Black and can never go back

Comenzar desde el principio
                                    

“Go with her.” Maikling sabi ni Kristoff.

“Anong nangyare?” That was all Aaron could mutter.

“Natatakot ako.” Sabi ni Kristoff. “Paano kung iiwan mo rin pala ako. O kayo. Aalis na lang ako.”

“Huy. Huwag kang ganyan. Malulungkot si Leila kung maririnig niya yan.”

Hindi siya pinansin ng binata. Umiyak pa rin ito.

 “Andito lang kami oh, Ako. Hindi pa ba ako sapat sa’yo?” biglang nasabi ni Aaron.

Nagulat si Kristoff sa sinabi ng binata. Aaron thought he was cute looking vulnerable. “No, dangerously cute.” Sabi niya sa kanyang sarili. With the thought of the two being alone and being secluded from the rest in the university, nilapitan ng binata si Kristoff. Sinandalan niya ito saka pumikit.

“I am here. Natatakot ka pa rin?” tanong ng binata. Naramdaman niyang mas bumilis ang paghinga ni Kristoff.

Aaron sighed saka hinimas ang buhok ng binata. It was not normally smooth for a boy. He thought of smelling it but he stopped himself from doing so.

“Salamat ha?” Kristoff replied. Aaron observed that he is way too lonely for a typical Kristoff. Inakbayan niya ito. He smiled inwardly. Tiningnan naman siya ni Kristoff.

“Aaron?”

Nagtagpo ang kanilang mga mata. It was like in cliché romantic flicks when two persons meet in the eye and contemplated to kiss. Alam ni Kristoff na nalilito pa rin si Aaron sa sarili niya kaya sa halip na hintayin niya itong humalik ay inunahan niya na ito. He thought he would be disgusted pero hindi pa rin inaalis ni Aaron ang pagkakaakbay nito sa kanya kahit naghahalikan na sila. Napansin din ni Kristoff na tumutulo ang luha ni Aaron. He knew why: hindi na alam ni Aaron ang pagkatao niya.

“Sorry.” Bigla niyang naitulak si Kristoff nang natauhan siya sa ginagawa nila. Kristoff smiled. “Hindi ko na alam.”

Nagpakawala ng buntong hininga si Kristoff saka hinawakan ang mukha ng binata.

“Ayos lang. Not so bad.” Saka ngumiti ang binata. “Nasubukan mo na akong halikan. Kanino ka mas nasarapan? Mamili ka. Hindi puwedeng nasa gitna ka palagi. Mapapagod din akong maghintay sa iyo.” Kristoff made sure he sounded so wounded that Aaron will really be confused as to whom he should choose.

“Hindi ko na alam.” Maikling sagot ni Aaron. He does not know if it it’s hormones but he felt the urge to kiss him again but he stopped himself. Mas mahal niya ang katapatan niya sa girlfriend niya pero –

“Let me kiss you one more time.” Sabi ni Aaron. He said it like he sorely needed something. Bigla nitong sinabunutan si Kristoff saka hinalikan. He seemed to enjoy what they are doing until another image was painted through his mind. It was Lara wearing a night dress, looking at the wallclock habang lumalamig na ang pagkaing inihanda ng dalaga para sa dalawa. Today was supposed to be their monthsary and he promised to go home para maipagdiwang nila ito.

“Bullshit.” Maikling sabi muli ni Aaron. He can see a disgusted Leila in his peripheral view. “Wait.”

“Wala kang dapat ipaliwanag. Makakarating ito kay Lara.” Maikling sabi ng dalaga saka tumakbo ng mabilis. Before Aaron could react, Kristoff embraced him.

“I just wanted to invite her.”  

Aaron realized what just happened. Sa sobrang galit nito ay sinuntok nito si Kristoff sa mukha. Then Kristoff gave him a meaningful smile then embraced him. Aaron thought it was because he wants him to say what he wants to Leila.

Ang binata naman, biglang nagpumiglas sa binata saka hinabol si Leila. Sinubukan niyang tawagan ito pero isang malutong na mura lang ang naabot ng binata sa cellphone nito. He must do something; he ran towards the back gate of the university then went straight to Lara’s place.

It was almost midnight when he reached her house. Today was supposed to be their monthsary pero hindi nakapunta ang binata.

“Oh Aaron? Ngayon ka lang nakabalik? Baka pagod ka?” tanong ng nanay ni Lara. Gusto nang umiyak ng binata sa sinabi ng magulang ng dalaga because he really felt guilty that time.

“Pa…Pasensya na ho. Nasaan po siya?”

“Ang alam ko, nasa kwarto niya. Ang sabi niya sakin pumunta ka na lang doon kapag nakarating ka na. Ang dami niyang hinanda para sa’yo.”

“Salamat po.” Mahinang tugon ng binata. The moment he went upstair ay hindi niya na napigilan ang kanyang sarili, umiyak siya ng umiyak much to Lara’s mother’s wonder. Nag-alangan siyang buksan ang pintuan ng kwarto ng dalaga. He is too afraid to see what’s next. He is sure that Leila told her what happened but he is not certain what will happen if Lara sees him now. Lumunok ang binata saka binuksan ang pinto. Yumuko na lang siya sa hiya, awa at lungkot.

The once tidy room of Lara turned to a mess. Lahat ng pictures nilang dalawa ay punit punit at nakakalat sa sahig, ang hinandang pagkain ng dalaga ay nakatapon na lang sa basurahan at ang dalaga ay nasa isang sulot ng kwarto. While wearing a night gown, nakayuko lang ang dalaga, tila hindi pa rin humihinto sa pag-iyak.

“’Hal.” Sabi ni Aaron. Lara didn’t respond.

“Hal.” Sabi muli ng binata. “I didn’t mean to.”

“Ang akala ko, natraffic ka lang. Naiintindihan ko naman kung sakali mang hindi ka makapupunta e. Busy ka. Maraming kailangang gawin sa course mo. Alam ko iyon.” Said a very distraught Lara. Aaron could literally felt his own conscience engulfing him at that moment.

“Hindi pala. Kaya ka pala distracted this past few days. Kaya pala. Ano? mas  masarap ba ang halik niya kaysa sa’kin?” sagot ng dalaga in between sobs.

He was not wrong. Sinabi na ni Leila sa dalaga ang nangyari. He presumed that the ruckus in her room was caused by that. Yumuko lang lang binata sa hiya.

“Sorry. Hindi ko na alam kasi Lara e.” Aaron said. Biglang napatingin sa kanya ang kanyang girlfriend dahil first time niya siyang tinawag sa kanyang pangalan.

Ang dating malungkot na mukha ni Lara ay napalitan ng galit. She went near Aaron to confront him.

“Sabihin mo nga, hindi mo na ba ako mahal?! May nakita ka na bang mas maganda?! Hihiwalayan mo na ba ako kasi hindi mo ako ma-ikama? Ano?! Ano?!”

                “Hindi ko alam… Hindi ko na alam.” Sabi ni Aaron.

                “May ipapalit ka na sa akin?” sabi ng kanyang girlfriend habang umiiyak. “Willing naman akong ibigay ang lahat sa iyo – pati ang sarili ko.”  Hinawakan ng dalaga ang dalawang kamay ng binata saka inilagay ito sa kanyang dibdib. Si Aaron naman, biglang nagpumiglas sa ginawa ng dalaga.

                “Dahil ba iyan sa lalake mo?! Sumagot ka!” pahiyaw na sabi ng dalaga.

                Hindi makasagot ang binata sa sinabi ng dalaga. Naghalo ang awa sa dalaga at galit sa sarili ang naramdaman ng binata. For once, he wants to bang his head on a wall for him to get a clear view of everything. Si Lara naman, inakap ng mahigpit ang binatang nakatalikod sa kanya habang umiiyak. Aaron didn’t respond.

                “Huwag mo akong iwan. Hindi ko kayang wala ka.” Lara pleaded.

                “Fuck this life. Sorry. Hindi ko na alam.” Sabi ni Aaron habang tinakpan ang sariling mukha gamit ang dalawang kamay. 

Black BloodDonde viven las historias. Descúbrelo ahora