yung bampira?”

“Hindi na pero nalolocate ko sya gamit yung nilagay mong tracker.”

Napangiti ako, sa wakas, mahuhuli na rin kita bampira.

“Nasaan sya.”

“Hindi ko masabi yung exact location, pero siguradong malapit lang sya at tingin ko tumigil din sya. Baka nakikinig sa pinaguusapan natin.”

“Akala ko ba walang palya yung mga CCTV na nilagay mo dito? Bakit di ko sya makita, anong silbi ng paglalagay nun kung di mo gagamitin?.”

“Wala na akong masagap na signal mula sa mga CCTV, yung iba parang ginalaw tapos yung iba parang sinira.”

ConcessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon