CHAPTER 2

11.2K 333 15
                                    

Lelantos

"Sir, maayos naman po ang takbo ng company. Pupwede pa po kayong mag extend ng stay dito sa Alegria." Tinignan ko ang personal secretary ko at tumango. Pinulot ko ang bola at naglakad na paalis sa court.

"Aalis ako mamaya pero uuwi naman ako ng dinner. Sa bahay ka nalang kasama sila mommy." Pumasok ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko para mag shower. Habang nagbibihis ako ay tinignan ko si Barbie na nasa kama ko lang ngayon.

"Hindi muna kita dadalhin Barbie. Magmamadali lang din naman ako." Matapos mag bihis ay kinuha ko agad ang susi ng kotse at lumabas na.

"Oh, anak. Saan ka pupunta?" Sumalubong sa akin si mommy, si daddy naman ay tinignan lang ako mula sa kinauupuan niya.

"May pupuntahan lang ako mom, hindi ako magtatagal." Sabi ko kay mommy at hinalikan siya sa pisnge. "Don't be late okay? Sabay tayo mag dinner." Kumaway lang ako kay mommy habang naglakad na palabas ng bahay.

"Oy Lan, what are you doing here?" Natigil ako sa pagbukas ng kotse, boses iyon ni Fiennes. "Bisita lang, what about you? What are you doing here?" Tanong ko naman sa kanya.

"Gusto makita ni mama ang mga apo niya." Tumango ako at kumaway tsaka binuksan ang pinto ng kotse ko. "I have to go, hahabol pa ako ng dinner sa bahay." Kumaway din siya sa akin kaya pumasok na ako sa kotse at pinaandar iyon.

Habang nagmamaneho ay may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko iyon at niset sa loud speaker.

"Yes, Jin?" Tanong ko kaagad, "Weirdo, may gathering daw tayo bukas sabi ni Baxter. Dapat may date na kasama." Mahina akong natawa at umiling nalang.

"Akala siguro ni Baxter hindi ako makakahanap ng babaeng dadalhin. Sige, pupunta ako." Namatay na ang tawag, akmang liliko ako ng daan ay bigla nalang tumawid kaya mabilis kong tinapakan ang preno.

Malalim ang paghinga ko, lumabas ako ng kotse at agad na nilapitan ang muntik ko na masagasaan.

"Are you okay?!" Nang mag-angat ito ng tingin ay bigla akong natigilan. Matagal bago kami natauhan sa isa't isa, mabilis siyang tumayo at pinagpagan ang suot niyang dress.

"Ligaya, ikaw pala." awkward kong sabi at tumango naman siya.

"Camille! Camille!" Pareho kaming napatingin sa lalaking tumatakbo papalapit sa amin. Sa tingin ko ay galing ito sa ibang bansa.

"Camille, please stop running away! I love you, please give me a chance! I will not do it again! I promise!" Kumunot ang noo ko, tinignan ko si Ligaya at laking gulat ko dahil sa takot na nakikita ko sa mukha niya.

Inakbayan ko agad si Ligaya kaya nabaling ang tingin ng lalaki sa akin. Galit siya.

"Stay away from my girlfriend, or I will break your bones." Tinignan ko siya ng masama pero hindi siya natinag, akmang hahawakan na niya si Ligaya ay hinigpitan ko ang hawak sa kanya sabay talikod.

"Hey! What are you doing? Camille is mine!" Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Ligaya, "Pumasok ka sa kotse ko, doon mo ako hintayin." Tumango naman si Ligaya at agad na tumakbo paunta sa kotse ko.

Hahabol pa sana ang lalaki sa kanya pero agad ko itong hinawakan sa braso at hinatak papalayo sa kotse.

"Listen here you peace of shit. I don't care who you are, stay away from my girlfriend." Binitawan ko ang braso niya at iniwan siyang galit na nakatingin sa akin.

Pagpasok ko sa kotse ay naabutan ko si Ligaya na humihikbi. Nagalala ako kaya wala akong nagawa at niyakap nalang siya ng mahigpit haggang sa tumahan na siya.

"Salamat." Sa wakas ay nagsalita na siya, lumayo siya sa akin at umayos ng upo kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Sino iyong lalaki? Manliligaw mo?" Umiling siya sa akin, pinunasan niya ang iilang luha sa pisnge niya. Hindi ko siya matiis kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at binigay iyon sa kanya.

"Kapartner ko siya dati sa isang pictorial para sa magazine. Ang theme ay summer." Humikbi na naman siya. Hindi ko alam pero sa tuwing hihikbi siya ay sobra sobra ang sakit na nararamdaman ng dibdib ko.

"Tapos, tapos noong nasa kalagitnaan kami ng pictorial. Bigla niya akong hinipuan." Bigla akong nabingi sa narinig ko mula kay Ligaya at padabog na binuksan ang pinto ng kotse.

Hinanap ko ang putanginang lalaki kanina pero hindi ko na mahanap. Sa sobrang galit ko ay hindi ko namalayan na hinahawakan na pala ako ni Ligaya sa braso ko at hinihila pabalik sa kotse.

"Lan, Lan. Ayaw ko na siya makita." Huminga ako ng malalim at niyakap si Ligaya, paulit-ulit ang pagsabi niya na ayaw na niya makita iyong lalaki kanina.

Pinapasok ko siya sa kotse at hinayaan nalang mula habang nagmamaneho ako. Pag tingin ko sa kinauupuan niya ay nakatulog na pala siya kaya hindi ko na inistorbo.

Pagkadating ko sa totoong pakay ko ay lumabas ako ng kotse at nilock ito para hindi mapasok kung sakaling sinundan kami ng lalaking humahabol kay Ligaya kanina.

"Oh, Mr.Beckham! Long time no see!" Nakipagkamayan ako sa isang opisyal sa lungsod ng Alegria at sabay kaming pumasok sa office niya.

"So about doon sa lupang matagal mo na gustong bilhin. Inaprobahan na ito ng Mayor at kailangan nalang ng perma mo." Inibot niya sa akin ang isang papel na naglalaman ng sulat na binili ko ang lupang malapit sa ANHS kung saan ako nagaaral dati. Pinermahan ko ito at ibinalik sa opisyalis ng lungsod.

"Pasensya na, gusto ko pa sana makipagusap pero may kasama kasi akong natutulog sa loob ng kotse ko ngayon. Hindi ako pwede mag tagal." Mabilis na tumayo ang opisyalis at nakipagkamay sakin.

"Sure, sure! Mr.Beckham. Mag iingat po kayo." Ngumiti ako at lumabas na ng office. Bumalik ako sa kotse, nakita kong natutulog pa rin si Ligaya kaya pinaandar ko ang kotse at nagdrive pauwi sa bahay.

———

"Lelantos! My god. What happened to her?" Salubong sa akin ni mommy nang makita niya na buhat-buhat ko si Ligaya.

"Nothing mom, nakatulog lang siya sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan ang bahay niya kaya dinala ko nalang dito." Iniwan ko si mommy sa sala at inakyat sa kwarto ko si Ligaya.

Inihiga ko siya sa kama at kinumotan ng maayos, tsaka ako umupo sa gilid ng kama. I can't believe na makikita ko ulit si Ligaya, isang taon din akong walang contact sa kanya.

Sinadya kong hindi i-contact si Ligaya habang nasa ibang bansa siya para sa pagmomodelo niya. Sabi nga ni Noe, hindi pweding gawin ko lang kung ano ang gusto ko.

Bata pa si Ligaya, hindi niya pa maiintindihan ang isang seryosong relasyon. Lalo na kapag ako ang magiging karelasyon niya. Baka masakal ko lang siya.

Huminga ako ng malalim, tumayo at aksidente kong nasagi si Barbie na nasa gilid ng kama. Nahulog ito at kasabay naman noon ang pagtunog ng phone ko.

Sa takot na magising si Ligaya ay mas inuna kong kunin ang phone ko at mabilis lumabas sa kwarto para sagutin ang tawag.

"Yes? Who's this?" Nakarinig ako ng iyak ng bata sa kabilang linya kaya inilayo ko muna ang phone sa tenga ko.

"The hell?" Pagbalik ko ng phone sa tenga ko ay narinig ko agad ang boses ni Fyonna. "Lan? Hello Lan?"

"Yes? What is it?" Tanong ko naman, "Tumawag kasi sa akin ang manager ni Ligaya, hindi pa umuuwi. Baka pwede pakihanap naman sa kanya. Nag aalala ako."

Binuksan ko ng tahimik ang pinto ng kwarto ko at sinilip ang natutulog na si Ligaya. "Don't worry. She's safe."

Tiger 12: Lelantos BeckhamΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα