SIMPLE PAYBACK

246 17 0
                                    

Masarap pala sa feeling na may pinaghihintay ka outside your door. 😁 It really does wonders for your pride.

So how did I do it?

After looking through the peephole, I quietly left then dumiretso ako ng CR para magayos.  Hayaan mo siyang magpipindot ng magpipindot ng doorbell diyan. Nagsimula akong magtoothbrush. Makaligo din. 😁

Syempre dapat maganda 😁😊.

Habang naglalakad ako, palakas nang palakas ang tunog ng pinto pati na ang ring ng cellphone ko. Mukang napipikon na sya kasi kumakatok na din. Syempre hindi ko sasagutin 😄. Haay, life is a bliss~

Anong body essentials kaya ang magandang gamitin? Ah! Gusto ko tong marshmallow. Ang bango. Tas sa shampoo and conditioner.... Wow meron siyang Dove? Parehas kami! Gusto ko din amoy nito eh.

Excited akong maitry ang kanina ko pa gustong paliguang jacuzzi.

Aba, sarap magbabad, wala nito samin eh. Panghotspring pa yung init ng tubig. 😁 May mga rose petals din. Sosyal~

Jacuzzi, Rose petals and fragrant baths ... ano pa ba? Hmm... maganda siguro kung may music din. And with that, I pressed the music button on the remote I took from the wall earlier and an instrumental music played. Nakakarelax 😌. Ganto pala feeling mayaman.

Ilang minuto pa kong nagbabad tsaka ako umahon at naglotion. Syempre marshmallow pa din ang gamit. Yun naman talaga favourite din ni Vine eh. Same kami. Kaso lang pinaltan niya yun dahil tinatry niyang makipagkumpitensya kay Xianne.

Mature kasi ang ganda ni Xianne. She's a woman. A vixen who appears weak, pure, timid but is alluring. A type that makes men want to protect then conquer.  Contradicting ba? Basta ganun.

Pagkasuot ko ng red na bathrobe, inalis ko na din yung moisturizing facial mask na nilagay ko kanina bago ako magbabad then kumuha ng towel na ginamit ko pampatuyo ng buhok.

Teka, parang may nalilimutan ako?
Oh well, maaalala ko din yun mamaya. Tinapon ko yung facial mask sa basurahan katabi ng hamper malapit sa may pinto ng CR. Nalingon ako sa may lagayan ng remote.

Well, naibalik ko naman na. Ano kaya yung nalimutan ko? I seem to forget something important but I shrugged it off kasi ayaw naman magpaalala.

Then I entered the walk-in closet. Malawak siya then sa dulo may dressing table na may liwanag. Ah! Hindi pa ko nakakapagblower! Ano ba yan. Pag galing talaga sa hirap na kagaya ko nalilimutan ko ang ganitong mga kasosyalan.

Then it hit me.

✊✊✊ Knock! ✊"✊*✊" Knock

May kumakatok sa pinto! Si Jer! Oh well, di pa din siya naalis? Sorry bro, just forgot you ah. Well ginusto niya yan eh.

Nagblower na ko ng hair sabay suklay.
💁😄 Aba, hindi naman ako nagmamadali eh. Ang bango ng hair ko! 😊 Nakakagoodmood! Kumuha ako ng curler at kinulot pa yung dulo. Tapos nagpabango...

Syempre hindi ko nadidinig yung kumakatok sa labas ng pinto 😄. May tao ba dun?

Tas syempre dahil babae, matagaaaal pumili ng susuotin. 😉

Ano kaya susuotin ko? Hmm? Panay masseksi kasi nandito eh 😒. Babaeng yun. Ganda ganda ng katawan, di kayang pormahan.

Eto pwede na, grabe ang ganda nito nakatago lang at natatakpan

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Eto pwede na, grabe ang ganda nito nakatago lang at natatakpan. Di na bale, hindi na to matatakpan lang mula ngayon.

Syempre kung maganda suot, maganda din ang make-up. 😄

Hmm? 🤔 Parang wala nang nakatok ah? Umalis na? 😁 Sa wakas.

Pagkatapos ko magmake up, nagsandals ako. San ang lakad ko? San pa? Edi sa gamutan! Gamutan ha, hindi ospital.

Eto kasing sakit ni Vine kailangan idiretso sa specialist. Kaso wala namang nakagamot sa kanya hanggang sa umabot sa ng 18 at lumala lang nang lumala yung sakit niya.

Pero ayun sa kwento, isang "himala" ang nangyari at dumating ang doctor na meron talagang lunas para sa sakit niya. Apparently, hindi mo siya pwedeng basta-basta makita. Kasi hindi siya nagbebenta ng gamot. You can't convince him kahit gaano pa kamahal ioffer mo dahil pag nadiskubre siya ng iba, maiistorbo siya. And he hates getting disturbed. That's one lazy ass doctor if you asked me. But a talented one.

Pero ayun sa storyang nabasa ko,🤔 kung sakto sa timeline, may kailangan siyang hinahanap niya ngayon. At alam ko kung saan hahanapin yun.

I'm so smart 😁.

Tinext ko si Ella na ok lang ako at medyo masakit ang ulo kaya nagstay ako dito sa bahay. Nag-PM na din ako sa prof namin na may sakit ako kanina kaya hindi ako nakapasok then nagmessage  sa personal doctor ni Vine para sa medical clearance. Kailangan pa kasi nun eh para legit.

Oh well, oras na para harapin ang kalaban. SUGOD!!

Kapag Naging Kontrabida Ang Bidaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن