HELL-OH

217 11 0
                                    

May kasabihan, sa breakup, kung sino ang unang nagwwalk-out, sya yung nakipagbreak.

Sa away ganun din, kung sino ang unang nang-iwan with the final word, sya yung winner... As long as, di mo na mapapasabat yung kaaway mo.

So when I left, pagbaba ko ng suite, pumunta akong service counter para alisin ang pangalan ni Jer sa mga allowed visitors. Di ko na sya hahayaang umakyat dun ulit. Huling usapan na namin yung kanina.

Kaso nga lang pagkasabi ko nun sa clerk parang nagtaka sya.

Oo nga pala, ayon sa kwento, si Vine mismo ang nalapit sa isang to para tanungin kung dumaan ba si Jer.

Kaya nga kahit hindi nakakadalaw si Jer, kilala na agad sya at pinayagan umakyat. What else? Love have the extreme powers to make one so stupid.

Pati number nya nagiwan sya dun para incase bumisita si Jer or yung parents nya ng wala sya, makakauwi sya agad kasi magnonotify sa kanya yung clerk.

One story based fact, never naman dumalaw ang parents niya dito. This suite was a gift from her uncle when she was 16. She moved here dahil maliban sa malapit sa school, malapit ito sa playground na pinagganapan ng kanilang "The Promise".

Kung hindi nga lang nagsisimulang bumalik itong sakit ni Vine baka di sya nagmoveout dun sa bahay ni Jer eh.

So saan nga ba ang lakad ko?

As I said sa gamutan. Pero bago yun...

May kailangan pa kong puntahan na paniguradong makakadeplete ng XP life ko...

Pagkalabas ko ng apartment, pumara na ako ng taxi at dumiretso sakay papunta sa pinakakakilakilabot na lugar-- sa Impyerno.

"Miss saan po tayo?"
"Sa Northeast ng Barangay Silang po."
"Dun ka ba sa may SouthRain Village? Ay hindi ho nagpapapasok dun ang hindi nakaprivate ang kotse miss."
"Ok lang po, dun naman bahay namin eh."
"Ah, o siya sige. Anak ng mayaman ka pala ano?"
"Hindi po, nakikitira lang po ako dun." 😅

Kung ako lang, totoo yun. Pero sa case ni Vine na dun naman talaga nakatira, ganun na din. Di naman kasi siya kinilala man lang ng Dad niya after nung aksidente ng ate niya.

As for her Mom, isang nanay na nabubuhay na lamang para suportahan at alagaan ang asawa. Walang sariling desisyon at nakatali na lang sa pagiging mahina.

A weak mother hen na di kayang protektahan ang anak.
I hate these types.

Not to go against her Mom. Pero di ba? Where is she when she was needed the most?

Pagbaba ng taxi, nagabot na ko ng bayad at umalis na sya. Sabi ko kay kuya anak ako ng nagttrabaho dito. Kasi halos ganun na din naman ang trato kay Vine eh. Pinagkaiba niya nga lang, parents niya mismo ang gumagawa nun.

Abah, sympathy points din yun. Kapag sinabi kong anak ako ng isa sa mga nakatira dito edi naholdap pa ko? That's what I call diskarte. 😉

Para matulungan ang taong gagamot kay Vine in the future, kailangan kong kalkalin ang mga matagal nang nababaong masakit na alaala ni Vine at mga magulang niya.

The challenge is hindi yung mismong pagkakalkal ang problema, ok lang sakin awayin sila. Sisisihin nila ako, sasagot lang ako. Madali lang yun.

The trouble lies with the item na kailangan kong nakawin kasi yun yung hinahanap nung taong makakagamot sakin.

And may kinalaman yun sa ate ni Vine. The dead sister.

Died at 17, when Vine was 10. Niligtas sya nito mula sa isang cliche na aksidente. --Pagkabangga ng sasakyan kasi may hinahabol na bola si batang Vine na napadpad sa gitna ng kalsada.

Babae si Vine, why is she playing with ball you ask? Syempre hindi sa kanya yun eh. Kay Jer yun. And yun ang malala. Vine had lost her memory of that but Jer didn't. Nananatili siyang guilty because of that. So lahat ng pang-aapi na ginawa niya kay Vine is because he hated it na limot na ni Vine ang lahat while he lived full of guilt.

That idiot probably thinks that when Vine finally remembers, he would be free of guilt.

Syempre mas masakit yun sa parents. So they put the whole blame on her.

They never told her or reminded her of what happened but just hated her.

But.

They're wrong. And that's why I hate them.

Habang nakatitig sa gate ng mansyong nasa harap ko, naisip ko na gaya ng mga nasa nobela, ang mayayaman na gaya nito ay talagang mayaman. Pero malungkot.

Sayang naman pera ng mga to. Akin na lang kaya no? 😂

Pinindot ko yung doorbell at syempre, may nagpakitang katulong sa may maliit na screen. (High-tech to boy)

"Sino po- S-senyori-"

"Magandang hapon din Nanay Coring, ako po ito si Vine."

"Senyorita! Bili! Buksan nyo ang gate! Sabihan sila Madam!"

"Nanay Coring! Wag nyo na pong ipaalam sa kanila, ako na po bahala "

"Pero-"

"Ako na po bahala."

Pagtapos nun, dumating na yung kotse para sunduin ako at ihatid sa harap ng bahay.

Bongga is an understatement. Ang yaman talaga ng isang to. Grabe, hacienda ah. Lahat sosyal.

Pero syempre, sa kayamanang ito. Madaming naghahangad.

I'm pretty sure. Madaming issues to.

Sa pagbaba ko sa harap ng mansion, nakalinya lahat ng katulong and bes, syempre kasama mga butler doon. Bongga nga di ba?

And following that line of sight, sa dulo andun ang malaking harang na kailangan kong akyating para makuha ang kailangan ko.

Vine's two family members.

Lumapit ako at pagdating sa harap nila, sinunggaban ako ng sampal ng tatay ko.

Of course, sino ba ako? I'm THE present Vine. So nakaiwas.

"Ang lakas ng loob mong umuwi!"

Well hell-oh to you too Dad.

Kapag Naging Kontrabida Ang BidaWhere stories live. Discover now