Chapter 2

7 1 0
                                    

Jessica
Hays siguro tulog pa si Clyde eh alam naman niyang may pasok na mapuntahan nga.

Habang papunta ako sa kwarto ni Clyde ay nakita kong lumabas si kuya Ken at kuya Gab sa kwarto nila sabay pa talaga ah mukhang may pinag usapan haha.

"Hoy bata sabi ko na nga ba tulog ka pa,gumising ka na at may pasok baga."sigaw ko ng makapasok sa kwarto ni Clyde.

"Opo mag aasikaso na."sabi ni Clyde ng may pahikab hikab pa.

Bumaba na ako patungong kusina para kumain andoon na rin naman sila kuya na nag uusap.

Clyde
Haynako si ate ginising ba naman ako eh ang ganda ng panaginip ko nanalo na daw ako sa sea games hays.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumain.

"Kuya Ken pwede po ba ako ulit sumabay sa kotse niyo papuntang school?."tanong ko.

"Sige."sabi ni kuya.

Tumalon naman ang puso ko sa tuwa hanudaw tumalon? Haha.

Pagkatapos namin kumain ay nagsipuntahan na kami sa kwarto namin.

Kendrick
Nang maabot ko ang kwarto ko ay nag ring ang cellphone ko.
Joshua

Pre pwede mo ba ihatid si Hazel
Nagmamadali kasi ako
Ako kasi naghahatid sakanya.

Sige na pre.

Sige.

__
Hazel nanaman? Hays.Makapag ayos na nga para masundo na maaga pa naman 6:00am palang sakto.

"Dad punta na po kami sabay ko na po si Clyde."pamamaalam ko.

"Sige mag ingat kayo."sabi ni dad at nagmano na kami.

Sumakay na kami sa kotse.

"Clyde may susunduin tayo ah basta wag mo nalang sabihin kahit kanino sa bahay."sabi ko.

"Opo kuya,ang ganda talaga ng kotse mo kuya."sabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin.

Hazel
Nandiyan na si Ken yiee enebekesi hihihi luh may kasama.

Nang tumigil ang sasakyan niya sa harap ko ay umikot ako sa kabila para sa likod ako sumakay ngunit kumatok siya at sumenyas na sa harap ako.

Enebe Ken eke leng teh hihihi.

"Lagi ka dito sa unahan."sabi niya.

"Kuya girlfriend mo?."tanong nung bata.

Oo hihihi.

"Hindi,pinapasundo lang ni Josh pinsan niya yan."sabi ni Ken.

Haynako.Nang makarating kami sa school ay nagsibabaan na kami.Magkahiwalay kasi kami ng section ni Ken kaya hindi ko alam kung paano siya sa school pero nakikita ko naman sa campus yung pangalan niya na laging nasa top.
__
So ayun pagkatapos ng parang isang taon na kaboringan uwian na sa wakas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom nakita ko si Ken na may kausap na babae.Aray sakit naman nun sinakay pa niya sa kotse niya kaya macommute nalang ako pauwi haynako nga naman.

"Sabay ka na ate."sabi nung bata na kasama namin sa kotse kanina.

"Ah hindi na."sabi ko.

"Sakay na."sabi ni Ken na dahilan para sumakay ako.

"Kuya girlfriend mo?."sabi nung babae na ikinagulat ko.

Kuya edi kapatid niya ang tungeks ko naman selos selos pa akong nalalaman haha kapatid pala.

"Daan muna tayo sa Mcdo ano ba gusto niyo,ikaw Hazel?."tanong ni Ken kaya tuwang tuwa yung mga bata.

"Burger at fries nalang samin ni Clyde kuya."sabi nung babae.

"Sayo Hazel?."tanong ni Ken.

"Ganon nalang din Ken."sabi ko ng nahihiya hiya.

Kaya naman kinuha ko ang wallet ko para bayaran si Ken kaso...

"Wag na ako na magbabayad."sabi ni Ken.

Tumango na lang ako.Ang bait pala ni Ken ngayon ko lang naman nakilala yung mga kapatid niya balita ko nga may kuya pa si Ken.

Madami kasi nagkakagusto sa kuya niya onti lang din nakakaalam na may kapatid siya sa school,hindi kasi sikat si Ken eh yung kuya niya lang.

Pagkatapos namin umorder nag ring cellphone ko.Nagtext si mama na mamaya na daw akong gabi umuwi dahil inaasikaso pa nila passport nila ni papa.

"Ken pwede bang ibaba mo nalang muna ako sa mall wala pa naman akong kasama sa bahay eh mag gagala muna ako."sabi ko.

"Samahan ka na namin wala rin naman kaming ginagawa sa bahay."sabi niya.

Natuwa naman yung mga bata sa likod.Yieee sasamahan daw ako concern na ba siya nun? Charot boring lang kasi.

Bumaba na kami at namasyal sa mall mas lumalalim ang pagkakakilanlan namin ni Ken mas madalas ko na nakikita yung mga ngiti na minsan niya lang pinapakita,yung mga ngiti na hahanap hanapin mo,yung ngiti na siya lang ang nakakagawa at yung ngiti na dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.

"Pwede ko ba makuha number mo?."tanong ni Ken.

"Meron na nagkausap na nga tayo eh ako yung nag hi sayo nung Sunday hehe."nahihiyang sabi ko.

"Ahh"

Binilhan niya lang yung mga kapatid niya ng gusto nila at umuwi na rin kami dahil mag gagabi na.

"Salamat ulit Ken."sabi ko.

"Sige text mo ako pag may kailangan ka."

Nag yieee naman yung dalawa sa likod dahilan ng pag init ng pisnge ko.Pano kung siya yung kailangan ko? Yieeee porong tongo naman eh.

Pumasok na ako sa bahay at nag bihis.Tinext ko na rin si Joshua nagpasalamat ako dahil pakana ko nanaman yun haha.

Kendrick
Pagka pasok ko ng bahay dumeretso na ako sa kwarto ko para aralin sa gitara yung "that should be me" na kanta.

Gusto ko maging kaibigan si Hazel ngayon ko lng gugustohin magka kaibigan na babae.Gusto ko din siyang alagaan katulad nung kay Jessica.

Maya-maya ay nagkatulog na rin ako.

I want to be yoursWhere stories live. Discover now