Chapter Thirty-four

Depuis le début
                                    

 "Shit," bulong ng isang babae at kumaripas sila sa takbo. Kinagat ko ang labi ko at inabot ang mga gamit kong nahulog. Patuloy lang ang paghikbi ko at patuloy lang ako sa pagkalma ng sarili ko. Halos hindi na ako makahinga.

Nagulat ako nang may humawak sa baba ko at iniangat ang ulo ko. Nagtama ang tingin namin ni Spencer, nakaluhod din siya kagaya ko. Magulo ang kan'yang buhok at kumikinang ang silver niyang hikaw sa kaliwang tainga. Sa kan'yang titig, naalala ko si Tyrone. Bumalik ito at nawala lahat ng effort ko para makapag-move on. Paano ba 'yun kung sa lahat ng bagay, siya ang naaalala ko?

Naramdaman ko ang isang tela sa pisngi ko. Pinupunasan ni Spencer ang luha ko gamit ang kan'yang panyo, at sa ngayon ay gusto ko na lang mag-breakdown sa harap niya. Ang hirap hirap, pakiramdam ko iniwan na ako ng lahat. Am I not worthy? Hindi ba ako karapat-dapat para ipaglaban?

Pinulot ni Spencer ang ibang gamit ko at nilagay ito lahat sa bag ko. Siya na ang nagdala nito at wala na akong nagawa. Inalalayan niya ako sa pagtayo, pero hindi siya nagsalita. Isinantabi ko na muna lahat ng pagtataka ko. Sa ngayon, nagpapasalamat ako sa pagligtas niya sa akin.

Tumigil siya sa paglalakad at nakita kong nakatitig lang siya ng diretso. natigilan na rin ako at lumingon sa kung ano ang tinitignan niya, pero mabilis akong nagsisi. Maling desisyon. Dahil sakto sa paglingon ko ay nakita ko si Tyrone na kasama si Xena. Buhat ni Tyrone ang bag niya at hawak ang kamay niya. Impit na hikbi ang lumabas sa bibig ko. Parang kailan lang, kamay ko ang hawak niya. Parang kailan lang, bag ko ang binubuhat niya.

Ang bilis nga naman niya umatake, ano? Diretso at sobrang sakit.

"Fuck that guy," malutong na mura ni Spencer. Naramdaman ko ang pagdausdos ng kamay niya sa palad ko, pero tinanggal ko ito. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang ipakita kay Tyrone na may iba akong kahawak ng kamay. Kung siya, kaya niya, ako hindi. Mas gugustuhin ko pang malaman niyang nasasaktan ako kaysa magpakita ng maling emosyon.

Dahil kahit ganito, pakiramdam ko nagtataksil pa rin ako sa kan'ya.

Bakit ba siya pa rin? Siya pa rin sa kabila ng lahat?

Napangisi si Spencer sa ginawa ko, ngising sarkastiko. Lumabas ang kan'yang dimples sa pag-ngisi niya.

Muli kong binaling ang tingin ko sa dalawa na nakaupo na sa isang bench. Nilagay ni Xena ang kan'yang ulo sa balikat ni Tyrone, then he tensed.

Shit.

"Don't look," Mariin at seryosong sambit ni Spencer, pero lumabas agad ito sa kabila kong tenga, dahil hindi sumusunod ang mga mata ko. Nakatitig lang ako sa kanila, kahit na alam kong sa simpleng pagtitig ay ikamamatay ko na ito.

Nag-angat ng tingin si Xena kay Tyrone at dahan dahang nilapit ang mukha sa kan'ya. Pakiramdam ko nanagutan ako ng hininga habang pinagmamasdan sila. Hindi ako makahinga, ang sikip sikip ng dibdib ko. At nang malapit nang maglapat ang kanilang mga labi ay may biglang tumakip sa mga mata ko. Naamoy ko ang pabango ni Spencer.

"Damn it, Yvette. Don't look."

Hindi ko na tinanggal ang kamay niya sa mga mata ko. Wala na rin akong pakialam kung nababasa ang palad niya dahil sa luha na lumalabas sa mga mata ko.

"Let's go." Hinigit ako ni Spencer palayo roon. Sinundan ko siya at pinigilan ang sarili kong titigan sila.

Siguro tama nga siya. Siguro kailangan ko nang tumigil. Siguro hindi na niya talaga ako mahal.

Maybe he has moved on already. And it pains me, seeing him okay while I'm still wrecked.

Lumipas ang maraming araw, and everyday I kept on dying. Laking pasasalamat ko dahil nariyan si Spencer at Princess. They watched over me, sa mga panahong lugmong lugmo ako. Nakakabigla man ang biglaang pagkakaibigan namin ni Spencer, nagpapasalamat na lang ako dahil pinadali niya ang bawat panahong lumipas. Kahit papaano ay nagagawa niya akong pangitiin sa mga panahong hindi ko aakalaing ngingiti ako.

Natapos ang exam days at nagsimula na ang practice para sa graduation. I can't wait to end this misery. Pagkatapos nito, sisiguraduhin kong magiging okay ako. Sisiguraduhin kong hindi na ako iiyak pa.

"Mag-aattend ka ng Senior's Night?" Tanong ni Princess isang araw.

Mabilis akong umiling. Wala akong panahon para d'yan, mas gugustuhin kong kumayod na lang para sa amin.

Nang matapos ang senior's night ay kumalat sa school paper ang mga litrato ng mga umattend ng prom. Hinanap ko ang mukha ni Tyrone pero wala akong nakita kundi ang ibang magpipinsan lang. Naroon si Xena pero wala siya.

"Hindi siya pumunta," Biglang sumulpot si Spencer sa gilid ko at kumindat sa akin "That asshole is losing it."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan pero ginulo lang niya ang buhok ko. Sa ilang linggong nakasama ko siya, naging close kami. Hindi ko naman iyon binigyan ng malisya dahil alam kong hindi naman ako iyong tipo ng type niya. Nang minsang tinanong ko siya kung bakit niya ako tinutulungan, ngumingisi lang siya at paglalaruan ang buhok ko.

"Spencer!" Pinigilan ko siya pero humalakhak lang siya. Inayos ko ang buhok kong gulong gulo dahil sa kan'ya.

"Do you believe in second chances?" Bumuntong hininga siya. Nilingon ko siyang nakakunot pa rin ang noo. Minsan, napaka-random niya talaga. Pero kahit gan'on, napapagaan niya ang pakiramdam ko.

"Saan mo na naman hinuhugot 'yan?"

"Wala. Para kasi kayong tanga," humalakhak muli siya kaya pinalo ko na sa braso.

"Aray! Yung muscle ko naman, Yvette!" He tensed his arm kaya't lalong naging visible ang kan'yang bicep.

"Muscle mong mukha mo. Sinong 'kami'?" Kinagat ko ang labi ko at naghintay ng susunod niyang sasabihin. Binuka niya ang bibig niya pero sinara din ito muli saka ngumisi sa akin ng malaki. Inirapan ko na. Nangtitrip na naman yata. Madalas siyang ganito. He'd leave me hanging in his sentences kaya't nasanay na lang din ako.

"Pero bakit nga tinutulungan mo 'ko?" Tanong ko sa kan'ya.

"Kasi kawawa ka naman." Halakhak niya.

Nilingon ko siya ng masama. Tinaas niya ang kan'yang dalawang kamay para humingi ng dispensa.

"Seryoso ako."

"I'm serious as well. Kinakawawa ka nina Kelly. Have you heard about the anti-bullying act?"

"Wala kang sense kausap. Kainis." Bumuntong hininga ako at sumandal sa bench na inuupuan namin.

"Fine. I'm helping you because I'm hitting on you."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya ng laglag ang panga. Hinihintay kong sabihin niyang joke lang iyon pero seryoso lang siya, walang bahid na biro.

At nang magdalawang minuto na kaming nagtititigan, humagalpak siya sa tawa. Napairap ako. Halos wala na siyang mata dahil sa kakatawa, at napakalalim na ng kan'yang dimples. Nakakainis. Ang lakas mangtrip.

"Bakit gan'yan reaction mo, Yvette? I was kidding!" Panay pa rin ang halakhak niya.

Pinalo ko siya ng mga libro ko at tumayo. Bahala siya d'yan tumawa mag-isa at magmukhang baliw. Nakakainis.

Pero sakto sa pagtayo ko ay natanaw ko si Tyrone sa kabilang bench. Nakatitig siya sa akin at kumalabog ang dibdib ko. Bakit gan'on? Sa kaunting pagtitig niya lang sa akin, ramdam ko ang paghatak niya sa akin pabalik sa kan'ya. Gan'on lang 'yon kadali para sa kan'ya. Kayang kaya niya akong pabalikin. Ang unfair. Ang unfair dahil kahit pilit kong diktahan ang sarili kong tumigil na sa kahibangan, at the end of the day, babagsak at babagsak pa rin ako sa kan'ya.

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Spencer, kasabay n'on ay hinatak niya ako palayo doon. Wala na akong nagawa. Nagpatianod na lamang ako dahil kaunti na lang ay luluhod na ako sa harap ni Tyrone, at ayokong mangyari iyon.

"Ayan ka na naman, eh. Papakatanga ka na naman." Bulong ni Spencer sa gilid ko. "Let him do the chase."

"Hindi na niya ako mahal, h-hindi na siya hahabol pa." Pumiyok ako sa sinabi ko. Hindi ko akalaing kaya kong sabihin ang mga salitang iyon. Mga salitang pilit kong sinisiksik sa kokote ko.

Spencer didn't reply, instead he gave me a smirk and a wink.

IntoxicatedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant