It was Hard

208 9 0
                                    

Sabi nga ni Kuya Kim, sa buhay, weather-weather lang.

May mga araw na masaya ka.

At may mga araw na inaaway ka ng di mo inaanong magulang.

At among the two, now is the latter.

"ANG LAKAS NG LOOB MONG MAGPAKITA SAKIN! HINDI KITA ANAK!"

"Mahal kumalma ka-"

"HINDI! KUNG HINDI DAHIL SA ANAK MO YANG HUDAS NA YAN  EDI MATAGAL KO NANG-"

At mukang hiningal pa ata sya oh.

Ang ingay grabe. Bakit kaya iniiyakan ni Vine ang isang to.

Sa totoo lang, di ko bet ang mga dramang ganito eh.

So where na me. Syempre hindi ako martir. Habang hinihingal yung isang yun sa labas at pinapakalma sya nung kasama nya, lumusot na ko sa loob ng mansion.

Bale sa alaala ni Vine, ang kwarto ng ate niya ay sa 2nd floor sa may pangalwang kwarto katabi ng kwarto niya. Kaya, sinundan ko ang alaalang iyon at dumiretso sa kwarto ni Eva.

Oops. Nakalock. Asan ba ang susi?

Palagay ko hawak iyon nung Mama o Papa ni Vine. Yun lang, mukang mahihirapan akong kunin yun ah.

Dumaan na lang kaya ako sa bintana?

Kaso nga lang...

Sinilip ko ang terrace ng kwarto ni Ate mula sa bintana sa dulo ng hallway. Malayo dito yung terrace nya, di kaya. Kung tatawid naman ako mula sa terrace ng kwarto ko medyo malayo lang kaso...

"Konti pa...isang hakbang na lang at- AAAAAHHHH!"

*BLAG!

🙁 Hindi pwede. Malayo at madulas.

Kung itry ko na lang kaya buksan yung pinto gamit ng pangsungkit... hairpin?

"ANG KAPAL NG MUKA MO!! NINANAKAWAN MO NA ATE MO NGAYON!? WAG KA NANG BABALIK DITO KAHIT KAILAN!"

"VINE! Pano mo nagagawa ito anak?!"

"Ma-"

"WAG KANA MAGPALIWANAG! ITAPON NYO SIYA SA LABAS!"

*BLAG!


Ah 🤦 ang hirap naman. Pano ko ba-

"DIVINA! ANG LAKAS NG LOOB MONG LAYASAN AKO! MAY SINASABI PA AKO SAYONG BATA KA-"

"Pa, hindi na ko babalik dito kahit kailan. Magiimpake lang ako kaya ako bumalik."

"ANO?! AT IKAW-"

"Vine! Paano mo nasasabi yan sa amin ng Papa mo?!"

At 2nd round ng pagkahingal, pagmamasahe ni Mama ng dibdib niya at pagpapakalma para hindi atakihin sa puso itong isa, ganun ang eksena ngayon.

"IKAW! LUMAYAS KA KUNG GUSTO MO! WAG KA NANG BABALIK!"

Sabi niya with matching duro. And ayun... Saka siya umalis kasama si Mama. The two elders of the family. Yung isa nasa 50's palang nakatungkod na at naninigaw sakin kanina at yung isa na nasa 40's na inaalalayan siya. I looked at the man's back and remembered his face full of anger. Despite his age, his former looks could be determined if not for his additional illness.

Right, he was Jullianluca Rodrigo Grant. Former president of the Grant Empire. The man who inherited grandfather's noble vision but not his intellect. He married the love of his life Locereine Curzon, the heiress of Curzon State Constructions Firm.

I sighed, kung may utak ka sana, then all of this tragedy would've been prevented. Remembering his actions earlier I scowled. Actually even Vine's mother's reaction pisses me off.

The heck. Akala ba nila ako yung anak nilang susuyuin pa sila at magkikimi kahit na sigawan at awayin?

Si Vine na magmamakaawa para lang magkasama kayo sa Pasko kahit na alam niyang tatanggi lang din kayo? Bibili ng regalo at babati ng tuwing birthday nyo tapos hindi niyo naman kakausapin? Laging itatanong kila Yaya niya kung kelan hindi na magiging busy ang mga magulang niya para umuwi ng birthday niya? Ni pagbati wala.

Yearly, kung makapageffort ang anak niyo sa Mother's and Father's day wagas pero kapag uuwi kayo ang pupunahin mo lang ay yung kalat.

In the end what's the point? In the story, kahit nahharass na siya ng anak ng kabusiness partner mo, you chose to believe the other and had beaten her and wanted to set her up with that perverted fellow.

I'm not her. I'm no saint. And I don't love you.

However, I won't waste time hating you either. Hate and love had a very thin boundary because feelings that weigh as much as its opposite were invested.

But now, hate is not the opposite of love. It's indifference. I may hate you.
But it will only amount to dislike. I'll remain indifferent to you instead.

Yan, nalayo na ko sa goal ko, pero seriously. Pano ko makukuha ang susi?

Pagkaalis nila "Mama at Papa". Sumunod sa kanila ang iba nilang alalay. Kasabay nun, may katulong na may dalang mga gamit panglinis ang lumabas mula sa kwarto ni Ate, yumuko sakin, isinabit ang susi sa may sabitan sa loob ng lampshade na nakadikit sa dingding at umalis.

Shet. Ang hirap nga.

Usal ko. My goodness. Pag may nagtanong kung pano ko nakuha ang susi?

The answer: It was hard.

Kapag Naging Kontrabida Ang BidaWhere stories live. Discover now