Kabanata 19

Depuis le début
                                    

"Oh? Yannah? Kamusta?" ani ko ng harapin ito. Maganda nga sya talaga,pero mabaho ang ugali nya.

"Ito,nag iisip ng paraan kung paano ka mawawala. Akala mo ba hindi ko alam ang nangyari? Poor you,huwag ka ng umasang magkikita pa kayo ni Clive. He learned his lesson now." nakangiting sabi nito,na akala mo ay hindi matatalas na salita ang binibitawan.

Agad nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig,bigla akong inatake ng kaba.

"Anong ibig mong sabihin? Anong ginawa mo kay Clive?"

"Oh! Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan bayota ka. I did not do anything to him. Ang mga parents ko baka meron. Wala din namang magagawa ang parents nya dahil they are under us. Pangbayad utang si Clive." mahaba nitong sabi.

"Bakit nyo ba ito ginagawa? Anong dahilan? Bakit hindi nyo na lang pabayaan si Clive?!" ang gigil ko ng sabi. Napaka sama pala nito ni Yannah,hindi makakain ng aso ang ugali nya.

"Simple lang. Mahal ko si Clive. Kami ang para sa isa't isa. Isang kahihiyan sa pamilya nila kung sa iyo sya papatol. Nakakadiri kaya. At mas pinadali ng utang nila ang kagustuhan kong maging akin ng tuluyan si Clive. Sya ang kabayaran,ikakasal kami dahil sya ang ama ng nasa sinapupunan ko." taas noong sabi ni Yannah. Tinaasan ako ng kilay at saka tumalikod at naglakad palayo.

Para akong nanghina dahil sa mga narinig ko. Paano na kami ni Clive? Kailangan magkausap kami. Alam kong hindi sya magiging sunud sunuran sa mga iyon. Mahal nya ako at ipaglalaban nya ako. Tinatakot lamang siguro ako ni Yannah.

"Tara na Kloyy. Ihahatid mo pa ako sa airport." ang pagpukaw sa akin ni Kiarr,tiningnan ko lang sya at ngumiti ako. Ayokong madamay sa problema ko ang mga taong nakapaligid sa akin.

Nag ikot ikot pa kami ni Kiarr saka nagdesisyong umuwi dahil ihahatid ko pa sya sa airport.

Pinayagan ako nina Mama at Papa na gamitin ang kotse kaya yun ang gamit ko ng ihatid ko sa airport si Kiarr.

Medyo malungkot ako sa pag alis ni Kiarr,nasanay na kasi ako sa presensya at kakulitan nya. Kaya ng makalipad na ang eroplanong sinasakyan nya ay saka ako nagdesisyong umuwi.

Naglalakad na ako papunta sa parking area ng may mapansin akong pamilyar na nakatayo sa tabi ng kotse. At ng makalapit ako ay agad ko itong nakilala at niyakap.

"God! Akala ko hindi na tayo magkikita. Naayos mo na ba? Kung hindi pa ay tutulungan kita." sabi ko ng humiwalay sa yakap. Nakatitig lang sa akin si Clive kaya kinabahan ako. "May problema ba?"

"Nandito ako para sabihing itigil na natin kung anong meron tayo." diretso nyang sabi na ikinanganga ko.

"Huh? Anong sinasabi mo? Kung tungkol ito sa pamilya mo,tutulungan kita. Huwag naman ganito,Clive. Hindi pa nga tayo nakakapag simula."

"Wala naman tayong dapat simulan,Kloyy. Nakapag desisyon na ako. At saka ìbaka nakakalimutan mong magkaka anak na kami ni Yannah. Makakagulo ka lang. Masisira mo kami."

Para akong sinampal dahil sa mga sinabi nya. Napasinghap ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Bakit ganon? Bakit biglang nagbago?

"Tinakot ka ba ni Yannah at ng pamilya nya? Huwag ka namang ganyan Clive. Magsisimula pa lang tayong lumaban pero sumusuko ka na. Akala ko ba mahal mo ako?" ang humahagulhol ko ng sabi. Ngayon lang ako naiyak ng ganito dahil sa pagmamahal.

"Akala ko din,Kloyy. Pero maraming namamatay sa maling akala. Walang kinalaman dito si Yannah at ang pamilya nya. Napag isip isip ko lang na hindi ko dapat sinasaktan si Yannah,hindi ko sya kayang ipagpalit sa isang tulad mo. Kaya please lang. Tumigil ka na." tumalikod sya at naglakad palayo. Kitang kita ko pa na sinalubong sya ni Yannah.

Nanlambot ako kaya napasandal ako sa kotse. Ni hindi ako makalunok ng sariling laway dahil sa walang tigil kong paghikbi. Sobrang sakit pala ng harap harapang binibiyak ang puso mo? Literal na nakakamanhid ng pakiramdam.

Muli ko silang nilingon,ngumisi at kumaway pa si Yannah sa akin bago sila sumakay sa kotse.

Ganon na lang yun? Ganun kadali sa kanya ang tapusin ang lahat? Pinaasa nya lang ba talaga ako?

Ayoko munang mag isip. Ayoko muna! I can't handle it,parang bigla akong nawalan ng direksyon.

Huminga ako ng malalim at saka sumakay sa kotse. Gusto kong magkulong sa kwarto ko. Akala ko masakit na yung iwasan ko sya,na nilayuan ko sya dati. Pero wala ng mas sasakit sa mga sinabi nya kanina. He literally break me into pieces. At hindi ko alam kung mabubuo ko pa ba ang sarili ko.

Wala na ako sa sarili habang nagdadarive,nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. At parang tukso na sumabay ang panahon,biglang bumuhos ang ulan,na parang dinamayan ako sa aking pagdadalamhati.

Paliko na ako sa Colon ng mag red ang stop light. Nagbreak ako pero ayaw gumana. Inulit ko pero ganun pa din.

Wala na akong nagawa kundi ang pumikit ng makita kong pabunggo ako sa isang establishment.

- WAHAHAHA! NAKAPAG UPDATE DIN DITO. Si INTROVERT26 NA LANG ATA ANG NAGBABASA AT COMMENT DITO. NAGLAHO NA YUNG IBA :D

Beautiful Days (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant