21

16.7K 290 14
                                    

Unedited

Ng makalabas ng building ay imbes na gumimhawa ay mas lalong pang napunan ang bigat na nakaambala sa aking dibdib

Pinalis ko bawat luhang naglalandas sa aking pisngi at agad na pinara ang paparating na taxi.

Ng makapasok ay doon ko na pinakawalan ang mga ito na nakakimkim lang sa ilalim ng aking mga mata.

Bawat patak nito ay kay sakit at hapdi. Pinokpok ko naman ang aking dibdib ng sa gayon maibsan naman kahit kaunti ang kirot dito.

Tama na Vaughn! Wag mo na akong pahirapan. Dahil kaunti nalang at baka bibigay na naman ako. Baka susugal na naman ako.

Please! Nakikiusap ako, wag na lang natin pahirapan ang isa't-isa. Go back to where you belong and I'll also stride back to where I used and should be.

"Maam, saan po tayo?" Tila nag-aalinlangan pang tanong ng driver habang pa naka-nakang tumitingin sa rearview mirror.

"S-Sa St. Lukes po manong."

Dumaan ang ilang sandali ay tila kumalma na ang nagraragasa kong emosyon. Pinahid ko ang hilam at natitirang luha sa aking pisngi.

Si Daddy. Ayaw kong makita ako ni Daddy sa ganitong sitwasyon, baka makadagdag pa ako sa sakit niya, sabi pa naman ng doktor na though for recovery na siya komplikado parin ang sitwasyon niya. Bawal ang stress at kung anong negative vibes.

So cheer up Tary. For you and for your daddy. For your family. Kahit para sa kanila na lang. Magpatuloy ka, lilipas din ito.

Tungkol doon naman sa sinabi ng Mama ni Vaughn na hambog si Daddy, maraming nagsasabi pero ang alam ko lang, my father always stick to laws and rights, kaya maraming ang galit sa kanya.

Dahil sinusunod niya ang tama at sinusunod niya ang batas. And as far as I know Daddy is the one who resign from being of there lawyers.

I don't just know what happen to him these past few months at tila nagiba siya, kabilang na nga roon ang pagsusugal niya.

Napailing nalang ako, why it is so easy for people to judge and define who we are, e hindi naman sila tayo.

Ng tumingin ako sa unahan ay nakasalubong ko ang mata ng taxi driver sa salamin. Mukhang kanina pa ito ganito.

"Ah.. Manong bakit po ba kayo tingin ng tingin sa likuran?" Takang tanong ko sa kanya dahil panay ang sulyap niya doon.

"Ah may sumusunod po kasi sa atin kanina pa, itim na mamahaling sasakyan, mukhang kakilala niyo po, panay nga po ang pito. Hindi ko nalang pinansin dahil mukhang hindi niya naman rin pinapansin at tsaka iyak po kaya ng iyak e."

Agad akong napalingon sa likuran dahil pumasok ka agad sa isipan ko si Vaughn dahil siya lang naman ang kilala kung may mamahaling itim na sasakyan.

"Wala naman po ah. Sigurado po ba kayong tayo yong sinusundan?" Turan ko ng walang makita kundi dalawang van at isang jeep.

"Hindi ko din po sigurado e. Pero wala na po, hindi na po sumunod dahil nakabangaan yong ten wheeler truck sa may sakayan." Simpleng saad nang driver na para bang ordinaryong pangyayari lang ang nangyari.

"P-Po!" Para akong inatake ng ilang dosenang kabayo sa aking inuupan at pinatid ng kaba.

Vaughn!

"Pakibalik po..please! Please!" Binging pakiusap ko sa taxi driver habang di na mapakali sa aking kinauupuan.

Dali-dali naman nitong minaniubra babalik ang sasakyan.

SecreTary Where stories live. Discover now